PAGSASARA NG MGA POGO ITINULAK SA KONGRESO; P20-B NAGLAHO SA TAX CHEATERS

0

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na isara na ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators at pauwiin na ang mga “tax-cheater” na ito sa kanilang bansa sa China.

Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mungkahi sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos lumabas na umaabot sa P50 Billion ang hindi nababayarang buwis ng mga POGO operator sa bansa noong nakaraang taon.

“Shut down operations and send home all ‘tax-cheat’ Philippine Offshore Gaming Operators in the country,” ani Barbers dahil habang walang lusot aniya ang mamamayang Filipino sa pagbabayad ng buwis ay patuloy namang nandadaya sa buwis ang mga dayuhang ito.

Lumabas sa Senate hearing na aabot sa P17 hanggang P18 Billion ang franchise tax na hindi nabayaran ng mga POGO sa bansa noong 2019 bukod sa P30 Billion na withholding taxes.

Hindi rin umano nangyari ang sinasabi ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na aabot sa P20 Billion ang income tax na makokolekta sa mga POGO sa bansa bukod sa buwanang P1.25 billion na value added tax mula sa POGO workers.

Subalit noong 2019 aniya, umaabot lamang sa P5 Billion ang nakolekta ng gobyerno sa mga POGO. “Nasaan na yung higit sa P20 bilyong piso na revenues na sinasabi nila,?” tanong ng mambabatas.

Dahil dito, kailangang magdesisyon na umano ang gobyerno at isara na ang mga POGO sa bansa dahil hindi sumusunod ang mga dayuhang ito sa batas at patuloy na dinadaya ang mga Filipino. BERNARD TAGUINOD

Read More

EVAC CENTER BILL 9-TAONG TINULUGAN SA KONGRESO

kongreso12
0

NATENGGA ng siyam (9) na taon sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng evacuation centers sa buong bansa upang may matuluyan ang mga biktima ng kalamidad.

Sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, unang ipinanukala ni Quezon Rep. Angelina Tan sa pamamagitan ng House Bill 3372 noong Nobyembre 25, 2013 para magtayo ang gobyerno ng mga evacuation center subalit hindi inaksyunan ng House committee on national defense and security.

Ganito rin ang mga hiwalay na panukala nina dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, dating Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan subalit wala ring nangyari.

Ginawa ang nasabing panukala, panahon ng 16th Congress, matapos lumabas sa Global Climate Risk Index na ang Pilipinas ay ikalawa sa Haiti na may pinakamaraming biktima ng mga kalamidad tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan at lindol.

Layon din umano ng mga evacuation center na kayang tumayo sa 115 miles per hour na bagyo at 7.2 magnitude na lindol ay upang hindi na magamit ang mga eskuwelahan kapag panahon ng kalamidad.

Muli ring inihain ang nasabing panukala noong 17th Congress o mula noong Hulyo 2017 hanggang 2019 subalit hanggang ngayon ay hindi pa inaaksyunan ang nasabing Kongreso.

Dahil dito, nangangalampag ang mga mambabatas sa liderato ng 18th Congress na bigyan ng atensyon na ang nasabing panukala lalo’t nakita ngayon ang kahalagahan ng mga evacuation center sa pagsabog ng Taal Volcano.

Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, hindi madaragdagan ang pagdurusa ng mga evacuee kung magkaroon ng maayos at matatag na evacuation centers sa buong bansa sa panahon ng kalamidad.

“It has come to our attention that unlike other evacuation centers na may tiled flooring and proper lighting and ventilation, ‘yong evacuees sa Bauan cockpit – kasama na ang maliliit na sanggol – ay nagsisiksikan at sa karton lang nakahiga,” ani Vargas. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

SOTTO: CHACHA PAG-UUSAPAN SA SENADO

chacha33
0

(NI NOEL ABUEL)

“WALANG mangyayaring bastusan.”

Ito ang siniguro ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isinusulong na Charter Change resolution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ng mga kongresista.

Ayon kay Sotto, hindi mapipigilan ng Senado ang mga kongresista sa nais ng mga itong ConAss sa oras na ibigay ito ng Kamara.

“Dadalhin nila sa amin eh, di pag-uusapan namin kung ano ‘yung dadalhin nila sa amin, dadalhin namin sa committee, pag-uusapan du’n. Ganu’n lang. Ibig sabihin hindi namin siguro naman babastusin ‘yun or sasabihin ‘pag dinala dito ‘ayaw namin”. Gagawin naman namin ‘yung procedure na tama,” paliwanag nito.

Una nang sinabi ni Sotto na wala sa prayoridad ng 18th Congress ang Cha-Cha kung kaya’t malabo itong maipasa.

“Ngayong 18th Congress madaming nakasalang sa aming priorities eh. Wala ‘yan. Hindi napapag-usapan. Narinig lang namin na gusto raw ng House mag-Constituent Assembly,” sabi pa nito.

Pero, sinabi ni Sotto na maaaring pansinin ng mga senador ang Cha-cha kung ang economic provision lamang ang babaguhin.

Isa sa idinadahilan ng mga kongresista na nagsusulong sa pagbabago ng Konstitusyon at dahil sa nagpag-iiwanan na ang bansa ng mga kapitbahay natin sa Asya at sa buong mundo.

“Kung economic provisions lang ang tatargetin nila, may pag-asang mapag-usapan sa amin ‘yun. Pero pagka pinag-usapan mo kaagad ‘yung term limits, with due respect to them, baka naman mag-aksaya tayo ng panahon kasi sa plebisito iboboto ng tao ng “no” ‘yan. Garantisado, magpa-survey ka. Tingnan mo, tanong mo sa taumbayan kung sino may gusto na baguhin ang term limits ng mga senador, congressmen. Self serving eh. Kung pag-uusapan ‘yung mga term limits, form of government, mas maganda ‘yung Constitutional Convention para hindi self-serving sa amin,” ayon pa sa lider ng Senado.

“Kung economic provisions lang ang pag-uusapan, marami sa mga senador na sasang-ayon. I’m sure. Kung ‘yan ang mga pag-uusapan kasi marami na talagang pangangailangan tungkol diyan. For example, gumawa ka ng high-speed train or modern railroad from Pagudpod to Matnog, Sorsogon,” paliwanag pa nito.

 

 

Read More

BUDGET NG OFW DEPARTMENT APRUB NA

OFWs-12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T hindi pa naitatatag ang Department of Overseas Filipino Workers, inaprubhan na ang pondo ng nasabing departamento na isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatatag.

Sa pagdinig ng House appropriation committee, may inisyal  na P3 Billion ang nasabing departamento na tatawaging ‘Department of Filipinos Overseas’ dahil hindi lamang ang mga manggagawang Filipino sa ibang bansa  ang sasakupin nito kundi lahat ng Pinoy na nakatira sa iba’t ibang panig ng mundo.

Base sa inaprubahan ng nasabing komite, sa unang taon ng nasabing departamento lalo na kapag naitatag na ito ng tuluyan sa 2020, kukunin muna ang pondo nito sa mga ahensyang  bubuwagin na tulad ng  Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) na nasa ilalim ng  Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasama rin sa pagkukunan ng pondo ang Commission on Filipinos Overseas (CFO); Philippine Overseas Labor Offices (POLO) at International Labor Affairs Bureau (ILAB) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA)  na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment  (DOLE) at  International Social Services Office (ISSO) na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na ang OUMWA ay may P1.258 billion pondo; P124.369 million ang CFO, habang ang POLO ay may   P231.560 million; ILAB, P30.302 million at POEA, P431.419 million.

Bukod dito, may P1.07 Billion naman ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ililipat din sa DFO kaya aabot sa P3 Billion ang unang pondo ng nasabing departamento kung sakali.

Gayunpaman, sa mga susunod na taon ay posibleng mas mataas na ang pondo ng DFO kung saan unang ipinanukala na gawing P5 Billion ang budget nito sa unang taon.

Noong Nobyembre ay pinagtibay na sa committee level ang pagtatatag sa nasabing departamento at nakatakda na itong isalang sa plenary debate sa Kongreso.

 

Read More

NATIONAL BUDGET RATIPIKADO NA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NIRATIPIKAHAN na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion at nakatakda umano umano itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na 10 araw.

Sa pamamagitan ng  viva voce voting , idineklarang panalo ang ayes (yes) kontra nyes (no) at ihinahahanda na kopya ng 2020 General Appropriations Bill (GAB) upang maipadala na sa Office of the President para mapirmahan na ng Pangulo.

Unang inaprubahan at pinirmahan ng mga contingent ng Kamara at Senado  sa Bicameral conference ang 2020 GAB nitong Miyerkules ng umaga at agad itong isinalang sa ratipikasyon sa plenaryo ng Kamara pagdating ng hapon.

“Very smooth,” ang paglalarawan ni House majority leader Ferdinand Martin Romualdez sa Bicameral conference meeting na hindi dinaluhan nina Senate minority leader Franklin Drilon at Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

“We passed a budget with no pork, no parked funds, and no delays with full tranparency. While there is no perfect budget, both the Senate and the House of Representatives have identified areas where funds have been underutilized for various reasons,” ani House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay sa kabila ng alegasyon ni Lacson na nagkaroon ng last minute insertions ang mga kongresista sa 2020 national budget na umaabot sa P83.2 Billion.

Sinabi ni Cayetano na nakatutok sa sektor ng kalusugan, agrikultura at build-build-build program ang  2020 national budget na magpapaangat umano sa kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.

“2020 is a very symbolic year as it represents a perfect vision – a vision we share with President Duterte to provide a safe and comfortable life for all Filipinos. Now more than ever is the best time to push for reforms to see this goal through,” ayon pa kay Cayetano.

Sinabi ni Romualdez na inaasahang pipirmahan ni Duterte ang national budget sa susunod na 10 araw.

Read More

TAKE-OVER NG VILLAR SA WATER SERVICE SA METRO TINUTULAN SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINUTULAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa kumpanya ng mga Villar ang water service sa Metro Manila na hawak ngayon ng Manila Water at Maynilad dahil tiyak na lalong mapipiga umano ang mga consumers.

“Nationalization of water services ang solusyon dito, hindi transfer of control to his crony, not Villarization,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itake-over ng mga Villar ang water service sa Metro Manila.

Ang PrimeWater Infrastructure Corp., ay pag-aari ng kumpanya ng mag-asawang sina dating Senate President Manny Villar at Sen Cynthia Villar kung saan 63% na umano sa local water district ay hawak  ng mga ito.

“Nagrereklamo ang Pangulo sa palpak pero mahal na serbisyo, pero ang solusyon niya ay ibigay din sa isa pang pipiga ng sobra-sobrang tubo at, ayon sa mga ulat, palpak din,” ani Gaite.

“In San Pablo, the Water District Employees Association president reported that consumers now pay almost P1,200 per month, up from P400 before PrimeWater came in, but recently they have been experiencing extreme water shortage. Even the Commission on Audit flagged PrimeWater’s inefficiency,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, lalaban umano ang mga ito kapag ipinasa lang ni Duterte sa mga Villar  ang water service sa Metro Manila at iginiit na ibalik sa gobyerno ang pagpapatakbo sa nasabing serbisyo.

Noong 1997 ay ibinigay sa Manila Water at Maynila ang water service bilang bahagi ng privatization program ng gobyerno subalit pinagkakitaan lang umano ng mga nabanggit na kumpanya ang mga consumers, ayon kay Duterte.

“Talaga namang pinagkakitaan nila ng husto ang serbisyong ito. In just a matter of 22 years, Maynilad Water Services Inc. hiked the cost of water by 596 percent, and Manila Water Company by 970 percent, accumulating incomes reaching billions year in, year out,” ani Gaite.

Subalit kung ipapasa rin sa isa pang oligarch ang water service ay hindi aniya magkakaroon ng pagbabago.

Read More

MANILA WATER, MAYNILAD TABLADO SA KAMARA

maynilad1
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI maglalaan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso  ng kahit isang sentimo para pambayad sa Manila Water at Maynilad.

Ito ang tiniyak ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kasunod ng ipinanalong kaso ng dalawang water concessionaires sa Singapore Arbitration Tribunal na kailangan silang bayaran ng halos  P11 Billion dahil hindi sila pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magtaas ng singil mula noong 2015 hanggang 2017.

“Congress has the power of the purse. Not a single centavo of public funds will go to Manila Water and Maynilad for that arbitration decision without Congress approval,” pahayag ni Garbin.

Umaabot sa P7.4 Billion ang ipinababayad ng Singapore Arbitration Tribunal sa MWSS sa Manila Water habang P3.4 Billion naman sa Maynilad.

Hindi umano makatarungan para sa sambayanang Filipino na magbayad ang gobyerno para lang hindi mabawasan ang kita ng mga water concessionaires na ito.

Maliban dito, hindi umano dapat bayaran ang mga kumpanyang ito dahil hindi maayos ang kanilang serbisyo tulad ng pagkawala ng supply ng tubig gayung nakasaad sa kontrata na hindi dapat maputol ang kanilang serbisyo.

“Kung itong perang pinagtatalunan ay para lang sa kita ng pribadong  kumpanya   at   hindi para  sa   mapagtuunan  ng  pansin  ang   krisis   sa tubig, ano pang silbi nila sa sambayanang Pilipino?”ayon pa kay Garbin.

Gagamitin na lamang aniya ang perang ito para sa pagpapatayo ng maraming silid aralan upang maresolba na ang siksikan sa mga public schools.

Read More

SUPORTA SA KAMARA SA 4-DAY WORK WEEK MAS LUMAKAS

4-DAY WORK WEEK
0

(NI ABBY MENDOZA)

MAS lumakas pa ang panawagan sa Kamara sa pagpapatupad ng 4-day work week.

Naghain ng magkahiwalay na resolusyon at panukala sina Cavite Rep. Elpidio Barzaga at  CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera kung saan humingi ito ng suporta sa mga kapwa mambabatas na maiprayoridad ang pagtalakay dito dahil na rin sa maganda itong solusyon sa nararansang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Sa resolusyong inihain ni Barzaga ay hinihiling nito sa pribado at pampublikong sektor na ipatupad ang ‘4-day work week’ bilang experimental basis.

Iminungkahi ni Barzaga na gawing alas 7 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes ang oras ng trabaho ng mga kawani ng pamahalaan habang 10 oras mula Martes hanggang Biyernes na may kabuuang 40 oras pa rin sa mga pribadong kumpanya.

Giit ni Barzaga sabawat taon ay 16 na araw ang nasasayang ng mga Pilipino dahil sa traffic o katumbas ng P100,000 na pagkalugi at kabawasan sa productivity.

Ang Pililinas ay isa sa mga Asya na may pinakamatagal na paghihintay sa traffic na umaabot ng 66 minuto kumpara sa Singapore na nasa 30 minuto lamang.

Sa House Bill 5471 na inihain nh CIBAC  isinusulong ang alternative working arrangements tulad ng compressed work week depende sa mapagkakasunduan ng employer at employee.

Iaadjust ng employer ang oras ng trabaho ng kanilang mga empleyado kada linggo na hindi hihigit sa 48 oras at hindi maaapektuhan ang sahod at benepisyong natatanggap ng mga ito.

Sinabi ni Villanueva na ang ganitong paraan ang ginawa ng ibang mga bansa na napatunayang nakabawas sa trapiko at mas tumaas ang productivity ng mga empleyado kaya napapanahon na gawin na din ito sa bansa.

 

Read More

CHILD MARRIAGE SA PINAS IPAGBABAWAL NA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL parami nang parami ang mga batang nag-aasawa nang maaga, ipinanukala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad.

Sa House Bill (HB) 3899 o Girls Not Brides Act of 2019 na iniakda ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, sinabi nito na kailangan na ang batas para ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad.

Ginawa ng mambabatas ang panukala matapos maalarma sa report ng UNICEF noong 2017 na ang mga 15% sa mga batang Filipina ang nag-aasawa bago tumuntong sa edad na 18 anyos.

Bukod dito, 2% sa mga batang Pinay ay nag-aasawa pagtuntong ng mga ito sa edad 15 anyos gayong hindi pa handa ang mga ito sa responbilidad sa buhay may-asawa at magkaroon ng pamilya.

“More worrying is the fact that the country has the 12th highest absolute number of child bribes around the world which is estimated to be at 726,000,” pahayag ni Vargas sa kanyang panukala.

Marami umano sa mga batang nag-aasawa kahit wala pa sa edad ay natuklasan na idinadaan sa commercial sex at sex trafficking at maging sa tinagawag na mail-order bride industry.

Isinisi ito sa kahirapan na nararanasan ng mga batang ito at ng kanilang pamilya kaya maagang pinapasok ang pag-aasawa subalit kailangan upang mapigilan ito sa lalong madaling panahon.

Dahil dito, iminungkahi ni Vargas na tuluyang ipagbawal ang pagpapakasal sa mga menor de edad at sinumang ang magbabasbasan sa ganitong uri ng kasal ay paparusahan.

Nais ni Vargas na maideklara bilang “public crime” ang Child Marriage at ang parusa ay pag-uusapan pa sa Kongreso kung saan maging ang mga magulang ng mga batang ito na itinutulak ang mga anak  na mag-asawa ay magkakaroon na ng pananagutan sa batas.

Nilinawag ni Vargas na ang mga ganitong edad ay marami pang dapat matutunan sa buhay at dapat nag-aaral pa kaya kailangang protektahan at tulungan aniya ito ng estado.

 

Read More