MILD HEART ATTACK NI PDU30 FAKE NEWS – PCOO

0

FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumanas ng mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing ….”Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.”

Inilagay naman ni Sec. Andanar ang malaking “fake news” sa harap mismo ng nasabing screenshot bilang caption upang pabulaanan ang nasabing balita. Kapansin-pansin naman na hindi na makita ang nabanggit na post ng Maharlika.tv na kung saan ay iniugnay nito ang balitang heart attack ni Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng kanyang public address sana nitong Miyerkoles ng gabi. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment