WALA PANG DELTA SUB-VARIANT SA PILIPINAS – DOH

0

TINIYAK ngayong sabado ng Department of Health (DOH) na wala pang natutukoy na ‘sub-variant’ ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas na pinangangambahan na mas nakahahawa makaraang matukoy ito sa United Kingdom at Estados Unidos.

“The biosurveillance activities of the country has been closely monitoring 46 sublineages of the Delta variant, and so far has not detected the AY.4.2 sublineage,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Habang iniimbestigahan pa ang posibleng kapabilidad ng sub-variant na makapanghawa, tinatrato umano nila ngayon ng pantay at naaayos sa protocols ang lahat ng kaso kabilang ang ‘isolation’ ng mga pasyente at maagap na ‘contact tracing’.

Sinabi pa ni Vergeire na isang normal na pangyayari ang mutasyon sa mga virus bilang bahagi ng kanilang ebolusyon.

Iginiit ng DOH na ang pinakamabisang proteksyon pa rin ay ang pagsunod sa minimum health standards at protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face masks at physical distancing lalo na at nagbubukas na ang ekonomiya ng bansa. Importante rin na magpabakuna na ang lahat para may proteksyon laban sa mga mutation ng COVID-19.

“Our proper adherence to the minimum public health standards is still our best protection and is the best way to curb the transmission, prevent the spread of the variants and slow down the appearance of mutations,” giit pa ni Vergeire. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

COVID-19 VACCINES SA PINAS, SUMAMPA NA SA 100M

0

KULANG-KULANG 100 milyong doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines ang binili ng gobyerno at donasyon sa Pilipinas.

Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., “as of October 22,” nakatanggap ang bansa ng 94,687,340 doses ng iba’t ibang brands ng bakuna gaya ng Sinovac at Sinopharm mula China; Sputnik V mula Russia; AstraZeneca mula United Kingdom; at Pfizer, Moderna, at Johnson&Johnson mula Estados Unidos.

“Yes, because this coming Sunday we will be receiving another three million. We are nearing that mark. We only need 2.3 million and there are still donations that are coming in. There’s also another Sputnik V that is coming, also donations from (the) US that will be coming in, two million-plus, and also some of the donations of other countries,” ani Galvez sa isang panayam matapos dumating sa bansa ang 1,014,390 doses ng Pfizer vaccine sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ang Pfizer vaccine ay binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Galvez ang US government para sa vaccine delivery.

“We are very thankful that almost every day, we are receiving vaccines, and majority of which is coming from the US. Again, (on) behalf of the NTF, we would like to thank Pfizer and also the US government for continuously giving us this access and the deliveries,” anito. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PUBLIKO BINALAAN VS PEKENG RT-PCR TEST RESULTS

0

NANAWAGAN si Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa publiko na huwag maging biktima ng modus ng ilang grupo na nagbebenta ng pekeng swab test o COVID-19 result.

Sinasabing may logo pa ng Philippine Red Cross ang mga pinekeng resulta ng RT-PCR Test para magmukhang authenticated o tunay.

Sa Quezon City, tatlong suspek ang naaresto sa pamemeke ng swab test result kung saan ay kailangang magbayad ang mga biktima ng halos P16,000 para sa pinekeng resulta na gagamitin lamang para makauwi sa kanilang lalawigan.

Ayon kay P/Gen. Eleazar, “Hindi biro ang krimen na pamemeke ng RT-PCR results lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya. Nakasalalay sa mga test results na ito ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga kababayan mula sa COVID-19.”

“Kaya noon pa man ay tinututukan na ng ating kapulisan ang pamemeke ng COVID test results at iba pang mga mahalagang dokumento na may kinalaman sa COVID-19,” dagdag pa niya.

Itinanggi ng mga suspek ang alegasyon laban sa kanila matapos dakpin ng Quezon City Police District Station 7 kung saan sila ngayon naka kulong.

“I commend our personnel in the Quezon City Police District for their quick action on the complaint regarding the fake RT-PCR results being sold to our kababayan. Isa itong patunay na sa pagtutulungan ng ating mga kababayan sa kanilang PNP, agaran nating marerespondehan ang mga ganitong uri ng modus na lubhang mapanganib dahil sa sitwasyon natin ngayong panahon ng pandemya,” wika ng PNP chief.

“Patuloy ang operasyon namin tungkol dito at marami-rami na rin ang aming nahuli at nakasuhan sa nakalipas na mga buwan,” dagdag pa niya.

Hinimok ni P/Gen Eleazar ang publiko na iulat sa mga awtoridad kung mabibiktima sila ng mga ganitong klase ng kawatan.

“Ipinapaalala sa ating mga kababayan na huwag tangkilikin ito dahil kasama kayo sa makakasuhan kapag nahuli kayong may bitbit na ganitong pinekeng dokumento,” wika ni P/Gen. Eleazar. (JESSE KABEL)

Read More

Binalaan na manatiling non-partisan MGA SUNDALO HINIKAYAT NA MAGPAREHISTRO

0

PUNTIRYA ng Philippine Army na makapagrehistro ang lahat ng mga sundalo at makiisa sa gaganaping May 2022 national and local elections sa susunod na taon pamamagitan ng pagboto.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, pinuno ng Office of the Army Chief Public Affairs, target nila ang 100 percent registered soldiers na lalahok sa election process.

Kaya patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Commission on Election para sa pagpaparehistro at pagboto ng mga sundalo na nasa malalayong lugar o itinalaga na magbantay sa panahon ng eleksyon sa malalayong lalawigan.

Nabatid na kuwalipikado ang mga sundalo sa early voting system ng Comelec subalit tanging mga national position lamang ang kanilang iboboto lalo pa’t wala sila sa lugar kung saan sila talaga nakarehistro.

Una nang pinaalalahanan ni Philippine Army commanding general, Lt. Gen. Andres Centino ang lahat ng mga commander na manatiling non-partisan sa darating na 2022 presidential polls.

Subalit nilinaw ni Col. Trinidad na ito ay gabay lamang mula sa Department of National Defense at constant reminder lamang ni Lt. Gen. Centino sa army commanders at walang partikular na opisyal na tinutukoy.

Paliwanag ni Trinidad, ang paalala ng Army chief ay pag-uulit lang ng bilin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Actually, it’s a guidance from the Secretary of National Defense and we have been reminded that the Armed Forces, particularly on the level of our commanding general, the army to remain non-partisan in this coming national election, it only means that the army will always be fair and secure everybody if needed and no to join in any sabihin nating considered political in nature for our activity,” pahayag ni Col. Trinidad.

Wala naman aniyang babala na ibinigay ang Army chief sa mga susuway sa kautusan, pero meron aniyang mga probisyon sa Articles of War na magpapataw ng kaukulang parusa sa mga hindi sumusunod sa kanilang superiors.

Sinabi ni Col. Trinidad, positibo naman itong tinanggap ng lahat ng commanders na laging sumusunod sa mga kautusan mula sa itaas. (JESSE KABEL)

Read More

2 KUBRADOR NG LOTENG, TIKLO

0

ARESTADO ang tatlong babaeng kubrador umano ng Lotteng sa Navotas City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga dinakip na sina Sheryl Ann Guinto, 30; Sabina Ricafrente, 63, at Anna Sapalo, 30, pawang mga residente ng lungsod.

Ito ay makaraang may magnguso sa mga parak ukol sa talamak na operasyon ng “Lotteng” sa Area 1, Brgy North Bay Boulevard South, Dagat-dagatan.

Alas-8:25 ng gabi noong Oktubre 21 ay sumalakay ang mga parak at nadakip ang suspek at nakumpiska ang listahan ng taya, dalawang lotteng stub, isang ballpen at P940 tayang salapi. (ALAIN AJERO)

Read More

2 PATAY SA COVID SA VALENZUELA

0

DALAWA ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Oktubre 22, 2021 habang 395 ang active cases matapos na 37 ang nagpositibo sa virus habang 55 naman ang gumaling.

Pumalo na sa 35,125 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,915 na ang gumaling at 815 ang namatay.

Wala namang iniulat na binawian ng buhay sa Navotas habang 94 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 21 matapos na lima ang magkasakit at 25 naman ang gumaling.

Sumampa na sa 17,534 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at 16,900 sa mga ito ang nakarekober habang 540 na ang namatay.

Wala ring iniulat na namatay sa COVID sa Malabon City nitong Oktubre 22 habang walo ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 21,064 ang positive cases sa Malabon, 98 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Catmon (1), Dampalit (2), Muzon (1), Tañong (1), Tinajeros (2), at Tugatog (1).

Umabot naman sa siyam na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Bayan-bayanan (1), Ibaba (1), Muzon (1), Niugan (1), Santulan (2), Tinajeros (1), Tonsuya (1) at Tugatog (1). Sa kabuuan ay 20,329 ang recovered patients at 637 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)

Read More

BIKECINATION NG DOLE INILUNSAD SA VALENZUELA

dole
0

INILUNSAD ng Department of Labor and Employment ang Bikecination program nito sa Valenzuela City noong Biyernes, Oktubre 22.

Limampu’t anim na bagong bisikleta ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng programa na kabilang sa mga nawalan ng hanapbuhay at out-of-school youth.

Kasamang ipinamigay ng mga bisikleta ang helmet, kapote, water bottle, thermal bag, at Android mobile phone na may P5,000 load sa electronic payment application.

Layon ng Bikecination na bawasan ang unemployment sa pamamagitan ng pamimigay ng oportunidad pangkabuhayan sa mga manggagawa sa formal at informal sector na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. (ALAIN AJERO)

Read More

2ND PHASE NG PEDIA VACCINATION UMARANGKADA

0

NAGSIMULA na nitong Sabado ang 2nd phase ng bakunahan para sa 12-17 age group na may ‘comorbidities’ sa buong Metro Manila.

Sinabi ng Department of Health (DOH), isinasagawa ang Phase II ng Pediatric A3 COVID-19 vaccination sa mga piling pagamutan pa lamang sa Metro Manila dahil sa magiging payugto-yugto ang pagpapatupad nito.

Namili ang DOH, National Vaccine Operations Center (NVOC), at mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila ng mga pagamutan o vaccination sites na may kapasidad nang agarang pagresponde sakaling magkaroon ng ‘adverse reactions’ o ‘side effects’ sa bakuna ang mga bata na may problema sa kalusugan.

“As with the vaccination process of the adults, the vaccination for children will be closely monitored to detect adverse events following immunization to ensure the safety of our young vaccine recipients,” ayon kay Health Undersecretary Tong-An sa ceremonial vaccination sa Cardinal Santos Medical Center.

Para sa Phase II, kasama ang dating walong pagamutan ay idinagdag ang: Caloocan City Medical Center (North at South), Ospital ng Malabon, Navotas City Hospital, Valenzuela City Emergency Hospital, Marikina Sports Complex (malapit sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center), Quezon City General Hospital, St. Luke’s Medical Center Quezon City, Ospital ng Maynila, Ospital ng Makati, SM Megamall Mega Vaccination Site (malapit sa Mandaluyong City Medical Center), Cardinal Santos Medical Center, Ospital ng Muntinlupa, Ospital ng Parañaque 1, University of Perpetual Help System Dalta, at Pasay City General Hospital.

Tatanggap din ang St. Luke’s Medical Center – Global City ng mga magpapabakuna mula sa bayan ng Pateros.

Inamin ng DOH na nagresulta ang lockdown sa paghinto ng pag-unlad bilang tao ng mga bata na napuwersang manatili na lamang sa bahay. Sa pagpapabakuna, inaasahan na makatutulong ito sa kanilang pagdebelop lalo na at hindi pa rin nag-uumpisa ang ‘face-to-face learning’.

“The lockdown may have also affected their mental health. As such, we are urging that eligible children and adolescents be registered following your hospital’s mechanisms,” panawagan ni Usec. Tong-an. (RENE CRISOSTOMO)

 

Read More

‘YAN ANG PROBLEMA NG MAGSASAKA

0

ANG isa sa ginagawang mga propaganda ng mga kandidato kapag panahon ng kampanya ay paunlarin ang sektor ng pagsasaka kaya sa mga nakaraang halalan, may mga senatorial candidate na kinu­kunan ng video sa bukid para sa kanilang TV Commercials.

‘Yung mga magsasaka naman ay nadadala sa kanilang propaganda lalo na’t kailangan na kailangan nila ang tulong mula sa national government para umangat naman ang kanilang kalagayan.

Pero kapag nanalo na ang mga kandidatong ibinoto ng mga magsasaka ay hindi na sila maaalala at matatapos na ang termino nila ay wala pa ring nangyayari sa sektor ng pagsasaka sa ating bansa.

Kanya-kanyang diskarte na lang ang mga magsasaka para makapagtanim dahil hindi naman talaga nila ramdam ang national government kahit bilyon-bilyon ang inilalaang pondo sa sektor na ito kada taon.

Kumakapit sila sa mga middleman para makapagtanim, maabonohan at mai­sprayan ng pesticide ang kanilang tanim na ang ­kapalit ay ibenta sa inutangan ang kanilang ani at ibabawas na dun ang kanilang utang kasama na ang tubo.

Ginagawa ito ng mga magsasaka lalo na ‘yung mga walang puhunan dahil wala naman talagang tulong ang national government sa kanila, sa totoo lang.

Kung may dumating man na tulong at tuwing nasasalanta ng kalamidad ay idinadaan pa ‘yun sa local officials at ‘yung local officials, mga tauhan at supporters lang nila ang nakikinabang at hindi ‘yung talagang mahihirap na walang puhunan sa pagtatanim.

Kapag panahon naman ng anihan, napipilitan ang mga magsasaka na ibenta ang bagong aning palay sa mga middleman dahil walang post harvest facilities kung saan puwede sana nilang patuyuin ang kanilang ani.

Siyempre dahil ibine-benta nang fresh o hindi pa natutuyo ang ani, binabarat ng mga middleman ang kanilang ani kaya kung kumita man ang mga magsasaka ay kakarampot lang at hindi sapat sa kanilang gastusin hanggang sa dumating ang susunod na anihan.

Madalas din na minamalas ang mga magsasaka lalo na’t regular na nagkakaroon ng bagyo sa panahon ng anihan o Ber months kaya karaniwang nasisira ang kanilang pananim.

Isa o dalawang linggo na lang aanihin na ang kanilang tanim pero ­wawasakin lang ng bagyo kaya ‘yung ­inaasahan nilang pambayad sa kanilang utang at kahit papaano ay magkaroon sila ng panggastos, maglalaho pa.

May mga magsasaka naman ang nakapag-ani na pero inabutan ng bagyo kaya nabubulok na lang ang kanilang ani lalo na kung tatlong araw nang hindi naibi­bilad ang kanilang produkto lalo na ang mais.

Ramdam ko ang bigat sa loob ng mga magsasaka sa Baggao, Cagayan dahil sa pagkasira ng kanilang aning mais na inabutan ng baha nang manalasa ang bagyong si Maring sa Norte.

Kung baga, pera na, naging bato pa kaya ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila dahil laki ako sa probinsya kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka.

Tinagurian tayong agricultural country pero kulang na kulang ang tulong ng gobyerno sa mga magsasaka. Ang mga pangakong modernisasyon sa agriculture sector ay hindi pa rin nangyayari. Naiwasan ­sanang masira ang mga ­aning mais at palay kung moderno na ang pagsasaka sa ating bansa.

Read More