DU30 NAGKAMALI SA PAGPILI KAY ALBAYALDE – GO

duterte32

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SA eskandalong kinakaharap ng pambansang kapulisan ngayon hinggil sa ‘ninja cops’, sinabi ni Senador Bong Go na nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya sa pagpili kay PNP chief Oscar Albayalde bilang hepe.

Kasabay nito, sinabi ni Go na kung siya ang pipili, isa sa kwalipikasyon ng papalit na hepe ng Philippine National Police (PNP) para kay Senador Bong Go ay ang isang opisyal na may ‘balls’ o tapang na harapin ang mga bulok na miyembro ng organisasyon.

Ayon kay Go, mahalaga sa pagpili ng magiging kapalit ni PNP Chief Oscar Albayalde ay ang pagtitiwala, hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ng mismong taumbayan.

“It will be solely decision po yan ni President Duterte. Prerogative po yan at napakaimportante po ngayon, sabi nga nya ayaw na nya madapa. Ayaw na niyang magkamali sa pagpili ng next PNP chief,” saad ni Go.

“Ako naman gusto ko PNP chief na makakapag-unite at may ‘bayag’ na labanan ang iligal na droga at kriminalidad at makapagserbisyo sa kapwa Filipino,” diin ng senador.

Una nang kinumpirma ni Go na posibleng mapaikli na rin ang termino ni Albayalde ng ilang araw dahil posibleng magsagawa ng turn over sa PNP bago umalis ang Pangulo sa katapusan ng buwan.

Kasabay nito, nanawagan si Go sa mga tauhan at opisyal ng PNP na agad isiwalat kung may alam silang kalokohan o iregularidad ng kanilang mga kasama.

Hindi na anya dapat isinasaalang-alang kung kaibigan, kasamahan o kaklase pa, basta’t may kalokohan ay dapat nang isinusumbong.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment