(NI NOEL ABUEL) NAGKAKAISA ang mga senador na isantabi ang pinasok na concessionaire agreement ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water hanggang 2037. Ayon kina Senador Aquilino Pimentel, Senador Bong Go at Senador Francis Tolentino kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang kontrata sa nasabing dalawang water concessionaires dahil sa natuklasang kuwestiyunableng nilalaman ng kontrata. “Ang original lifetime ng contract ay 2022, sa gitna nu’n nag-agree na i-extend from 2022 to 2037. Pero para sa akin ‘yung agreement to extend ay hindi pa effective kasi nga hindi pa naman nagi-expire. Sa akin…
Read MoreDay: December 9, 2019
BAWAS-PRESYO
(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bukas ng umaga, (Disyembre 10). Epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga na magpapatupad ang Phoenix Petroleum Philippines ng P0.10 sentimong kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel at P0.30 naman kada litro ng gasolina. Habang ang Petro Gazz, PTT Philippines at Seaoil ay magpapatupad naman ng P0.10 kada litro sa diesel at P0.40 sentimos sa gasoline. Nagbawas din ang Pilipinas Shell at Petron Corporation ng P0.40 sentimos kada litro sa presyo ng…
Read More5-TAON VALIDITY NG LISENSIYA NG BARIL PASADO SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang palawigin ang validity ng lisensya sa pagkakaroon ng baril at bala mula sa dalawang taon ay magiging 5-taon. Sa botong 20-0, ipinasa ng mga senador ang Senate Bill No. 1155, na nag-aamiyenda sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagpapalawig sa renewal ng firearm registration mula apat na taon hanggang limang taon. Sa ilalim ng nasabing panukala, ang pagpaparehistro ng mga baril ay gagawin kada 5-taon. “Failure to renew the registration of…
Read MoreCAYETANO GAME SA OMBUDSMAN INVESTIGATION
(NI BERNARD TAGUINOD) GAME si Philippine Southeast Asian Games Organizing Commission (Phisgoc) chairman House Speaker Alan Peter Cayetano sa ikinakasang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa hosting ng Phisgoc sa SEA Games. “Two weeks ago, when the SEA Games was under attack by groups out to discredit the government with fake news reports of unpreparedness and corruption, I already announced that we not only welcome, but are ourselves calling for an investigation by the proper agencies at the right time to clear the air about these unfounded allegations,” ani Cayetano.…
Read MorePINAGLARUAN SI GAZINI?
(NI LOLIT SOLIS) NALOLOKA ako. Miss Universe ang pinag-uusapan ng mga bakla. Mukhang tanggap naman agad ang ‘di pagkapanalo ng kandidata nating si Gazini Ganados sa katatapos lang na Miss Universe 2019. Ang ikinadismaya lang ng karamihan ay ang pagkakamali nang pagtawag ng winner sa Best in National Costume na napanalunan ni Miss Malaysia. Napalinaw nang pagkatawag ng host na si Steve Harvey na si Miss Philippines ang wagi at ang litrato pa niyang naka-eagle inspired costume na likha ni Cary Santiago ang ipinakita. Pero ang katabi niyang winner ay…
Read MoreNIGHT DIFFERENTIAL PAY SA GOV’T WORKERS, OK NA SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) LUSOT na sa Senado ang panukala para sa pagbibigay ng night shift differential pay sa mga empleyado ng pamahalaan na obligadong magtrabaho nang lagpas sa regular working hours. Sa botong 20-0, inaprubahan sa 3rd and final reading ang Senate Bill 643 o ang panukalang pagbibigay ng night shift differential sa mga empleyado ng pamahalaan na naseserbisyo sa bayan. Batay sa Labor Code of the Philippines, ang night differential pay ay hindi hihigit sa 10% ng regular wage sa bawat oras ng mga empleyado na pumapasok sa pagitan…
Read More11.8 DEGREES NA LAMIG NAITALA SA BAGUIO CITY
(NI ABBY MENDOZA) UMABOT SA 11.8 degree celsius ang temperatura sa Baguio City, nitong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa alas 6:00 ng umaga naitala ang mababang temperature. Asahan pa na sa mga susunod na araw hanggang papalapit ang araw ng kapaskuhan ay lalamig pa ang klima. Ang peak ng cold weather sa Baguio ay inaasahan pagsapit ng buwan ng Enero hanggang Pebrero. Matatandaan na noong Enero 28 naitala ang 9.8 degree habang Enero. 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio…
Read MorePAG-AMYENDA SA CUSTOM MODERNIZATION ACT HINILING SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAAAMYENDAHAN ng isang kongresista ang Custom Modernization and Tariff Act (CMTA) upang magkaroon ng mandatory inspection sa mga cargo sa mga containers bago umalis sa kanilang port of origin. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kailangang amyendahan ang Section 440 ng CMTA dahil ito ang isa sa mga nakikita nitong dahilan kung bakit patuloy ang smuggling activities. “Smuggling continues unabated and as a result, hundreds of billions of pesos…
Read MorePALASYO KAY GAZINI: ALL THE BEST!
(NI CHRISTIAN DALE) “ALL the best” sa hinaharap para kay Miss Philippines Gazini Ganados. Ito ang mensahe ng Malakanyang sa naging pambato ng bansa sa katatapos na Miss Universe 2019 bagama’t nasilat na masungkit ang korona. Sa kalatas na ipinadala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong naipakita ni Ganados sa buong mundo ang ganda at talento ng isang Filipina. Isang bagay aniya ito na dapat ipagmalaki ng ating mga kababayan. Ang partisipasyon ni Ganados, ani Panelo, sa nabanggit na prestihiyosong patimpalak ay dagdag na karanasan ng ating pambato ngayong…
Read More