PPEs, PAGKAIN IDO-DONATE SA CEBU

PORMAL nang tinanggap ni Senador Cynthia Villar ang donasyong protective materials at food supply mula sa Philippine Fujian General Youth Association, Inc. bilang suporta ng mga ito sa relief operation ng mambabatas sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa pahayag, pinangunahan ang donasyon ni James Go, presidente ng grupo ang pag-aabot ng mahigit 600 cup noodles, 21,000 face masks, dalawang galon ng alcohol, dalawang galon ng disinfectant at electric sprayer.

Ayon kay Villar, namuno sa pagsisikap ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) para tulungang mabawasan ang paghihirap ng mga naapektuhan ng pandemya, ang donasyon ng grupo ay magiging bahagi ng kanilang relief operation sa Cebu.

“In these uncertain times, we are reminded how interconnected we all are through the outpouring of support from individuals and groups of people who stepped up and helped us meet the challenges of this unprecedented health crisis,” sabi ni Villar.

“I thank the group for their generosity and appreciate their efforts to contribute to our relief operations. Their donation will go a long way in helping stop the further spread of the virus in communities,” dagdag pa nito.

Dumalo rin sa pagpupulong na ginanap sa Courtyard ng Villar SIPAG Complex sa Las Pinas ang iba pang mga opisyal ng Philippine Fujian General Youth Association, Inc., na sina Lucio Ang, executive vice president; Chen Wen Xiong, vice president; Jeff Bernal, secretary-general; at Vincent Tan at Willy Wang, executive directors. (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment