MALAKANYANG IKINALUNGKOT ANG C-130 MISHAP SA SULU

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang insidente ng pagbagsak ng C-130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagpapatuloy ang rescue operations at nakikiisa sa pagdarasal ang Malakanyang para sa ligtas na pag-recover sa mga pasahero. “Let us wait for the Armed Forces of the Philippines to release an update on this very unfortunate incident,” ayon kay Sec. Roque. Sa huling ulat, nasa 31 na ang kinumpirmang nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane. Inanunsyo ito ni Defense…

Read More

BEBOT NA NO. 5 MOST WANTED SA MURDER, TIMBOG

INARESTO sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong murder ang isang 39-anyos na ginang matapos matunton sa kanyang bahay sa Port Area, Manila noong Sabado ng hapon. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Melissa Asjali y Santos, may asawa, ng Brgy. 650, Port Area. Base sa ulat ni P/Edwin Fuggan na isinumite kay P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ang ginang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon.…

Read More

BAGETS KUMIKILOS NA PARA MABAKUNAHAN ANG SENIORS – DEFENSOR

MISMONG ang mga bagets na ang kumikilos para mabakunahan ang mga matatanda sa kanilang pamilya at makaligtas sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ito ang nabatid kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na naniniwalang malaki ang naitutulong ng mga kabataang ito para maproteksyunan ang mga matatanda sa kanilang pamilya laban sa COVID-19. “Based on the feedback we obtained around Quezon City, children are doing their share to keep their older loved ones out of harm’s way,” ayon sa mambabatas, dahil mismo ang mga kabataang ito ay nagrerehistro na…

Read More

PROTOCOLS SA MGA FULLY VACCINATED INILABAS NG IATF

NAGLABAS na ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay kinakailangan na dalawang linggo o higit na dalawang linggo nang nabakunahan ang fully vaccinated individual pagkatapos niyang matanggap ang single-dose vaccine. Pangalawa, ang fully vaccinated individual ay kinakailangang naturukan ng bakuna na nasa Emergency Use Authorization (EUA) List…

Read More

TAAL EVACUEES ISASALANG SA SWAB TEST

PINANGANGAMBAHANG maging superspreader ng coronavirus ang evacuation activities sa lalawigan ng Batangas bunsod ng nakaambang pagputok ng Bulkang Taal. Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), dahil dito ay naghahanda ang Batangas PDRRMC na isailalim sa swab testing ang mga evacuee kung kinakailangan para matiyak na ligtas ang mga ito sa banta ng COVID-19. Sakali umanong may magpositibo ay dadalhin ito sa mga isolation facility, at kung punuan na ang mga ito ay maaari naman dalhin ang mga COVID-19 positive sa probinsiya ng Laguna. Ayon…

Read More

Kung walang ‘knockout punch’ sa mga korap PAGPUTAK NI PACQUIAO PANG-PRESSCON LANG

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG hamon kay Senador Manny Pacquiao ang pinakawalan ng ilang mambabatas sa Kamara na pangunahan ang imbestigasyon laban sa mga inaakusahan niya ng korapsyon sa pamahalaan. Umaasa ang militanteng mambabatas na si Rep. Ferdinand Gaite na makapagde-deliver ng ‘knockout punch’ si Pacquiao sa mga corrupt official sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Gaite ng Bayan Muna party-list, kailangang seryosohin ni Pacquiao ang kampanya nito laban sa katiwalian sa gobyerno dahil lahat aniya ng mga tao ay nag-aabang sa resulta ng kaniyang pinasukang bakbakan. Magugunita na bago…

Read More

MOA ng DENR at construction company pinababasura LUPAIN NG TRIBONG DUMAGAT ISALBA

SA bulubunduking bahagi sa hangganan ng lungsod ng Antipolo at bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal ay may isang construction company na inirereklamo ng mga katutubong Dumagat dahil sa umano’y pangangamkam ng kanilang ancestral domain kung saan sila nananahan daang taon na ang nakalipas. Sa isang panayam, direktang inakusahan ng katutubong tagapamuno na si Ka Bador ang Blue Star Construction and Development Corporation ng panggigipit sa kanilang hanay gamit ang mga armadong grupong nagpapakilalang mga miyembro ng Philippine National Police at ng Philippine Army. Aniya, pilit silang pinalalayas sa…

Read More

Para matunton ang nawawala umanong P10.4-B SAP funds DSWD DEAL SA FSPs PINALALANTAD

(BERNARD TAGUINOD) KUNG walang anomalya sa Social Amelioration Program (SAP), nararapat lamang na isapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pinasok na kasunduan sa Starpay at iba pang financial service providers (FSP). Ito ang hamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa DSWD kasunod ng alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 Billion sa SAP funds kaya umaabot sa 1.3 million pamilya ang hindi nakatanggap ng ayuda. Bukod dito, kinuwestiyon din ni Pacquiao at pagkuha ng DSWD sa Starpay na P62,000 lang umano ang…

Read More

Sakay ang 92 AFP personnel 31 PATAY SA C-130 PLANE CRASH

ISA na namang air asset ng Philippine Air Force (PAF) ang nabawas nitong Linggo nang bumagsak ang isang C-130H “Hercules” transport aircraft na binili mula sa ipinagkaloob na grant ng US government sa Patikul, Sulu, pagkumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Cirilito Sobejana. Sa inilabas na pahayag ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang C-130 aircraft ng PAF bumagsak habang sinisikap na lumapag sa Jolo airport dakong tanghali nitong Linggo. Sa inisyal na ulat, 92 personnel ang sakay nito kabilang ang tatlong piloto at limang crew.…

Read More