HOLDAPAN SA ANTIPOLO, 1 PATAY

0

RIZAL – Patay ang isa umanong holdaper habang nakatakas ang dalawang kasama nito matapos nilang mambiktima sa Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City kahapon ng alas-3 ng madaling araw.

Dumulog sa Antipolo City Police Station ang biktimang si William Conde makaraan itong holdapin ng tatlong armadong kalalakihan na magkakaangkas sa motorsiklo sa Cogeo Gate 2, Brgy. Sta. Cruz.

Agad ikinasa ang dragnet operation ng pinagsamang operatiba ng RMFB, RID RSOU, RID4-A RIZAL at Highway Patrol Group – Rizal at bandang alas-3:55 ng madaling araw ay namataan nila ang tatlong suspek sa Marcos Highway, Sitio Calumpang, Brgy. San Jose. Ngunit nang tangkaing komprontahin agad umanong pinaputukan ng isa sa mga ito ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang isa sa mga suspek na ikinasawi nito. Iniwan ito ng kanyang mga kasama na nagawang makatakas sa lugar ng engkwentro. (CYRILL QUILO)

Related posts

Leave a Comment