ISKOLAR NG BAYAN MAAAPEKTUHAN SA COVID-19

0

MAAAPEKTUHAN ang mga iskolar ng bayan kapag tuluyang binawasan ang free education budget.

Ito ang ibinabala ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero “Popoy” De Vera sa virtual hearing ng House Committee on Higher and Technical Education nitong Huwebes.

“If you do not release [the] 35 percent, we are afraid to inform Congress that we will not be able to do a lot of things for Republic Act (RA) No. 10931,” pahayag ni De Vera sa mga komite na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go.

Magugunita na naglabas ng kautusan ang Department of Budget and Management (DBM) na binabawi ang 35% sa mga allotted budget ng mga ahensya ng gobyerno para magamit sa paglaban sa covid-19.

Kasama sa mga ahensyang ito ang CHED na siyang nagpapatupad sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o mas kilala sa libreng tuition fees sa state universities and colleges (SUCs).

“That is what we are worried [about] because if you reduce by 35 percent, we will not be able to fully reimburse the tuition and miscellaneous fees of State Universities and Colleges. We won’t be able to release all the TES (Tertiary Education Subsidy) money for 2020. So that is our concern,” ani De Vera.

Ngayong taon ay P7.1 Billion ang inilaang pondo para sa libreng edukasyon ng mga kabataan na nag-aaral sa SUCs sa bansa kaya kung hindi aniya mababawasan ito ng 30% ay mapipilitan ang mga ito na maningil sa mga estudyante.

Dahil dito, hiniling ni Northern Samar Rep. Paul Daza sa DBM na huwag nang isama ang CHED sa babawasan ng pondo upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mahihirap na estudyante. BERNARD TAGUINOD

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment