PH, BEST SEA GAMES ORGANIZER

SA kabila ng mga aberya ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng 2019 South East Asia Games, kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine South East Asia Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang best SEA games organizer.

Pinuri ng SPIA ang pagsisikap ng PHISGOC na makapaghatid ng anito’y “world class opening ceremonies” at maayos na pag-oorganisa sa 56 sports at 530 events sa 30th SEA Games.

Ang SPIA Asia Awards, tinuturing na “most credible awards platform in Asia”, ang nangungunang  sports business conference and awards platform sa Asya.

Makaraan ang 14 na taon, ngayon lang muli naging host ng SEA Games ang Pilipinas, na sa loob ng apat na araw na kompetisyon ay mayroon nang  108 medalya (54 golds, 35 silvers, 19 bronzes).

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment