EXCITED SI ALDEN

ALDEN-12

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Excited na ang mga fans ni Alden Richards sa bagong programang ihu-host nito.

Isang musical game show na kung saan mga bata ang kasali.

Parang singing competition, pero may kakaibang rekado para iba nag concept.

Centerstage ang title ng programa na kung saan ang bestfriend niyang si Betong Sumaya ang co-host niya.

May tatlong judges din na sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.

Mas excited siyempre si Alden dahil malapit sa kanya ang mga bata at kakaibang experience daw na makaka-interact niya ang mga magagaling na mga  batang may talent sa pagkanta.

LAST TAPING DAY NG TALK SHOW NI VICE GANDA

SEE: Wala pa namang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN 2, pero kumakalat na ang balitang tatanggalin na raw ang Gandang Gabi Vice.

Ang narinig lang namin ay ngayong linggo na raw ang last taping ng naturang celebrity talk show ni Vice Ganda.

Sa GMA 7 naman ay iri-reformat na raw ang Dear Uge ni Eugene Domingo into a light drama.

WALANG PROPOSAL NA MAGAGANAP SA CO-LOVE CONCERT NINA JENNYLYN AT DENNIS

SWAK: Tinitiyak ni Jennylyn Mercado na walang drama ng proposal o pag-usapan ang kung ano ang plano nila ni Dennis Trillo sa kanilang relasyon na gagawin sa  concert nilang Co-Love na gagawin nila sa New Frontier Theater sa February 15.

Tinanong kasi namin kung doon na ba ay mag-propose si Dennis sa kanya?

Sure daw siyang hindi gagawin iyun ni Dennis dahil hindi pa raw talaga siya puwede sa ganun, gawa ng may commitment siya sa GMA 7.

“Hindi pa puwede eh. Idedemanda ako.

“Ayoko rin naman pag-usapan yan eh. Tapusin ko muna yung mga commitments ko,” pakli niya.

Ayaw lang  niya idetalye, pero mukhang nasa clause ng kontratang pinirmahan niya sa GMA 7 na hindi pa muna siya puwedeng mag-asawa.

Kaya sa career lang talaga siya naka-focuse, at maganda rin namang magkasama sila ni Dennis sa concert na talagang pinag-isipan daw nila nang husto kasama ang direktor nilang si John Prats at ang 3rd Avenue na musical director nila.

“Kinakabahan kami kasi first time namin mag-show together tapos ang mga songs eh medyo dibdiban kaya puspusan ang paghahanda namin ni Dennis.

“Halos lahat ng kanta ay pinag-usapan namin nang mabuti, tapos meron kaming pa-orchestra para sweet di ba?

“Kailangan naming pag-usapan ng buong team para hindi nakakahon sa gusto naming kanta, para maka-relate sa ibang tao,

“May koneksyon sa amin at sa bawat ng tao. Kasi di ba sa bawat relasyon laging hindi naman masaya di ba?

“Sa umpisa kinikilig ka, tapos habang tumatagal nakikilala nyo na ang isa’t-isa, nagkakaroon kayo ng problema. So,  parang dadalhin namin kayo sa journey talaga ng love story ng lahat ng tao,” pahayag ni Jennylyn sa pictorial ng Descendants of the Sun.

MAGALING NA AKTOR BALOT NA BALOT KAHIT SA GOLF COURSE

SEE: Hindi mo pala talaga ma-‘see’ ang mukha nitong magaling na aktor kapag nasa initan ito dahil takip na takip daw ito.

Iyun ang napapansin ng ibang mga kumpare niya kapag naglalaro sila ng golf, o may iba pang sports activity silang ginagawa na nasa labas at nasisikatan ng init ng araw.

Sobra raw kung makatakip ang mukha na mata lang nito ang nakikita dahil takot daw siyang mainitan ang mukha.

Ang ibang kumpareng walang kaalam-alam sa pagpaparetoke ng fez ay hindi nila talaga alam kung bakit.

Pero napapansin na kasi ang nareretoke sa mukha at ilang beses na ring na-botox kaya pinagbawalang mainitan.

Kaya naman nanatiling bagets pa rin ang mukha ni aktor, pero ang napapansin lang, hindi na gaanong nakitaan ng emosyon kapag umaarte dahil ang tigas na ng mukha sa katuturok ng botox.

Hindi talaga maiwasang maapektuhan ang pag-arte nito dahil matigas na ang fez!

Related posts

Leave a Comment