Bilang pagpapatunay na hindi pa raw laos si Vice Ganda ay magkakaroon siya ng show sa digital platform titled “Gabing Gabi Na Vice. ”
Para raw tuloy ang paghatid ng aliw sa marami dahil na nga sa nararanasan nating pandemya kasabay din ang pag-shutdown ng ABS-CBN.
Very excited si Vice para sa kanyang bagong show. Sabi naman ng ilang detractor ‘nya, “wala na good as dead duck na ang celebrity horse ng showbiz.” Pero sabi naman ng mga maka-Vice, ” sasabog daw sa katatawanan ang hatid ni Vice para sa mga manonood.”
Ayon pa sa kanya, wala pa man ang COVID-19 ay matagal na raw niyang pinag-iisipan ang magkaroon ng content sa digital space.
“Actually, mayroon na ako dati na parang website, iyong viceganda.com, pero hindi ko siya na- maintain. Parang ganito rin ‘yung objective noon, pero hindi ko siya na-maintain, hindi ko siya nalagyan ng content, so nadeadma lang siya, nawala na lang siya nang kusa sa domain, sa online universe, ” sabi pa ‘nya.
“Hanggang one day bumalik sa akin ang ganitong idea, ” pagkukwento pa niya. “Sa totoong lang aminin nating halos wala talaga tayong nagawa nung time ng lockdown,” sabi pa niya.
So kailangan raw na makahanap ng paraan kung paano makaka-reach out sa audience. Isa pa ‘yon daw ang sinabing directive sa kanya ng ABS-CBN. Sabi raw sa kanya ni Cory Vidanes na you need to
find a way to reach out to your audience. Kaya malaki raw ang pasasalamat ni Vice kay Vidanes at sa mga friend nila para mabuo ang konsepto na ito ng nasabing show.
Malaki naman ang expectations ni Vice na marami talagang manonood ng kanyang bagong digital show.
Pero sabi pa rin ng kanyang mga detractor in denial pa rin si Vice Ganda as in hindi pa rin ‘nya matanggap na tapos na ang masasayang oras ‘ nya at ng kanyang mga kasamahan.
What goes up must go down. Pero hopeful pa rin talaga si Vice na papatok pa rin siya sa digital platform.
Mas masaya raw kung marami tayong makakasama sa nasabing platform.
Open ba ang show ‘nya sa lahat ng artista na pwedeng mag guest sa kanya?
Halos lahat daw ng artista ng Kapamilya network ay na i-guest na niya sa Gandang Gabi Vice, pero sa pamamagitan ng online show niya ay may wish list siya para makakausap as in mainterbyu niya ang mga taga-Kapuso network tulad nina Heart Evangelista, Marian Rivera, Dingdong Dantes, etc.
‘Yan kung papatulan siya ng mga taga- kabilang network. Layunin din ni Vice Ganda na tulungan ang mga kasamahan niyang stand-up comedians na nawalan ng
pagkakakitaan. Alam naman ng lahat kung saan si Vice nagsimula sa pagiging host niya sa mga komedy bar.
Dagdag pa ‘nya:, “Kasama iyon sa secondary objectives ko. First, ang objective ko nga is to make my audience happy. To make my followers happy. Second, ang mga baklang stand-up comedians.
Kasi, hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN, hit na talaga ang mga komedyante sa mga bar,”pagdidiin pa ‘nya. (Throy Catan)
