ESPASYO SA DELIVERY RIDERS SA VALENZUELA

0

IPATUTUPAD na sa Valenzuela City ang Ordinance No. 914 Series of 2021 o ang Bayaning Delivery Rider Welfare Ordinance na nag-aatas sa mga establisyemento sa lungsod na may puhunang higit sa P3 milyon na magtayo ng malinis at ligtas na espasyo para sa mga delivery rider.

Kabilang sa mga pamantayan ang paglalaan ng mga upuan na may sapat na distansya para sa hindi bababa sa 10 riders; pagbibigay ng access sa handwashing station na may sabon, alcohol at disinfectant, at pagbibigay ng purified drinking water at disposable biodegradable cups.

Ayon pa sa ordinansa, dapat ding bigyan ng access sa mga electric socket of charging station ang mga delivery riders paglalaanan ng ligtas na parking space, at bigyan ng sapat na ilaw at bentilasyon.

Para sa indoor delivery rider space, kinakailangan ang pagkakabit ng high-efficiency air filters; pagtaas ng ventilation rates; pagkabit ng physical barrier, at paglalagay ng footbath sa entry at exit point ng establisimyento.

Para naman sa outdoor delivery rider space, kinakailangan ang paglalaan ng may bubong o lilim na lugar katabi o 10 metro mula sa establisyemento, at pagtiyak na walang baha sa lahat ng oras.
Exempted sa ordinansa ang home-based businesses at micro-enterprises tulad ng sari-sari store, karinderya, canteen at iba pa. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment