MERALCO, NAGPAMAHAGI NG ENERGY EFFICIENCY TIPS SA MGA CUSTOMER

0

MERALCO, NAGPAMAHAGI NG ENERGY EFFICIENCY TIPS SA MGA CUSTOMER

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan, karaniwang tumataas ang konsumo sa kuryente ng 10% hanggang 40% tuwing papasok ang panahon ng tag-init kumpara sa karaniwan nating konsumo sa mga malalamig na buwan gaya ng Enero at Pebrero. Habang tumataas ang temperatura ng panahon, ang mga kagamitang de kuryente na mayroong compressor gaya ng aircon at refrigerator, ay kinakailangang mas magtrabaho upang makapaglabas ng lamig. Mas matagal ding ginagamit ang mga bentilador, at karaniwan din itong nasa pinakamataas na setting.

Ayon kay Meralco FVP and Chief Commercial Officer Ferdinand O. Geluz, ngayong panahon ng tag-init, ang mga customer ng Meralco ay may kakayahang kontrolin ang kanilang konsumo sa pamamagitan ng ginagawang paghihikayat ng kompanya na ugaliin ang matalino at masinop na paggamit ng kuryente.

Dagdag ni Geluz, “these simple everyday activities include cleaning your aircon filters every 2 weeks to ensure optimal performance, setting your aircon’s thermostat to 25oC to maximize efficiency, making sure you use the right aircon size for your room, making sure your refrigerator’s air vents are not blocked to keep its compressor from working harder, unplugging appliances when not in use to avoid phantom load, using a power strip to make it easier and more convenient to turn appliances off simultaneously with just one switch, and maximizing natural light during daytime.”

ILAN SA MGA TIP NA MAAARI RING MATAGPUAN SA WEBSITE NG ME­RALCO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

TELEBISYON. Kung iisa lamang ang pinapanood na palabas, manood na lamang ng sama-sama sa halip na hiwa-hiwalay na telebisyon pa ang gumagana. Kung hindi ginagamit ang telebisyon, ugaliing bunutin ito sa pagkakasaksak. Ang isang TV na may laking 21” ay maaaring makadagdag ng P15-P20 sa inyong bill kada buwan kung ito ay naka-standby mode. Gaya rin ng bentilador, mahalaga rin ang pagpili ng tamang laki ng telebisyon na naaangkop sa laki ng kwartong paglalagyan nito. Maaari ring makatipid ng 27% hanggang 67% sa konsumo kung gagamitin ang energy saving mode ng mga telebisyon. Mas matipid din ng 77% sa konsumo ang mga LED TV kumpara sa mga CRT (cathode-ray tube) at Plasma na telebisyon.

BENTILADOR. Sa paggamit ng bentilador, napakahalaga ng pagpili ng tamang uri ng bentilador na naaakma sa laki ng kwartong paglalagyan nito. Ang pagpili ng setting ukol sa bilis ng bentilador ay nakaaapekto rin sa konsumo. Kung mataas ang setting ng bilis, mataas din ang konsumo. Ayon sa pagsusuri ng Meralco Power Lab, maaaring makatipid ng P32.04 sa isang buwan kung ang 16” na bentilador ay gagamitin ng siyam na oras sa isang araw nang nasa mababang setting kumpara kung ito ay nasa pinakamataas na setting. Mahalaga rin ang regular na paglilinis ng bentilador upang maging mas maayos ang konsumo nito.

AIRCON. Ang aircon ang isa sa pinakamalakas pagdating sa konsumo sa kuryente ang pag-uusapan. Tinatayang maaaring nasa 40% hanggang 50% ang kontribusyon nito sa kabuuang konsumo sa kur­yente. Napakahalaga ng pagpili ng tamang uri ng aircon na naaangkop sa laki ng kwartong paglalagyan nito. Upang makatipid din sa konsumo ng aircon, i-set ang thermostat nito sa 24 o 25 degrees Celsius. Ayon ulit sa pagsusuri ng Meralco Power Lab, kapag ginamit ng walong oras ang 1.0 window-type na aircon na may thermostat na 25 degrees Celsius, maaaring makatipid ng humigit kumulang P991 kada buwan kumpara kung ito ay gumagamit ng thermostat na 18 degrees Celsius. Ugaliin din ang regular na paglilinis ng aircon at ang pagpapalit ng filter nito kung kinakailangan. Maaaring makatipid ng P334 kada buwan kung mapa­panatiling malinis ang filter ng mga aircon. Mas mati­pid din sa konsumo kung inverter technology na aircon ang gagamitin.

PLANTSA. Ang pagpaplantsa ay isa sa mga gawaing bahay na karaniwang tumatagal ng ilang oras bago matapos. Upang makatipid sa konsumo sa paggamit ng plantsa, ugaliing magplantsa ng damit nang maramihan. Mas matipid ito sa konsumo kaysa paulit-ulit na pagsasaksak at paggamit para sa iilang damit lamang. Natukoy din ang katapusan ng linggo bilang araw na mababa ang demand sa kuryente kaya’t mainam na sa mga araw na ito itakda ang pagpaplantsa ng mga damit. Suriin ding mabuti ang mga damit na binabalak plantsahin dahil maaa­ring ang ilan sa mga ito ay hindi na kailangan pang plantsahin.

REFRIGERATOR. Sa pagpili ng refrigerator, ugaliing tingnan ang yellow na sticker na nakakabit dito. Ang mga mayroong mataas na E­nergy Efficiency Factor ay tinatayang mas mababa ang konsumo. Piliin din ang tamang laki base sa laki ng pamilyang gagamit nito. Ang 7-10 cubic foot na refrigerator ay karaniwang may kapasidad ng pagkain na pandalawang tao. Magdagdag ng isa pang cubic foot para sa kada isang miyembro ng pamilya upang malaman ang tamang laki ng refrigerator na naaangkop para sa inyo. Siguraduhin ding mayroong sapat na espasyong hindi bababa sa dalawang pulgada sa loob ng regrigerator upang mas makaikot ang hangin nito. Ayon din sa pagsusuri ng Meralco Power Lab, maaaring makatipid ng hanggang 50% kung inverter na refrigerator ang gagamitin.

RICE COOKER. Ang mga rice cooker ay mayroong ‘Keep Warm’ na setting. Pinananatili nito ang init na kinakailangan ng kanin matapos itong maisaing. Sa halip na dumepende sa setting na ito, maaaring i-adjust ang oras ng pagsasaing ng mas malapit sa aktwal na oras ng pagkain upang hindi na kailanganing gamitin ang nasabing setting. Gaya ng ibang kagamitang de kuryente, makatutulong din kung ugaliin na tanggalin sa pagkakasaksak ang rice cooker kung hindi naman ito ginagamit. Piliin din ang tamang laki ng rice cooker nang naaayon sa laki ng pamilyang gagamit nito.

Ilan lamang ito sa mga tip na maaaring gamitin ng mga konsyumer upang makatipid sa konsumo sa koryente lalo na ngayong panahon ng tag-init. Bagamat, lalo pang bumaba ang presyo ng kuryente para sa buwan ng Marso, hinihikayat pa rin ng Meralco ang mga customer nito na

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment