SOCIAL DISTANCING SA BAHAY IBINIDA NI PANELO

Atty Salvador Panelo
0

SINABI ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may umiiral na social distancing sa loob ng kanilang bahay para makaiwas sa peligro ng coronavirus disease 2019.

Aniya, hindi sila sabay-sabay kumakain ng kanyang asawa at isang anak para masiguro na iwas sa COVID-19.

Subalit, kung sakali naman aniyang magkakasama silang kumakain sa mesa ay sinisiguro ng kanyang mag-ina na ang distansiya nila ay isa at kalahating metro.

“Kami dito sa bahay may social distancing. Hindi kami sabay-sabay na kumain. Kung sabay-sabay man kami, talagang ang distansiya namin isa at kalahating metro,” ayon kay Sec. Panelo.

Sinabi pa ni Sec. Panelo na maging sa puwesto ng pagkain sa mesa ay rasyon na ang ginagawa para hindi mahawakan ng isang miyembro ng pamilya ang nahawakan na ng kasama na lalagyan ng ulam.

“Pati sa paghatag ng ulam na nasa gitna, ngayon hindi na, kailangan ngayon rasyon. Kung nasa gitna ng mesa, kukunin mo ng kutsara mo yon, tapos kukunin din ng isa. Nakakaawa tayo pag meron na ang isa eh,”anito.

Matatandaang, sinabi ni Sec. Panelo na hindi siya natatakot sa coronavirus dahil maingat siya at malakas ang resistensiya dahil sa pag-inom ng bitamina at pagkain ng masustansiyang pagkain kaya’t walang dahilan para magpa-COVID-19 test siya. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment