KOLEKTOR NG ODICTA DRUG GROUP, INILIGPIT

BACOLOD City – Hinihinalang iniligpit ang kolektor ng Odicta Drug Group makaraang matagpuan ang bangkay nito na tadtad ng bala at nakagapos ang mga kamay, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Nathan Zerrudo ng Pavia, Iloilo, sinasabing collector ng Odicta Drug Group sa lungsod ng Iloilo, at kapatid ni Levy Zerrudo na kanang kamay ni alyas Dragon, pinuno ng nasabing sindikato.

Batay sa report ng Bacolod Police Station-9, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Purok Katipunan, Barangay Cabug na walang pang-itaas na damit, nakagapos ng plastic wire ang mga kamay at maraming tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente, nag-post ang biktima na nasa Bacolod siya at marami ang kanyang stock ng ilegal na droga ngunit hindi pa nakukumpirma kung si Zerrudo mga ang nagmamay-ari ng nasabing Facebook account. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment