ONLINE CONFERENCE SINAGAWA NG BOC-CLARKS

0

Pinangunahan ng ­Bureau of Customs Port of Clark (BOC-Clarks) ang Webinar on Enhanced ­Value ­Reference Information System (E-VRIS) via Zoom noong nakaraang Enero 15, 2021.
Binigyaan diin sa pagtalakay ng webinar ay ang operational procedure sa implementasyon ng E-VRIS sa electronic to mobile (E2M) system bilang nakalagay sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 16-2020.

Ang paksa ay ­ipinalinawanag ni Deputy Collector for Assessment Atty. Felipe Geoffrey K. De Vera IV at dinaluhan ng mga ­miyembro ng Clark Investors and Locators Association (CILA), PEZA companies, Air Express Cargo operators at iba pang stakeholders.

Samantala ang Value ­Reference Information System (VRIS) ay isang electronic platform na itinakdang ‘value threshold or standard’ para sa bawat imported commodity, base sa historical value ng dating importations at nananaig na market values and statistical studies.

At ang layunin nito ay para sa tamang pagmomonitor ng valuation at tariff classification ng imported goods at upang magtatag ng isang maaasahan at kumprehensibong databased information of imports na suporta ng implementasyon ng WTO Valuation System.

Sa pahayag ni District Collector Atty. Ruby ­Alameda, sinabi niyang ang Port of Clark ay tiyak na patuloy sa kanilang pakikipagdayalogo sa kanilang partners at stakeholders hindi lamang sa pagbibigay sa kanila ng tama at pinakabagong impormasyon.

Kasama rin dito, ang pagbibigay ng mga polisya at reporma ng Bureau of Customs (BOC) para matugunan ang mga isyu at alalahanin sa proseso ng customs.
(Boy Anacta)

Read More

P1.076-B KINITA NG BOC SA DISPOSISYON NG OVERSTAYING CONTAINERS

0

Aabot ng mahigit sa isang bilyong piso (P1.076-B) ang kinita ng Bureau of Customs-Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) at ACD units ng lahat ng Collection Districts dahil sa ginawang disposisyon ng kabuuang 3,514 overstaying ­containers mula Enero hanggang ­Disyembre 2020.

Ang disposisyon ng lubhang matagal nang mga containers ay nagresulta para sa revenue generation na P1,076,588,805.44 mula sa public auction ng 1,898 containers ng ibat-ibang items tulad ng TV, Tiles, Plywood, maraming iba pa, at kondemnasyon ng 1,346 containers at donasyon ng natitirang 270 containers.

Ang kahulugan ng disposition activities ay may kaugnay sa ‘ease of doing business’ sa bureau, na ­nagresulta sa pagluluwag sa mga pwerto at yarda
Ang nasabing overstaying containers ay mula sa mga nakumpiska habang ang iba naman ay mga inabandong kalaka sa BOC.

Sa ilalim ng CMO 10-2020, ang overstaying cargoes para sa mahigit ng 30-araw mula sa date of discharge na hindi nakukuha sa loob ng ‘specified period of time’ ay lalagyan ng tag na abandonado at sa pinal ay sa ‘Decree of Abandonment, the Bureau shall then make the proper determination as to its disposition’.

Sa ilalim naman ng Section 1141 ng Customs ­Modernization and Tariff Act, ang kalakal na nabanggit ay hahantong na sa disposisyon na maaaring i-donate, at ­idedeklara bilang official use ng Bureau, o kaya idadaan sa pagbebenta sa public auction.

Habang ang mga kalakal na pwede para sa tirahan, o binubuo ng mga pagkain, mga damit o mga gamot ay ­maaaring ibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
(Joel O. Amongo)

Read More

Anumang araw darating sa bansa BULTONG BAKUNA, MAHAHALAGANG KALAKAL MINOMONITOR NG BOC-NAIA

0

Bilang paghahanda para sa pagdagsa ng mga essential food products lalo na ang bakuna para sa ­covid-19, ang Bureau of Customs (BOC) ay ­pinaigting pa ang ang kanilang pagsisikap upang i-monitor at matiyak na magiging maayos ang daloy ng mga kalakal sa bansa.

Isa sa mga pangunahing hakbang na ipinatupad kamakailan sa BOC ay ang pagbuo ng Covax Importation Unit, na ang pangunahing gawain ay tiyakin ang maayos at mabilis na proseso at pagmomonitor ng Covid-19 vaccine importations.

Ang unit na ito ay ­responsable para sa pakikipag-ugnayan sa IATF at iba pang concerned agencies na may kaugnayan sa Covid-19 vaccines.

Ang One-Stop-Shop sa Port of NAIA ay titiyakin din na pabilisin ang proseso at pag-release of approved vaccines, personal protective equipment, medical supplies, at iba pang goods essential na ­gamit sa paglaban sa ­Covid-19, basta lahat ay kinokontrol na mga kalakal (regulated goods) na sumunod sa kinakailangang permits.

Inaasahan din ng BOC ang pagtaas ng bilang ng importasyon partikular na sa mga processed at canned meat products pati na ang pork products kasunod ng paglalabas ng Executive Order 123.
Ito ay nagpataas ng 5% tariff sa imports ng ­mechanically-deboned meat (MDM) ng chicken at turkey hanggang sa katapusan ng 2021.

Kaugnay nito, ang Department of Agriculture kamakailan ay inanunsyo ang posibleng pagtaas ng minimum access volume (MAV) na alokasyon para sa pork para patatagin ang supply at mga presyo sa merkado.

Sa mga pagbabago ­kamakailan, ang BOC ay nagpalakas ng kanilang trade facilitation programs at aktibidad para tiyakin na patuloy ang supply ng essential food products.

Ang Customer Care Centers ay na-establisa na sa 17 Collection Districts na nananatiling operational para tumulong sa stakeholders sa kanilang alalahanin at BOC-related transactions.

Ang disposisyon naman ng mga overstaying ­containers ay nananatili para tiyakin na hindi maaabala ang paghahatid ng serbisyo at maiwasan ang pagsisikip sa pwerto.

Pinalakas din ng Bureau ang kanilang pamamaraan sa pagbabantay ng mga hangganan para tiyakin na lahat ng shipments ay sumunod sa Customs laws, rules at regulations.

Ang portal x-ray machines ay may kakayanan na makapag-scan ng 160 containers per hour, o 3,840 containers per day na naka-install sa major ports – Port of Manila, Manila International Container Port, Port of Cebu at Port of Davao.

Sa bagong binuong Customs Operations Center, pinalakas ang Bureau’s command and control on intelligence and enforcement operations sa labing pitong (17) Collection Districts nationwide.
Ang Center ang namamahala sa Intelligence Database, ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC), at ang Vessel Monitoring System.

Ito rin ay nagbibigay ng remote access sa BOC’s x-ray system at nagsisilbi bilang fusion center para sa ‘integrate and analyze intelligence, enforcement, and operational information gathered from various sources’.

Karagdagan nito, ang implementasyon sa Universal Risk Management System (URMS) mga pagpapahusay sa Bureau’s risk at ­compliance-prediction capabilities laban sa ilegal na kalakalan at pandaraya sa customs.

Kasabay nito, tiniyak din ng Bureau of Customs sa ­publiko na patuloy na ipatupad ang nararapat na kaukulang pamamaraan para protektahan, mapadali at mabawasan ang pagkagambala sa supply chain, lalo na para sa ­pangunahing pangangailangan at mahahalagang kalakal. ­
(Joel O. Amongo)

Read More

MARITIME LAWYERS OATHTAKING CEREMONY PINANGUNAHAN NI GUERRERO

0

Bilang pagpapalakas sa pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang organisasyon at mga ahensiya para mapahusay ang maritime trade, ang mga miyembro ng Maritime Law Association of the Philippines (MARLAW) ay bumisita sa Bureau of Customs (BOC) para sa kanilang oathtaking ceremony noong Enero 21, 2021.

Sa isang simpleng seremonya, ang mga bagong halal na Board of Trustees ng ­MARLAW ay nanumpa sa harapan ni Commission Rey Leonardo Guerrero bilang inducting officer.
Ang MARLAW ay nabuo noong 1982, isang samahan ng mga abugado na may kinalaman sa pagpa-practice ng maritime law.

Ang BOC bilang isa sa mga pangunahing ahensiya na may kaugnayan sa kalakalan sa karagatan ay isinusulong din ang maayos na koordinasyon at pakikipagtulungan sa legal practitioners upang magawang lubusan ang kanilang pangunahing mandato, ang Revenue Collection, Border Security at Trade Facilitation.

Kasunod ng panunumpa ay nagsagawa ng tour sa BOC premises ang mga opisyal at miyembro ng MARLAW at doon ay nabigyang pansin nila ang bagong programang pang-modernisasyon ng BOC at ito ay ang itinatag na Customs Operation Center o COC.

Pinasalamatan naman ng MARLAW sa pangunguna ni Board of Trustees President Atty. Ferdinance Nague ang mainit na pagtanggap sa kanila ni Commissioner Guerrero kasabay ng pagpapahayag ng paghanga sa modernisasyon ngayon sa BOC.

“MARLAW officers are indeed in awe and admiration to the current Customs system and technology enhancement and thus would like to ­congratulate Comm. Guerrero and the entire BOC family for being resilient at the height of the pandemic and for staging the state of the art Customs Operation Center facility ­making the Philippine Bureau of Customs a world class Customs administration we are all truly proud of,” ayon kay Atty. Nague.

Bunsod nito, patuloy ang gagawin ng BOC na ­pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang mga samahan na may kaugnayan sa kalakalan upang lalo pang mapalakas ang pag-kolekta ng buwis na naaayon sa batas, pagpapalakas ng border security, at pagpapahusay ng kalakalan sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.(Joel O. Amongo)

Read More

STOP OVER SA DUBAI, ISANG URI NG ILLEGAL RECRUITMENT SA U.A.E.

0

GARAPALAN at talamak na ang nangyayaring ­illegal recruitment sa social media patungo sa United Arab Emirates (UAE) na kinapapalooban ng Dubai at Abu Dhabi.
Nitong nakaraang Biyernes ay napag-usapan namin sa aming programang Bantay OFW sa DWDD 1134KHz AM kasama si Alden Estolas at POEA ­Administrator Bernard Olalia ang sumbong ng mga OFW ukol sa paghihikayat sa kanila ng ilang mga kapwa OFW na nakabase sa Dubai upang lumipat ng trabaho mula sa karatig na bansa.

Kabilang sa mga ­­isinumbong ng mga OFW at ­Volunteer Advocates ang may Facebook Account na TAD HOUSEMAID at si ­Angela Refil na parehong nakabase sa Dubai, U.A.E.

Katwiran ng mga nasabing illegal recruiter ay ­lehitimo at lisensyadong ­recruitment agency sa Dubai ang pinagpapasukan nila ng mga aplikante kung kaya lehitimo ang kanilang recruitment.

Nakaligtaan ng mga nasabing illegal recruiter na mahigpit na ipinagbabawal ang iskema na tinatawag na “third country recruitment” na kung saan ang mga OFW na ­kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa ay ­hinihikayat na lumipat ng employer sa mga karatig na bansa.

Halimbawa rito ay kung sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sa Kuwait ang isang OFW at hinikayat na lumipat ng trabaho patungo sa Dubai na hindi dumaan ang mga kontrata o dokumento sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay ­maituturing na itong illegal recruitment.

Madalas na ang ahensya sa Dubai o Abu Dhabi ang gumagawa ng ganitong kabalustugan dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin pinapayagan ng POEA ang pagpapadala ng Household Service ­workers (HSW) sa UAE dahil sa hindi pa napagkakasunduan ang ­hinihiling na proteksyon at kontrata na dapat gamitin para sa pagpapadala ng mga HSW sa UAE.

Napakadelikado at tiyak na agrabyado ang sinumang OFW na mabibiktima o nahihikayat na lumipat ng ibang bansa dahil sakaling may masamang nangyari o di kaya ay namaltrato ang isang OFW ay walang ­ahensya na maaring managot sa kanyang naging kalagayan.

Sa aking panayam kay POEA Administartor Bernard Olalia ay mariin niyang binalaan ang mga gumagawa ng iskema na third country recruitment. Nagbabala rin ito na sakaling makuha ng POLO ang kumpletong detalye ng pagkaka-kilanlan ng mga illegal recruiter ay sisiguruhin ng POEA na ito ay kanilang kakasuhan. ­Idinagdag pa niya na kaniyang hihilingin ang tulong ng Department of Foreign Affairs upang ipakansela ang mga pasaporte ng mga illegal recruiters upang ang mga ito ay mapa-deport at makulong sa Pilipinas.

Hindi lamang sa ­bansang UAE nagaganap ang ­ganitong gawain ng mga ­illegal recruiters, katunayan ay noon pang taong 2018 ay ganito rin ang estilong ­ginagawa sa pagrerecruit sa mga OFW na mula naman sa Hong Kong, ­Singapore and Cyprus upang dalhin direkta sa Dubai, Mongolia, Turkey, Russia at Lebanon.

Matatamis ang dila ng mga illegal recruiter na ito para makahikayat ng ­kanilang biktima. Kabilang sa kanilang pang-enganyo ay ang pagsasabi na walang babayaran na placement fee, may iba pang kasamang OFW sa loob ng tahanan na ­pinagtatrabahuhan at ­regular ang day off. Ngunit sa oras na ito ay ­makarating na sa UAE ay doon na nagsisimula ang kanilang kalbaryo na kung saan ay hindi na sila binabayaran ng sweldo dahil ito ay kapit na sa patalim dahil wala na itong visa at maituturing na illegal worker. May ilan din insidente na ang biktima ay napapasok sa prostitusyon.

Maging babala sana ito sa mga illegal ­recruiters at sa mga nagpaplano pa lamang na magtungo sa mga nabangit na bansa sa pamamagitan ng “Stop Over sa Dubai”.

Read More

BAGONG PANGULO, BAGONG PAG-ASA PARA SA AMERIKA

0

SA wakas ay natapos na ang pamumuno ni Donald Trump sa Amerika.

Noong ika-20 ng ­Enero ay ginanap ang inagurasyon ni Joe Biden bilang bago at ika-46 na ­Pangulo ng nasabing bansa. N­aging makasaysayan at kakaiba ang inagurasyon ni Biden dahil sa higpit ng seguridad sa lugar. Tinatayang nasa 25,000 na National Guard ang naroroon upang ­maprotektahan ang ­seguridad ng inagurasyon. Ang matinding seguridad ay bunsod ng kaguluhang naganap sa US Capitol noong ika-6 ng Enero nang sumugod dito ang mga taga-suporta ni Trump upang manggulo.

Tunay na makasay­sayan ang nasabing inagurasyon hindi lamang dahil sa higpit ng seguridad kundi dahil sa hindi pagdalo ni Trump. Pinanindigan ni Trump ang kanyang ipinahayag sa Twitter bago permanenting sinuspinde ng Twitter ang nasabing account.

Sinabi nitong hindi siya dadalo sa inagurasyon ni Biden. Sa unang pagkakataon sa loob ng isa’t kalahating siglo, hindi ­dumalo ang paalis na presidente sa inagurasyon ng papalit sa kanya. Huli itong nangyari noong 1869.

Hindi naging bukas sa publiko ang nasabing inagurasyon bunsod na rin ng restriksyon ng pandemyang COVID-19. Kasama sa mga dumalo sa inagurasyon ay tatlo sa dating pangulo ng bansa: Barack Obama, na pinagsilbihan ni Biden bilang bise-presidente sa loob ng walong taon; Bill Clinton, at George W. Bush.

Sa pag-uumpisa ng taong 2021, ang pagsisimula ng pamumuno ni President Biden ay maituturing na isang perpektong pagkakataon upang umpisahang burahin ang mga alaala ng mga hindi magandang pangyayari sa bansa. Nangako naman si Biden na paghuhusayan nito ang kanyang trabaho, lalo na ang pagtugon ng bansa sa pandemya.

Inaasahan ding ­magiging mabilis ang aksyon ni Biden patungkol sa mga inisyatiba at hakbang upang baligtarin at bawiin ang pag-atras ni Trump sa Paris climate accord. ­Inaasahan ding tatanggalin ni Biden ang travel ban na ipinataw ni Trump sa mga dayuhan na magmumula sa mga Muslim na bansa. Marami rin ang umaasa sa pagkakaroon ng batas ukol sa pagiging ganap na mamamayan ng humigit kumulang 11 milyong imigrante na naninirahan sa US.

Matindi ang hamon kay Biden bilang bagong ­pangulo ng Amerika dahil sa epektong iniwan ng magulong pamumuno ni Trump. Napakarami ang kanyang sasaluhing mga problema at ang pinakamabigat dito ay ang responsibilidad na maibalik ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Amerika. Tila mas mahirap pa ito kumpara sa pagtugon sa pandemyang COVID-19.

Sa kabila ng matinding hamong ito, ako ay naniniwala na ito na ang bagong simula na pinakahihintay ng Amerika. Ito na ang simula ng muling pagbangon nito mula sa kinasadlakan nitong kahihiyan sa pamumuno ni Trump.

Read More

Team Pilipinas handa vs South Korea sa FIBA Asia Cup Qualifier – Uichico

0

WALONG taon at limang sunod na pagkatalo ng Team Pilipinas sa South Korea sa torneong pang-internasyonal ang layong putulin ni coach Jong Uichico at ng pambasang koponan sa darating na third window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Pebrero 18 hanggang 22 sa New Clark City, Pampanga.

Mula noong talunin ng mga Pilipinong basketbolista ang mga Koreano, 86-79, sa 2013 FIBA Asia Cup semifinal round ay hindi na ulit nanalo ang ating mga kababayan.

Talo tayo sa mga Koreano sa 2014 Asian Games kung kailan ay hindi nakalaro si Andray Blatche na apurahang ginawaran ng ­Kongreso para maging Pilipino, dahil sa paglabag sa FIBA residence rule.
Bigo rin ang ating koponang makabawi noong 2015 at 2017 Jones Cup, 2017 FIBA Asia Cup at 2018 Asiad nang sa wakas ay nakalaro na rin si Blatche makaraang ma-aprubahan ng Mababang Kapulungan at ng Senado at lagdaan ng noon ay Pangulong Benigno Aquino 3rd ang batas na nagbigay sa kanya ng basbas na maging mamamayang Pilipino.

Bukod dito, hangad din ni Uichico na makaganti sa mga Koreano na tinalo ang ating pambansang koponan noong siya ang coach sa semis sa 2002 Asia Games na ginanap sa Seoul.
Bukod sa mga mapapait na gunitaing ito, dagdag ding ­problema ng Gilas Pilipinas ang posibleng paglalaro ni Korean naturalized player Ricardo Ratliffe.

Si Ratliffe na ngayon ay tumutugon na sa pangalang Ra Gun-Ah, ay dalawang beses nang naging import ng Magnolia Star Hotshots sa PBA at may pruweba nang maaasahang manlalaro ng kanyang bagong kinikilalang bansa mula nang magawaran ng pagiging naturalized player ng Korea noong 2018.

Si Ra na may taas na 6-foot-6 ay nakapagsumite ng average 23 puntos at 12.8 rebounds sa 2019 FIBA World Cup at inaasahang magpapahirap sa kasalukuyang lineup ni Uichico, kung sakaling sisipot ang mga Koreano sa Clark.

Ayon kay coach Jong, wala pang opisyal na pahayag kung darating si Ra bagama’t idinugtong niya na “Ra or no Ra, Team Pilipinas ay preparadong harapin ang mga Koreano pagdating ng FIBA Asia Cup.”

“Korea has not submitted a lineup yet,” pagtatapat ni Uichico kay Olmin Leyba ng Philippine Star.

Ang naturang Koreano ay hindi pa nakalalaro sa Asia Cup qualifiers. Nasa injury list siya noong first window noong Pebrero ng nakaraang taon. Hindi rin siya nakapaglaro sa second window sa Bahrain.

Samantala, ang Team Pilipinas training pool sa ­pangunguna ng mga pros na sina Kiefer Ravena, CJ Perez at Justin Chua ay kasalukuyang nasa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ang pangalawang grupo ng PBA players ay sina RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT, at NLEX big man Raul Soyud.

Inaasahang lalahok din sa Gilas si Kai Sotto na ­kasalukuyang naglalaro sa U.S. NBA G-League, para palakasin ang frontline ni coach Jong.

Nauna nang nagpahayag ang 7-foot-3 na si Sotto ng kanyang kahandaang makapaglaro sa pambansang koponan sukdulang umalis siya sa NBA G-League at kalimutang pansamantala ang kanyang pangarap na makapaglaro sa pinaka-prestihiyosong liga propesyonal sa daigdig.

“I’m heading home soon. ­Sobrang excited ako na binigyan ng opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window, “wika ni Sotto sa kanyang Instagram account.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta at naninawala sa aking pangarap na makapaglaro sa bayan at sa tamang panahon, sa NBA” aniya.

Read More

PNP NAGLALATAG NA NG VACCINATION PLAN

0

HABANG halos nasa sampung libo na ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus at patuloy na inaantabayan pa ang delivery ng anti-COVID-19 vaccine ay binabalangkas na ng Philippine National Police kung paano ang gagawing pag-rollout ng mga bakuna sa kanilang hanay.

Nabatid kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOFT) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, pinag-aaralan nila ngayon ang pagkakaroon ng sariling vaccination plan sakaling maging available na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Ltgen Eleazar, kasalukuyan nilang binabalangkas ang plano kung saan mayroon ding priority list ng units ng PNP na dapat unang mabakunahan.

Ayon naman kay MGen. Angelito Casimiro, director for Logistics, may plano na rin silang ikinakasa para sa pag-rollout ng COVID-19 vaccine sa sandaling mabigyan na ang PNP.

Sa datos ng PNP-ASCOFT nuong Sabado ng hapon ay umaabot na sa 10,594 ang bilang ng pulis na hinihinalang tinamaan ng COVID-19 kabilang ang 202 na posibleng infected, 107 na suspected at 476 na probable covid cases. (JESSE KABEL)

Read More

ROAD CLEARING OPS PINALAWIG NG DILG

0

PINALAWIG pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hanggang Pebrero 15, 2021 ang deadline sa road clearing operations sa buong bansa.

Base sa inilabas na pahayag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, ito ay bilang konsiderasyon dahil abala ang mga lokal na gobyerno para sa kani-kanilang vaccination program laban sa COVID-19.
“The Department is fully cognizant of the urgency for LGUs to prepare their vaccination plans against COVID-19 that’s why the road clearing timeline is extended anew. This is, however, the last extension to be granted by the DILG,” pahayag pa ni Malaya.

Magugunitang matapos maglabasan ang mga ulat hinggil sa posibleng rollout ng mga bakuna ay inatasan ng DILG ang lahat ng LGU’s na bumalangkas na ng mga plano para sa kanilang inoculation program.

Lubha umanong matrabaho ang paghahandang kinakaharap ngayon ng mga LGU dahil nakapaloob sa kanilang mga programa bago ang actuall rollout ay ang pagkakaroon ng paghahanda sa risk communication plans, maagang vaccine communication campaign, master list ng priority vaccines, pagtukoy sa mga posibleng vaccination centers, available na mga cold chain storage, at iba pang requirements. (JESSE KABEL)

Read More