JUBAN, SORSOGON MAYOR ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

“THE best vindication we can give to our people is justice,” pahayag ni PNP-PRO5 P/BGen. Jonnel C. Estomo, nang ipaaresto ang incumbent Municipal Mayor ng Juban, Sorsogon dahil sa tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Trafficking in Person Law.

Kinilala ni Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo ang dinakip na alkalde na si Antonio Hainto Alindogan, 63, kasalukuyang municipal mayor ng bayan ng Juban sa lalawigan ng Sorsogon at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Tughan sa Juban.

Ayon kay Estomo, isang law enforcement operation ang ikinasa ng PNP-PRO5 Sorsogon, Juban MPS bilang lead unit, katuwang ang 2nd Sorsogon Police Mobile Force Company, sa supervision ni P/Col. Arturo P. Brual, Provincial Director ng Sorsogon PNP, sa Brgy. North Poblacion, sa Juban kasunod ng inilatag na intelligence operation.

Ang pag-aresto ay kaugnay ng mga kasong kinahaharap ng suspek kabilang ang 3 counts ng paglabag sa Anti-trafficking in Persons Act of 2003 under Sec. 4a in relation to Sec. 6a and Sec. 6d ng RA9208 as amended by RA10364, o Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Zach Zaragoza Ziga ng RTC Family Court, Branch 12, 5thJudicial Region, Sorsogon City, Sorsogon, at walang inirekomendang pyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Juban Municipal Police ang alkalde para sa karagdagang documentation kaugnay sa gagawing pagbabalik ng warrant of arrest sa nag-isyung korte. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment