DR. GREG MACASAET, DEDICATED COVID – 19 FRONTLINER

0

APAT na araw na ang nakalipas nang i-post sa Facebook ng isang obispo ang panawagang ipagdasal ang “internal repose” ng isang manggagamot, si Dr. Israel Bactol.

Si Dr. Bactol ay namatay dahil sa sakit na novel coronavirus – 2019 o COVID – 19.

Siya ay 34-taong-gulang.

Nagkaroon siya ng COVID – 19 habang inaasikaso ang mga taong tinamaan ng naturang virus.

Si Dr. Bactol ay isa sa mga Pilipinong manggagamot na kasama sa tinatawag na “COVID – 19 Frontliners.”

Nailagay sa FB account ang sinapit ng batang doktor matapos i-intubate (lagyan ng tubo ang isa ring doktor upang makahinga nang maayos).

Ang doktor na iyon ay si Greg Macasaet.

Huling pahayag ng “dedicated frontliner” laban sa COVID -19

NGUNIT, namatay din si Dr. Greg Macasaet bandang alas-kuwatro ng umaga.

Si Dr. Greg ay isang anesthesiologist.

At bago siya pumanaw, si Dr. Greg ay inilarawan ng isang kaibigan bilang “dedicated frontliner in the fight against COVID – 19.”

Mabilis na kumalat ang virus ng COVID – 19 sa kanya nang mahawaan siya ng mga pasyenteng inaasikaso at ginagamot nila ng asawang si Dr. Eva Macasaet, isa rin anesthesiologist.

Ayon sa impormasyon, inilagay si Greg sa ICU ng ospital dahil nagkaroon na siya ng pneumonia at pasikip nang pasikip ang kanyang dibdib, dahilan upang unti-unti siyang mahirapang makahinga.

Habang nasa ICU, kinontak niya ang kanyang pamilya, mga kamag-anak at kaibigan.

Isa sa mga mensaheng naipadala niya ay ganito ang nakasaad: “Good evening, my beloved brethren! The turn of events is just no longer going in my favor. The feeling you get, aside from extreme pains all over [my body], difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body! They will be putting cutdown lines and central tubes on me anytime soon! If they intubate me and place me on ventilator, then the game (referring to life) is almost over!”

“If Ateng (referring to his wife) survives, then my wish for her and Raymond (their son who has autism) for a long and happy life will bear fruition! Raymond, however, needs medical, financial and emotional care for the rest of his life! Something I may no longer be able to fulfill! It is my fervent hope that all of you may assist the rest of my Family in our difficult times!”

Hindi nagawa ni Dr. Eva na makita, masilip man lang, makausap, makamusta, mahawakan man lang kahit ang kanyang palad at mabulungan, sapagkat kahit siya ay ipinasok na sa isang kuwarto upang hindi na makahawa ng COVID – 19.

Si Dr. Eva ay nagkaroon din ng COVID – 19, ngunit hindi kasing lala ng sinapit ng kanyang asawa.

Mahirap pala talaga kapag nagkaroon ka ng COVID – 19, sapagkat literal na bawal kang lapitan at kausapin ng kahit sinong tao – kahit doktor na hindi nakatalaga sa ‘yo.

Ang masakit sa dinanas ng mag-asawang frontliner laban sa pandemyang COVID – 19, hindi madadalaw at makikita ang bangkay ng kanyang asawa.

Ang higit na kahabag-habag ay ang kalagayan ng kanilang anak na si Raymond.

‘Bagong Bayani ng Kasalukuyang Henerasyon’

ITINURING ng administrasyong Duterte ang frontliners bilang  “Bagong Bayani ng Kasalukuyang Henerasyon.”

“These selfless and dedicated countrymen of ours who man the ramparts against this scourge of an unseen invader that threatens the very survival of our nation are the new heroes of this generation. To them goes our prayers to shield them from the dreaded disease and our eternal gratitude for their selfless and heroic deeds,” pahayag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Salvador Panelo.

Ayon pa sa kalatas ni Panelo nitong Marso 21: “The Office of the President supports these frontliners and commits itself to throw the resources of its office to ensure that these frontliners will continue to get the assistance they need in the performance of their duties.”

Ang konteksto ng pahayag ni Panelo ay ang kahandaan at walang takot na pagganap ng mga manggagamot at nars sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa mga Filipino kahit sa panahong kumakaharap ng pandemyang COVID -19 ang Pilipinas at maraming bansa sa daigdig.

Ang pagtugon nila sa kanilang trabaho, tungkulin at obligasyon ay walang karagdagang benepisyo, kundi karagdagang sakripisyo.

Ibigay ang pangangailangan ng health workers

WALANG reklamo at hindi sumagi kahit isang segundo sa isipan ng health workers ang tumigil, umatras at iwan ang pagtulong at pag-asikaso sa mga biktima ng COVID – 19.

Ang kanilang panawagan na isinapubliko nitong Linggo ay ibigay ang mga pangangailangan ng  health workers upang magampanan nila nang husto ang kanilang gawain, tungkulin at obligasyon.

Ipinaliwanag ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH) “From experiencing mandatory quarantine to severe cases of respiratory distress and now even death, health professional and workers are literally giving their lives in the service of the nation and its people during this pandemic.”

“Beyond PUIs and surveillance, health workers must be regarded as a high-risk population that is tested regularly (such as every two weeks), in order to guide hospitals and facilities in monitoring and rotating the already overburdened frontliners, of whom the medical community cannot afford to lose any further,” patuloy ng CPRH.

Idiniin ng asosasyon na ang tamang pasahod, hazard pay, makataong oras sa pagganap ng trabaho at probisyon sa PPEs (gowns) ay pawang napakahalagang isyu sa health workers kahit walang COVID – 19.(NELSON S. BADILLA)

Related posts

Leave a Comment