MGA BENEPISYO SA PAG-AALAGA NG MGA ASO, PUSA

0

Ni Ann Esternon

May benepisyo ang pag-aalaga ng mga aso at pusa.

Sila ang pets na magbibigay kaligahan sa atin.

Mayroon tayong nakukuhang unlimited fun and affection sa pag-aalaga ng aso o pusa kaya naman parami nang parami ang mga nag-aalaga rito. Marami na kasi ang parang ngayon lang naka-realize na iba ang naibibigay na sukli nila lalo na kapag alam ng mga alagang hayop na ito – o tinatawag ngayong fur babies – na tunay silang minamahal ng kanilang amo o mas tamang sabihing mga fur parents.

Ngunit maliban sa matatamis na ngiti na naibibigay ng mga pets na ito sa fur parents ay napatunayan ding stress busters sila. Kaya nilang makatanggal ng stress, anxiety at depression, kaya naman nalalayo tayo sa heart attack, insomnia o kahirapan sa pagtulog lalo sa gabi.

May pag-aaral din na kahit ang panonood lang ng videos ng mga pusa at aso ay nakakatulong na para maging maganda ang emosyon ng isang taong nalulungkot o dumaraan sa pagsubok sa buhay. Karamihan sa mga naging bigo sa pag-ibig o mga namatayan ng mga mahal sa buhay ay kumukuha ng lakas at inspirasyon sa mga alagang hayop na ito para magpatuloy muli sa buhay.

Nasa pag-aaral din na kapag ang isang sanggol na wala pang isang taong gulang at exposed sa pusa ay lumiliit ang tsansang magkaroon ng lahat ng klase ng allergies.

Tulad din ng tao dapat ay buo rin ang atensyong naibibigay sa mga alagang hayop para makuha ang unlimited fun and affections mula sa kanila. Nakakalungkot din naman para sa fur babies at fur parents na ang isa sa kanila’y magkasakit kaya naman sa sitwasyong ganito ay hindi dapat mapabayaan ng huli ang kanilang mga alaga.

Bonus ding malaman na kapag nakikita kayong may alagang mga aso at pusa ay nagiging attractive kayo sa paningin ng ibang tao.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment