BINATILYO PATAY SA GANG WAR

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 14-anyos na binatilyo na binaril sa ulo ng grupo ng Batang City Jail nang sumiklab ang riot sa Mel Lopez Boulevard, dating Road 10, malapit sa panulukan ng Moriones St. sa Tondo, Manila noong madaling araw ng Huwebes. Nilapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ariel Manalo y Moring, residente ng #1328 Carlos P. Garcia St., Tondo. Gayunman, nalagutan ng hininga ang biktima dakong 12:36 ng hapon noong Huwebes. Noong Sabado (Pebrero 27), isinailalim ng Manila Police District-Homicide Section…

Read More

COVID-19 CASES SA PASAY LUMOBO SA 512

LALO pang tumindi ang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Pasay patunay ang pagtaas ng bilang ng active cases na mula sa dating bilang na 434 ay umakyat sa 512. Ang aktibong kasong ito ng COVID-19 ang pinakamataas sa loob ng limang buwan, ayon sa tala mula sa pamahalaang lungsod. Makikita sa talaan ng pamahalaang lokal na mabilis ang pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ang bilang ng aktibong kaso ay katumbas ng 6.45 porsyento ng kabuuang 7,937 kumpirmadong kaso ng COVID-19. Umabot sa 7,220 ang mga gumaling, samantalang…

Read More

4 BABAE KULONG SA CHILD SEXUAL EXPLOITATION

APAT na kababaihan ang hinatulan ng pagkabilanggo ng korte sa Cebu dahil sa pagsasamantalang seksuwal sa mga bata sa pamamagitan ng online. Ayon sa International Justice Mission (IJM), tatlong ina ang hinatulang mabilanggo ng 15 taon dahil sa kasong “qualified trafficking in persons” sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act. Bukod dito, inatasan din ng korte ang bawat isa sa kanila na magbayad ng P600,000 sa kanilang nabiktima bilang pagsira sa kanilang dangal. Nadakip ang tatlong akusado ng mga awtoridad noong 2019 dahil sa reklamong isinubo nila ang siyam na bata…

Read More

SINOVAC VACCINES DUMATING NA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong at pagtanggap sa COVID-19 vaccine ng Sinovac galing sa bansang China. Kasama ng pangulo si Chinese Ambassador Huang Xilian, ang buong miyembro ng kanyang gabinete at si Senador Bong Go na sumalubong sa nasabing bakuna sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay. Sa welcome ceremony, makikita na nag-fist bump sina Pangulong Duterte at Ambassador Huang Xilian. Sinaksihan ni Pangulong Duterte ang uploading ng bakunang Sinovac mula sa eroplano at ininspeksyon din ang mga vials. (CHRISTIAN DALE) 151

Read More

PAGTAAS NG BILANG NG KARAHASAN SA BATANG INA IKINAALARMA

IKINABAHALA ni Senador Win Gatchalian ang dumaraming bilang ng teenage pregnancy sanhi ng karahasan, pang-aabuso o rape na naitala ng Commission on Population and Development (POPCOM) kaya lumobo ang batang ina. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na hudyat ito na kailangan nang itaas ang “age of sexual consent” upang matugis ang mapang-abusong nasa likod ng mga maagang pagbubuntis. Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, dalawa sa tatlong nakakabuntis sa mga teenager ay mas matanda ng halos dalawampung (20) taon kaya mayroong nangyayaring powerplay kung tutuusin. Bagama’t binibigyang…

Read More

GALVEZ, DUQUE, SABAY BABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na una nang sasalang sa COVID-19 vaccination program sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Health Secretary Francisco Duque III at Deputy Chief Implementer against COVID-19 Vince Dizon. Sinabi ni Go na Lunes ng umaga ay magpapabakuna ang tatlong opisyal kasabay ng ilang grupo ng healthworkers. “Bago pa darating ang AstraZeneca ay nakapagdesisyon na po sina Sec. Galvez, Sec. Duque, at Sec. Dizon na magpapabakuna na sila bukas (March 1). Si Sec. Galvez sa PGH; si Sec. Dizon sa Dr. Jose Rodriguez Memorial and Medical Center…

Read More

KOORDINASYON AT PAGTUTULUNGAN NG LAW ENFORCEMENT AGENCIES, PALAKASIN LABAN SA SINDIKATO NG DROGA – LACSON

KAILANGANG palakasin ng mga awtoridad ang mga polisiyang ginagamit sa operasyon laban sa ilegal na droga upang hindi na maulit ang madugong misencounter na nangyari sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon kay Senador at dating PNP Chief Panfilo Lacson, ang isa sa mga sistemang dapat na isagawa sa usapin ng ilegal na droga ay dapat na ang PDEA ang magsisilbing “overseer” sa operasyon kung saan nakatutok lamang ito sa intelihensiya habang ang pagsalakay o pagtimbog ay ipapaubaya na sa…

Read More

GO TUMULONG SA MAAGANG PAGDATING NG ASTRAZENECA

MAPAPAAGA ang pagdating ng isa pang COVID-19 vaccine sa bansa mula sa United Kingdom dahil sa pakikipag-ugnayan ni Senador Bong Go sa ilang opisyal ng nasabing bansa. Bukas nakatakdang salubungin sa airport nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Go ang 525,600 doses ng AstraZeneca na mula pa sa bansang England. Ngayong hapon inaasahang darating naman sa bansa ang Sinovac mula sa China. “Kinausap ko po si British Ambassador to the Philipines Daniel Pruce noong Miyerkoles kung maaring padalhan na rin tayo ng AstraZeneca na gawa sa Britanya para may option…

Read More

NCR, BAGUIO AT DAVAO CITY, MANANATILI SA GCQ

MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR), Baguio City and Davao City para sa buong buwan ng Marso. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitongBiyernes. Nasa ilalim din ng GCQ sa bahagi ng Luzon ang Batangas at ilang lugar sa Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Apayao, Kalinga at Mountain Province; Tacloban City para naman sa rehiyon ng Visayas; Iligan City at Lanao del Sur para naman sa Mindanao. Ang lahat naman ng…

Read More