IMPRASTRAKTURA, SOLUSYON SA MABILIS NA PAGBANGON NG EKONOMIYA

0

ISA ang imprastraktura sa mga tinututukan ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte sa kanyang termino.

Malakas ang kanyang paniniwala na ang pagpapahusay ng ­imprastraktura sa bansa ay daan sa ­pag-unlad ng ekonomiya. Bunsod nito ay inilunsad ang Build, Build, Build (BBB) nang siya ay nahalal bilang pangulo ng Pilipinas.

Ang pangunahing layunin ng BBB ay ang magbigay daan sa tinatawag na “Golden Age of Infrastructure” ng bansa. Layunin din ng nasabing programa ang mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa, palakasin ang ekonomiya, at maibsan ang kasikipan sa Metro Manila.

Ngayong pandemya, bagama’t pansamantalang naantala ang progreso ng BBB, muli itong itutulak ng pamahalaan upang mas mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, bukod sa pagpapabilis sa pagbangon ng ekonomiya, ang pagpapatuloy ng BBB ay makapagbigay din ng trabaho para sa mga mamamayan.

Sa katunayan, ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, 1,013 na inhenyero ang nabigyan ng trabaho ng programang BBB. Ang pagpapalakas ng pwersa ng empleyado at manggagawa ay makatutulong sa pagpapabilis ng progreso ng mga proyekto. Mas masisiguro rin ang pagtatapos ng mga proyekto sa takdang panahon.

Ayon sa resulta ng Labor Force Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, nadagdagan ng 200,000 ang bilang ng mga walang hanap-buhay sa bansa noong Enero.

Ang BBB ay isang ­paraan upang mabigyan ng hanap-buhay ang mga nawalan ng trabaho.

Ang Subic Bay Freeport at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) na binuksan na sa publiko noong ika-19 ng Pebrero, ay isa sa mga proyektong natapos sa ilalim ng BBB.

Sa pahayag ni Subic Bay ­Metropolitan Authority (SBMA) ­administrator Wilma Eisna, ang proyekto ay makatutulong sa pag-unlad ng Subic Bay Freeport at mga karatig nitong komunidad. Mas mapapabilis at gagaan ang pagbiyahe papasok at palabas ng Subic Freeport. Magiging ­kaakit-akit ito sa mga negosyo at mga mamumuhunan.

Isa pang halimbawa ay ang programa ng Department of Tourism (DOT) at DPWH na tinawag na ­Tourism Road Infrastructure Program (TRIP). Layunin ng programa na pagandahin ang kalidad ng mga daan patungo sa mga ­destinasyon sa bansa na madalas puntahan ng mga turista.

Marami rin sa mga proyektong imprastraktura ang matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon gaya ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway na binuksan sa publiko noong nakaraang taon. Ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio ay naging tatlong oras na lamang dahil dito.

Nakatakda rin magbukas sa publiko sa Mayo 2021 ang unang bahagi ng Central Luzon Link Expressway, na may apat na hanay at may kabuuang haba na 30 km. Ang biyahe sa pagitan ng Tarlac City at Cabanatuan City, Nueva Ecija na dati’y 70 minuto ay iikli sa 20 minuto dahil dito. Makatutulong ito sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Ilan lamang ito sa mga proyektong inaasahang makatutulong sa mabilis na pagbangon ng ating ekonomiya. Kasabay nito ay ang pagdating ng mga dosis ng bakuna sa bansa kontra COVID-19, at ang muling pagbubukas ng lokal na turismo.

Ako ay naniniwala na maganda na ang ating simula. Alalahanin lamang natin na kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat mula sa bawat isa.

 

Read More

Pinaiimbestigahan ni Eleazar ‘UTAK’ NG PANINIKTIK SA LAWYERS TUTUKUYIN

0

PINABUBUSISI na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang nabunyag na paniniktik sa mga abogadong kumakatawan sa mga pinaghihinalaang kasapi ng communist terrorist group upang matukoy kung sino ang nag-utos nito.

Kasabay nito, itinanggi ng PNP na may polisiya sila hinggil sa naturang paniniktik lalo na ang bantang pananakit sa hanay ng lawywers.

Inamin ni PNP acting chief P/Lt. Gen. Guilermo Eleazar na “unprofessional and irresponsible,” ang naging hakbang ni Calbayog intelligence chief Police Lt. Fernando Calabria Jr., kasabay ng paglilinaw na hindi ito kautusan ng PNP top brass.

“What is certain at this point is that the PNP top brass did not issue any order pertaining to that, and will never tolerate such unprofessional method of information-gathering, ani Lt. Gen. Eleazar matapos ipag-utos ang pagsibak kay Calabria.

“We fully understand the sentiments of the members of the legal community and for this, I, on behalf of the men and women of the Philippine National Police, sincerely apologize for this reckless behavior,” ayon pa kay Eleazar.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pag-alma ng mga kasapi ng Integrated Bar of the Philippines at National Union of Peoples Lawyers matapos mabatid ang kahilingan ni Calabria sa local court na makuha ang talaan ng mga legal counsel na kumakatawan sa mga inaakusahang kasapi ng terrorist group, militanteng organisasyon at mga pinaghihinalaang supporter ng ma ito.

Nabatid na maging ang Supreme Court ay naalarma sa kahilingan ni Calabria sa Calbayog Regional Trial Court.

Ang aksyon umano ni Calabria ay upang makatugon sa kautusan mula sa “higher PNP offices”.

Sinasabing ang controversial request ay may attached table na may column label na “mode of neutralization.”

Lumutang ang nasabing letter request sa kainitan ng mga balita hinggil sa pamamaslang sa mga abogado at aktibista na may kaugnayan sa communist movement.

Bilang aksyon, sinibak ni Eleazar si Calabria kasabay ng panawagan na magkaroon ng pagsisiyasat hinggil dito.

Ayon sa  National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang kahilingan ni Calabria ay lubhang nakaaalarma sa hanay ng mga abogado.

“And based on the initial result of the investigation, what PLt. Calabria did was part of his effort to come up with a comprehensive report on the communist insurgency situation in his area of responsibility, which is Calbayog City. The pressure of crafting a detailed report apparently took a toll on him and eventually prompted him to commit a serious breach of policy, ani Eleazar.

“We are currently checking if there were similar actions in other areas. At the same time, we are investigating to determine up to what level of police hierarchy is involved in this incident. What is certain at this point is that the PNP top brass did not issue any order pertaining to that, and will never tolerate such unprofessional method of information-gathering,” diin pa ng hepe ng PNP.

Samantala, binatikos din ng Federation of Free Workers (FFW) ang PNP sa naturang “profiling” ng mga abogado.

Ayon sa pangulo ng FFW na si Atty. Jose Sonny Matula, ang kanyang samahan ay “seriously alarmed  with the profiling of lawyers”.

Idiniin ni Matula na “highly questionable, if not reprehensible” ang ginawa ni Calabra.

“[I]n his zealous attempt to gather information, the police might be poaching or interfering on the jurisdiction of the courts, too, blurring the lines of the separation of powers of the judicial branch and the executive branch represented by the police,” birada ni Matula.

“[FFW] denounces that action which may lead to red-tagging that will lead to harrassment or even killing of lawyers.

It seems that that PNP intel officer does not know the concept of the rule of law in law enforcement. He does not know that a lawyer is not a servant of his client nor of the court but an officer of the court,” patuloy ni Matula na pinuno rin ng NAGKAISA Labor Coalition.

Matatandaang naglabas ng balita ang SAKSI Ngayon kamakailan na isiniwalat ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na 61 abogado na ang pinatay simula noong 2016 hanggang kasalukuyan.
Ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), malaki ang problema ng “criminal justice system” ng Pilipinas kung hindi malulutas ang pagpatay sa mga abogado. (JESSE KABEL/NELSON S. BADILLA)

Read More

DILG, PNP kinalampag sa proteksyon ng law practitioners HANDS OFF LAWYERS – REP. NOGRALES

0

(BERNARD TAGUINOD)

“HANDS off lawyers and matters of the court.”

Ito ang mensahe ni Rizal 2nd district Congressman Fidel Nograles sa Philippine National Police matapos mag-request ang isang intelligence officer sa Calbayog City, Samar sa korte ng listahan ng mga abogado na nagtatanggol sa mga miyembro umano ng communist terrorist group (CTG).

Para sa mambabatas, foul ang ginagawang ito ng PNP sa mga abogado na ang tungkulin ay ipagtanggol ang sinomang tao, anoman ang katayuan at idelohiya ng mga ito sa buhay.

“Last I checked lawyering is not a crime, regardless of who you represent. Lawyers must not be targeted for upholding constitutionally and universally guaranteed rights,” ani Nograles na isang Harvard-trained lawyer.

Bagama’t sinibak na sa serbisyo ang police officer na nag-request ng listahan ng mga abogado na nagtatanggol sa mga miyembro umano ng CTG na si Police Lt. Fernando G. Calabria Jr., kailangan aniya ng konkretong aksyon dito ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Polcie (PNP).

Isa si Nograles sa patuloy na nananawagan sa DILG at PNP na proteksyunan ang mga law practioner dahil sa nakalipas na halos 5 taon ay umaabot na sa 56 abogado, prosecutor at huwes ang napatay.

“The police has no business meddling with affairs of the court. We cannot condone this overreach by the Calbayog City police, which undermines the administration of justice through intimidation, hidden behind the veil of courtesy and pseudo-legality,” ani Nograles, vice chairman ng House committee on justice.

Binalaan din nito ang lahat ng law enforcerment agencies na huwag payagan ang mga ganitong request bilang standard procedures at hinamon din nito ang PNP na magsalita kung mayroon silang ganitong kautusan dahil isinangkalan ni Calabria ang PNP higher office sa pagre-request ng listahan ng mga abogado.

“I urge our DILG and PNP leadership to quickly dispel this mistaken notion that police stations have the authority to ask for such lists. In a climate where lawyers are put to the sword regularly without anyone being punished, it sends a message that those who choose to defend those who are out of favor will be under close watch simply for upholding their oaths as lawyers,” ayon pa sa mambabatas.

Nangangamba ang mambabatas sa ginagawang ito ng PNP dahil kamakailan lamang ay inatake at sinaksak sa ulo si Atty. Angelo Karlo “AK” Guillen sa Iloilo City na na-red tag dahil siya ang abogado sa petisyon na inihain ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) laban sa implementasyon ng Anti-Terrorism Act sa Korte Suprema.

Read More

Paghahati sa lalawigan tablado ONE PALAWAN NANAIG

0

(NELSON S. BADILLA)

HANDANG ideklara ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang panalo ng botong “no” laban sa paghahati ng Palawan sa tatlong lalawigan.
Ayon sa tagapagsalita ng Comelec na si Director James Jimenez, batay sa “partial and unofficial results” ng plebesito nitong Sabado hanggang Linggo ay  lamang ang boto ng tutol sa paghahati ng Palawan.

“There are some places sa Palawan na makikita na lamang ang ‘no’ sa boto”, banggit ni Jimenez kahapon sa panayam sa Dobol B TV.

Inilabas naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Twitter niya na hanggang 3:40 ng hapon kahapon ay nakakuha ng 148,017 boto ang “no”, kumpara sa 96,012 ng botong “yes”.

Batay sa rekord ng Comelec, mayroong 490,369 rehistradong botante ang Palawan.

Ang plebesito sa Palawan ay resulta ng pagkakaroon ng Republic Act No. 11259 noong 2019 upang mahati sa Palawan del Norte, Palawan del Sur at Oriental Palawan ang lalawigan.
Ikinatuwa ng Comelec ang naganap na plebesito dahil walang dudang “nagtagumpay” ito.

Ito’y dahil maayos at matiwasay ang aktibidad kahit 49.76 porsiyento lamang mula sa 490,369 mga botante ang lumahok sa plebisito, dugtong ni Jimenez.

Idiniin din niya na maraming aral na natukoy at nakuha ang Comelec sa naganap na pampulitikang aktibidad na isinagawa kahit na maraming limitasyon dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Anang opisyal, pag-aaralan nang mabuti ng Comelec ang mga natutunan nila rito upang magamit sa eleksyon sa Mayo 9, 2022 na buong bansa ang saklaw.

Mabilis namang naglabasan sa social media ang mga kasiyahan at pagbati sa tagumpay ng mga Palaweño dahil sa panalo ng tutol sa paghahati ng kanilang lalawigan.

Matatandaang bago maganap ang plebisito ay napakalakas ng masamang balita sa Palawan hinggil sa mga politikong gustong hatiin ang lalawigan dahil makikinabang sila sa mga bubuksang posisyon mula sa pagiging gobernador, bise-gobernador at iba pa ng tatlong lalawigan.

Mayroon ding hindi kumpirmadong balita na naglabas ng maraming pera ang ilang politiko at mga negosyante upang busugin umano ang mamamayan ng Palawan.

Ultimong People’s Republic of China ay ‘nakialam’ daw sa kampanya laban sa pananatili ng iisang lalawigan ng Palawan dahil napakalaki umano ng pakinabang nito sa plano.

Read More

Pondo ngayong taon tumaas – Defensor P1.65-B GUGUGULIN SA MLA BAY REHAB

0

ARMADO ng P1.56 bilyong pondo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay bilang pagtugon sa kautusan ng  Supreme Court (SC)  na linisin ang nasabing karagatan.

“The amount is 16 percent greater than the P1.35 billion budget that the DENR obtained last year for the development, updating and implementation of its Operational Plan for the Manila Bay Coastal Management Strategy,” ani Defensor.

Magugunita na 13 taon na ang nakararaan ay inatasan ng Korte Suprema ang DECN at iba pang ahensya ng gobyerno kasama na ang mga local government unit (LGU) sa paligid ng Manila Bay na linisin ang karagatan.

“If we look closely at the 2008 mandamus, the high court’s specific instruction is for the agencies to restore Manila Bay’s waters to Class B, or suitable and safe for public swimming, skin-diving and other forms of contact recreation,” ani Defensor.

Base sa dating water classification table ng DENR, ang fecal coliform level ng Class B sa coastal water ay hindi dapat lumagpas sa 200 most probable number (MPN) per milliliter.
Subalit sa huling report ni DENR Secretary Roy Cimatu sa water samples mula sa 21 monitoring stations sa paligid ng Manila Bay, bumaba na ito sa 4.87 million MPN/100ml mula sa 7.16 million MPN/100 ml noong 2020.

Bukod dito, ang fecal coliform level sa karagatan na malapit sa tinatawag na “beach nourishment project” ay bumagsak na sa 523,000 MPN/100 ml mula  sa dating 2.2 million MPN/100ml.
Ang mataas na fecal coliform level sa mga karagatan ay nagpapakita ng malalang kontaminasyon mula sa dumi ng tao na pinagmumulan ng virus na nagiging sanhi ng mga sakit tulad ng typhoid fever, hepatitis, gastroenteritis at dysentery, ayon pa kay Defensor na naging DENR secretary noong 2004 hanggang 2006. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

OWWA NAWALAN NG 60% PONDO

0

UMABOT sa 60 porsiyento ng kabuuang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong 2020 ang nawala dahil napakaraming manggagawa sa ibayong dagat ang nawalan ng trabaho at hindi nakabalik sa ibang dahil sa atake ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa ekonomiya ng buong daigdig.

Inamin ito ni OWWA Administrator Hans Cacdac sa online press briefing, ngunit hindi niya inilabas ang aktuwal na perang hindi pumasok sa OWWA.

Nakasaad sa rekord ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), halos 1.4 milyon lamang ang OFWs na nagkaroon ng trabaho noong 2020 kumpara sa mahigit dalawang milyon noong 2019.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang P18.4 bilyong pondo ang ahensiya.

Bago umatake ang COVID-19 sa bansa, nabunyag sa media na mahigit P20 bilyon ang pera ng OWWA.

Bumaba ito sa P18 bilyon dahil naglabas ang OWWA ng pondo na ipinang-ayuda sa mga bumalik sa bansa na OFWs, binayaran ang kanilang napakatagal na kuwarantina sa mga mamahaling hotel sa Metro Manila, pondo sa mga proyektong pangkabuhayan sa OFWs, college scholarship ng mga anak ng mga naturang manggagawa at iba pa.

Inamin ni Cacdac na sa kabila ng 60 porsiyentong bawas sa perang ipinasok ng OFWs, nanatiling “matatag” ang pondo ng OWWA dahil nagbigay ang pambansang pamahalaan ng P5.2 bilyong noong 2020 at P6.2 bilyon para ngayong 2021. (NELSON S. BADILLA)

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

0

CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Kinilala ang arestadong suspek na si John Rex Lamera, 25, tricycle driver at tubong Taguig City.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:15 noong Sabado ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cavite PO, RDEU 4A, PDEA BARMM at Bacoor City Police Station sa Town and Country West Highway, Solidarity Route, Molino III ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu, cellphone at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (SIGFRED ADSUARA)

Read More

BAN SA PROVINCIAL TRAVEL FAKE NEWS – ABALOS

0

KINASTIGO ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang balita na kumalat sa Facebook hinggil sa desisyon umano ng pamahalaan na ipagbawal ang pagbyahe ng mga residente sa National Capital Region (NCR) patungo sa mga probinsiya mula ngayong Marso 15 hanggang Abril 15.

Umapela si Abalos sa mga taong mahilig sa online na huwag magpakalat ng maling impormasyon o peke, sa Facebook.

Ang pahayag ng hepe ng MMDA ay batay sa kumalat sa online noong Marso 13 na wala umanong byahe sa mga probinsiya dahil sa higit 4,000 naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR.

“Pakiusap [ko] na iwasan natin ang “misinformation” dahil maaalarma ang publiko. Ang mas importante ay magsama-sama tayo sa paglaban sa COVID-19,” ani Abalos.

Ang totoong desisyon na pinagkasunduan ng 17 alkalde sa NCR ay ang “uniformed curfew” na 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga mula Marso 15 na tatagal ng dalawang linggo. (MARINHEL T. BADILLA)

Read More

OSPITAL SA MAYNILA INIREKLAMO

0

INIREKLAMO ng isang ama ng tahanan sa tanggapan ng Manila Police District-Homicide Section ang umano’y pagpapabaya ng isang ospital sa Sampaloc, Manila makaraang ideklarang patay ang kanyang baby girl na isinilang sa pamamagitan ng caesarian section procedure.

Sa inisyal na ulat ni Det. Alvin Bautista, nabatid sa Manila Police District- Barbosa Police Station 14, unang ini-ulat na ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol ay “natural death”.

Ngunit duda ang ama ng sanggol na si Engelbert Chung, residente ng Saint Paul Road, San Antonio Village, Makati City, at sinabing posibleng may kapabayaan sa nangyari ang Perpetual Succor Hospital kaya namatay ang kanyang sanggol.

Ayon sa imbestigasyon ni Det. Bautista, bandang alas-9:00 ng gabi noong Biyernes, Marso 12, nang idineklarang patay ang sanggol na isinilang ni Eden Mariano, 42, sa pamamagitan ng caesarian section procedure.

Salaysay ni Chung, may monthly check-up ang kanyang misis at walang walang nakitang problema o unusual development sa pagbubuntis nito.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (RENE CRISOSTOMO)

Read More