Walang nasasapol na ‘big fish’ sa anti-corruption campaign DILIS LANG ANG KAYA NI DUTERTE – SOLON

0

INIHALINTULAD ng isang mambabatas sa dilis ang mga tatamaan ng ikinasang anti-corruption campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na mabibigo ang kampanya ng pamahalaan dahil maliliit na tao lang umano na sangkot sa katiwalian ang sinibak sa puwesto habang malaya ang mga tinaguriang ‘big fish”.

“Failure…kung bibigyan ng grado si Pangulong Duterte sa usapin ng pagsugpo sa graft and corruption…failed,” ani Gaite sa virtual press conference ng Makabayan bloc kahapon.

Nauna rito, inanunsyo ni Duterte na humigit kumulang sa 800 government personnel ang kanyang sinibak sa puwesto dahil sangkot umano ang mga ito sa katiwalian at iba pang kaso. Kabilang sa mga ito ang 26 mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Yung 800 na sinibak niyang empleyado, karamihan niyan kung hindi ako nagkakamali ay nasa customs, Bureau of Immigration at iba pa ay ano lang ito, maliliit na isda,” ani Gaite.

“Yung malalaking isda, lalo na yung mga appointee ni Pangulong Duterte wala pa tayong naririnig na talagang tinugis. Yung iba, sinuspinde lang,” ayon pa sa mambabatas tulad aniya nina dating PhilHealth President Ricardo Morales.

Sinusugan din ni ACT party-list Rep. France Castro ang pahayag ni Gaite kaya naniniwala ang mga ito ito na walang mangyayari sa anti-corruption campaign ni Duterte sa natitirang dalawang taon nito sa kapangyarihan. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Defensor kay Belgica “PUT UP OR SHUT UP!”

0

“HE should put up or shut up.”

Ito ang mensahe ni House committee on public account chairman at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Grego

Belgica matapos bigong pangalanan ang 12 congressmen na isinangkot niya sa corruption sa public works projects.

Ayon kay Defensor, ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ni Belgica ang alegasyon laban sa mga mambabatas subalit hanggang ngayon ay ayaw niyang pangalanan ang mga ito at wala pang isinampang kaso.

“If that is so, then he should just shut up. If he has evidence that can stand in court, he should file cases against the lawmakers he claims are involved in corruption,” ani Defensor.

Sinabi ng mambabatas na hindi makatarungan ang pagtanggi ni Belgica na pangalanan ang mga mambabatas na ito na dahil lahat ngayon ng 300 miyembro ng Kapulungan ay pinagdududahan.

Bukod dito, dinudungisan aniya ni Belgica ang institusyon na pilit ibinabangon sa mga alegasyon nito na walang inilalatag na matibay na ebidensya sa halos 12 congressmen na inaakusahan nito na sangkot sa katiwalian.

“If he cannot support what he is saying, then what is his purpose? To taint all House members and their institution and put them under a cloud of suspicion? We have been trying to improve the image of the House and he is tarnishing it,” ani Defensor.

“Belgica’s job” is not to engage in trial by publicity but to gather evidence and build cases against corrupt officials and file them before the proper forum like the Department of Justice (DOJ) or Office of the Ombudsman,” ayon pa kay Defensor.

Ganito rin ang hamon ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kay Belgica.

“Mahirap pag puro chismis lang. The PACC should walk the talk,” ayon pa kay Garbin. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

P4.5-T 2021 BUDGET BILL INAPRUBAHAN NG SENADO

0

INAPRUBAHAN ng Senado ang House Bill No. 7727 o ang panukalang P4.5 trilyong pambansang badyet para sa 2021 sa botong 22 pabor at walang negatibo at abstention sa ginanap na hybrid session nitong Huwebes.

Sa pahayag, nagpasalamat si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, sa lider at kasamahan sa Senado sa paghimay sa budget bill at nananatili sa schedule upang maipasa ang panukala sa tamang panahon sa kabila ng mga hamon tulad ng bagyo, baha, power outages at pandemya.

Kinilala naman ni Angara ang amendments na inihain ng kasamahan upang mapatibay ang pagtugon sa COVID-19.

“We acknowledged the amendments introduced by his colleagues to the budget bill, which will, among others, strengthen the COVID-19 response, provide assistance to victims of calamities and resuscitate the economy,”ayon kay Angara.

Pinasalamatan din ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri si Senate President Vicente Sotto III sa pagpasa ng panukalang national badyet sa kasipagan nito dahil palaging nasa Senado anomang oras ang simula ang deliberasyon.

Sa kanyang panig, pinapurihan naman ni Senador Joel Villanueva si Senador Sonny Angara sa kasipagan at pagkilos upang tuloy-tuloy ang deliberasyon sa national budget. (ESTONG REYES)

Read More

Malakanyang pumalag PINAS KULELAT SA COVID RESILIENCE RANKING

0

ITINANGGI ng Malakanyang ang inilabas na assessment ng US-based company Bloomberg kung saan nakapuwesto ang Pilipinas malapit na sa ilalim o kulelat pagdating sa COVID resilience ranking.

Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos na nahawakan ng pamahalaan ang viral outbreak.

Sa ulat, ipinuwesto ng Bloomberg ang Pilipinas sa 46th mula sa 53 bansa base sa 10 key metrics, kabilang na ang pagtaas ng kaso, mortality rate, healthcare system capacity, lockdown impact, community mobility, at agreements o kasunduan sa vaccine supply.

Ayon sa Bloomberg, ang Pilipinas ay nakapagpuntos ng “poorly” pagdating sa usapin ng community mobility—o ang “movement of people to offices and retail spaces compared to a pre-pandemic baseline in the past month”—na may -39.4% score.

Sinabi ni Sec. Roque na hindi pa niya napag-aaralan ang nasabing report sa kabila ng palagi niyang sinasabi na ang government measures ay nagresulta ng “relatively low mortality rate” para sa COVID-19 at ang maliit na percentage ng malubha at kritikal na kaso.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Dr. Albert Domingo, consultant ng World Health Organization Philippines, na ang laban kontra pandemiya ay hindi dapat gawing karera ng mga bansa. (CHRISTIAN DALE)

Read More

12 SOLONS NA TUMANGGAP NG KICKBACKS, PANGALANAN

0

HINAMON ng think-tank group na Infrawatch PH, si Presidential Anti-Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na huwag magkubli bagkus ay pangalanan ang 12 kongresista na sinasabing korap at namorsiyento sa DPWH projects.

Ayon kay Infrawatch PH Convenor Terry Ridon, hindi dapat magtago si Belgica sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang hurisdiksyon kaya hindi nya isasapubliko ang nilalaman ng PACC report na nagdedetalye ng korupsyon sa DPWH na sangkot ang mga congressman.

“There’s no going around it. PACC should divulge the names of members of Congress allegedly involved in DPWH corruption, because failure to do so taints entirely the integrity of Congress as an institution. The agency should not hide behind the President’s pronouncement rejecting disclosure, because the information on the matter was sourced entirely from the PACC itself,” paliwanag ni Ridon.

Sa oras na matanggap ng Office of the Ombudsman ang PACC report mula sa Malacañang ay may obligasyon na itong isapubliko ang mga pangalan kaya naman walang dahilan para ipitin pa ito ni Belgica.

Ganito rin ang paliwanag ni Justice Undersecretary Adrian Sugay, aniya, kapag nai-forward na kay Ombudsman Samuel Martires ang PACC report ay bahagi na ito ng public record kaya matutukoy rin ang pangalan ng 12 congressmen na iisyuhan ng subpoena.

Aminado si Sugay na bilang taxpayer ay nais din nitong malaman kung sino-sino ang mga tiwaling congressman na tinukoy sa report.

Sa 12 congressman na tumanggap ng payola, may ilan na P10M umano ang kickback sa government funded na DPWH project, may isa na humihingi ng hanggang P100M habang ang iba ay 5% hanggang 15% ang cut sa infrastructure budget sa kanilang distrito.

Habang pinupukol ang Kamara sa korupsyon ay nanatiling tahimik naman ang House Leadership ukol dito at walang reaksyon ang tanggapan ni House Speakear Lord Allan Velasco.

Sa ilalim ng House Rules ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon motu propio ang House Ethics Committee laban sa mga kongresista na sinasangkot sa katiwalian subalit aminado si Iloilo Rep. Janette Garin na “waste of time” lang ito. (ESTONG REYES)

Read More

Pagpabor ni Velasco sa mga kaalyado sinita sa Senado DAGDAG-BAWAS SA 2021 BUDGET BINIRA

0

TINAWAG ni Sen. Panfilo Lacson na “improper” o hindi aksyon ng isang lider ang ginawang dagdag-bawas ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaalyado at kritikong kongresista na kitang-kita umano sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget.

Ayon kay Lacson, halata ang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporter samantalang kitang-kita rin ang paglaglag nito sa mga kongresista na kaanib ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

“Congressmen interfered in the aportionment of the lump sum appropriations under the Department of Public Works and Highways (DPWH) budget. That’s the reason why may mga na-register na increases and decreases when the leadership changed in the House of Representatives. Evidently, noticeable ito, na yung mga malalapit sa bagong Speaker, mayroong naka-register na mga increases at yung mga malalapit sa dating Speaker, `yun ang naka-experience naman ng reduction,” paliwanag ni Lacson.

Hindi na inisa-isa ni Lacson ang mga binawasan ng budget maliban kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na siyang may pinakamalaking kaltas habang ang ilan na nakatamasa ng malaking budget increase ay ang Benguet, Albay at Abra.

Kinumpirma ni Lacson na hindi naman nabawasan ang budget ni Cayetano sa kanyang distrito.

Sinabi ni Lacson na mali ang ginawang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng naging hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista, halimbawa na ang P15.351Billion sa isang distrito kumpara sa P620M sa ilan.

Una nang kinumpirma ni Cayetano ang naging rebelasyon ni Lacson. Aniya, P300M hanggang P1 billion ang naging kapalit ng pagsuporta ng mga kongresista kay Velasco, ito umano ang dahilan kung bakit nagmamadali sa turnover ng Speakership noong Oktubre.

Dinepensahan din ni Cayetano ang mga kongresista na malapit sa kanya na wala sa Top 10 na may malaking budget, sa katunayan ang mga pwesto nito sa listahan ay pang 155, 204, 219, 193 at 154.

Itinanggi ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap, chairman ng House Committee on Appropriations ang alegasyon ni Lacson na ang mga kaalyado ni Velasco ang nakakuha ng “last minute” increase sa alokasyon sa General Appropriations Bill (GAB). Gayunpaman, nanindigan si Lacson na malinaw ang listahan, mula P396B ay biglang lumobo sa P474 ang infrastructure budget ng mga mambabatas na nakapaloob sa DPWH 2021 budget.

Samantala, sinabi ni House Minority Leader Stephen Paduano na ang district allocations na kinukuwestiyon ni Lacson ay maaari pa namang mabago sa bicameral conference committee. (ESTONG REYES)

Read More

CPA LAWYER LIONG, BAGONG OVER-ALL OMBUDSMAN

0

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Warren Rex Liong bilang over-all deputy ombudsman na bahagi ng pagpapalakas ng Office of the Ombudsman.

Si Liong ay miyembro ng Board of Directors ng Philippine Reclamation Authority (PRA) simula Marso 2017. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Davao University noong 2006 at Bachelor of Science in Accountancy sa De La Salle University (Manila) noong 1999.

Malaki ang tiwala ni Duterte kay Liong mula nang maging election lawyer ito ng una noong 2007 at 2010.

Naging legal consultant naman siya ni Duterte noong bise alkalde ng Davao City ang huli mula Agosto 2010 hanggang Hunyo 2013.

Naipuwesto bilang pinuno ng legal division ng Philippine Health Insurance (PhilHeallth) sa Rehiyon 11 mula Pebrero 2016 hanggang Disyembre 2016. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Rep. Nograles ikinabahala ang pagpatay sa mga abogado PUBLIKO MAWAWALAN NG TIWALA SA HUSTISYA

0

PINANGANGAMBAHAN ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na mayayanig ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya sa bansa sa walang tigil na pagpatay sa mga abogado sa bansa.

Ginawa ni Nograles ang pahayag matapos paslangin si Atty. Joey Luis Wee habang papasok sa kanyang opisina sa Cebu noong Lunes, Nobyembre 23, 2020.

“I condemn to the highest degree this latest in a string of murders of members of the law profession. Tama na po—this is the third straight week that a worker for justice has been killed,” ani Nograles.

Si Atty. Wee ang ika-53 law professional na pinatay mula noong 2016 at ikatlo ngayong buwan ng Nobyembre.

Magugunita na noong Nobyembre 17 ay inambush at napatay si Atty. Eric Jay Magcamit sa Quezon, Palawan habang pinaslang naman sa loob ng opisina si Judge Ma. Theresa Abadilla ng kanyang clerk of court noong November 11.

“Without decisive and drastic intervention, I fear our people’s faith in the justice system may be shaken by these killings,” pahayag ng Harvard trained-lawyer kahapon.

Dahil dito, umapela si Nograles sa gobyerno na gawin ang lahat ng nararapat na paraan para mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay ng mga law professional sa bansa.

“The government has to take a public stand against these extrajudicial killings, and to show that it is serious in tackling this issue. Otherwise, its silence would be treated as a tacit agreement that perpetrators can do as they please,” dagdag pa ni Nograles.

Nagbabala ang mambabatas na kung hindi mareresolba ang mga pagpatay sa law professionals at hindi mapanagot ang mga nasa likod nito ay malaki ang magiging epekto nito sa sistema ng hustisya sa bansa.

“The killing of lawyers, prosecutors, and judges is an extreme act that instill fear and uncertainty in our people. The pursuit of law and justice under peaceful conditions should be guaranteed by government,” ayon pa kay Nograles.

“Without these guarantees, the people would hesitate to fight for their rights in court,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

HOUSE LEADERS LUMABAG SA HEALTH PROTOCOL?

0

LANTAD sa COVID-19 virus ang ilang lider ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay at House Secretary- General Dong Mendoza subalit hindi nasusunod ng mga ito ang mandatory health protocol.

Ayon sa report, may exposure sina Velasco, Romero, Aglipay at Mendoza kay Tesda Director Isidro Lapeña nang makasama nila ito sa isang pagtitipon kasama ang mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) subalit hindi sila nag-self quarantine bagkus ay dumadalo pa sa mga hearing sa Kamara na maaring maglagay sa kumpromiso sa kanilang mga staff at iba pang kapwa mambabatas.

Una nang kinumpirma ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo sa COVID-19 si Lapeña. Aniya, Biyernes, Nobyembre 20, nang dumalo si Lapeña sa Senate hearing at kinabukasan, Nobyembre 21 ay nakuha nito ang kanyang positive result sa virus.

Dahil expose si Villanueva kay Lapeña kaya kasalukuyan itong naka-self quarantine habang nanawagan din ito sa mga staff at iba pa sa Senado na nagkaroon ng close contact na gumawa ng kahalintulad na hakbang.

Sa kabilang banda, sa Facebook post ni Romero ay makikitang Nobyembre 19 nang makaharap ng mga House Leader si Lapeña sa isang dinner sa Shangrila Fort Bonifacio kasama sina dating PNP Chief Egay Aglipay, DND Secretary Gen. Delfin Lorenzana, Seretary Gringo Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, Hermogenes Esperon at Carlito Galvez at DSWD Secretary Sec. Rolando Bautista, sa kabila ng anunsyo na nagpositibo sa virus si Lapeña ay hindi naman nag-obserba ng health protocol ang apat.

Matapos kumalat sa Kamara na may exposure sina Velasco at Romero kay Lapeña ay ilang kawani ang nangangamba rin sa kanilang kalusugan.

“Sila may pera kung dapuan sila ng virus pero paano naman kami, nakakalungkot na sila mismo ang hindi sumusunod sa health protocol at mga manggagawa ang maaaring ma-expose sa kanila,” pahayag ng isang staff na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Walang kumpirmasyon ang Kamara subalit sinasabing nagpositibo rin sa virus si ACT CIS Partylist Rep Niña Taduran.

Nabatid sa isang source na noong nakaraang Lunes, Nobyembre 16 nang magpa-swab test si Taduran ngunit Biyernes, Nobyembre 20 lamang nakuha ang test result, sa pagitan nito ay palagian ang pagdalo ng lady solon sa mga hearing.

Nanawagan ang mga kawani ng Kamara kay Velasco na paigtingin ang ipinatutupad na protocol laban sa COVID-19.

Binatikos naman ng mga empleyado ang masyado anilang relax na pagsunod sa guidelines sa ilalim ng bagong House Leadership dahil hindi sila naabisuhan kung totoong nagpositibo sa virus si Taduran kaya ang mga naging close contact nito ay maaaring nakahalubilo pa sa iba at hindi nakapag-self quarantine.

Read More