Takot maaresto JANE ‘DARNA’ DE LEON WA-JOIN SA NOISE BARRAGE NI ANGEL LOCSIN

0

May mga lumutang noong tsika na papalitan na ng dating Miss Universe na si Catriona Gray si Jane de Leon bilang Darna.

Pero ayon sa reliable source sa Star Cinema, tuloy pa rin daw si Jane sa pagganap ng nasabing iconic role na nilikha ng batikang nobelistang si Mars Ravelo.

Bago pa nagkaroon ng Covid-19 at lumaganap ang pandemya, maraming pagbabago ang dinaanan ng nasabing proyekto.

Una, ang tinaguriang real-life Darna dahil sa kanyang pagtulong sa mga biktima ng pandemic na si Angel Locsin ang napusuang gumanap nito. Ididirehe sana ito ni Erik Matti noong 2014.

Noong 2015, nag-back out si Angel for health reasons dahil sa kanyang  spine injury.

Last year lang, inihayag na si Jane de Leon na ang bagong Darna.

Bagamat nakapagsimula na ito ng principal photography, naudlot din ito dahil sa Covid-19 pandemic.

Nabitin pa man ito sa balag ng alanganin, hopeful naman ang mga taga Star Cinema na maitutuloy ang shooting nito pagkatapos ng pandemya.

Kamakailan lang, naging kontrobersyal din si Jane dahil pinarunggitan ito ng ilang bashers kaugnay ng kanyang pananahimik sa kaso ng non-renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Paliwanag naman niya, may kanya-kanyang paraan ang bawat tao ng pagbibigay ng suporta na hindi naman kailangang hayagan.

Kasama raw ang mga ito sa kanyang mga dalangin.

Malaki rin daw ang utang na loob nito sa Star Cinema, sister company ng ABS-CBN dahil ito ang nagbigay ng pagkakataon sa kanya para matupad ang kanyang pangarap na maging Darna.

Sa panahon ng pandemya, importante rin daw na unahin din niya ang kalusugan niya at ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-oobserba ng proper health protocols tulad ng physical distancing kaya iwas muna siya sa mass gatherings. Oo nga naman any moment maaresto pa siya for violating pandemic protocols. (Archie Liao)

Related posts

Leave a Comment