DFA AAYUDA SA PINAY NA NASA DEATH ROW SA MALAYSIA

DAF12

INAALAM  ngayon ng Department of Foriegn Affairs (DFA) ang napaulat na isang Pinay overseas Filipino worker  (OFW) ang umano’y nakahanay sa parusang bitay dahil sa kasong may kinalaman umano sa drug trafficking.

Ayon sa DFA patuloy na nakikipag ugnayan sila sa mga   awroridad ng  Malaysia upang alamin ang kasong kinakaharap ng Pinay na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Gayunman, sinabi ng DFA na sakaling may mga ebidensyang makapagpapatunay na sangkot ang nasabing Pinay sa drug trafficking ay kanila pa rin tutulungan ng gobyerno.

Ngunit hayaan gumulong ang batas na ipinatutupad sa Malaysia.

Magugunitang napaulat nitong nakalipas na araw ang tungkol sa isang Pinay ang naharang sa airport ng Malaysia dahil sa umano’y nahulihan ito ng iligal na droga .

Batay sa datos ng DFA, hindi bababa sa 84 na Pilipino ang nakahanay sa Death  Row ng gobyerno ng Malaysia.

Please follow and like us:
Read More

P12-M SMUGGLED NA BIGAS, NASABAT NG NAVY SA BASILAN

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASABAT ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem) ng Philippine Navy ang isang shipment ng smuggled na bigas na nagkakahalaga ng P12 milyon sa karagatang sakop ng lalawigan ng Basilan.

Sa ulat ni Navforwem commander Rear Admiral Erick Kagaoan nitong Sabado, naispatan ng mga tauhan ng Naval Special Operation Unit 6 (NAVSOU6) sa ilalim ng Naval Tak Force 61, habang nagsasagawa ng maritime security patrol ang wooden-hulled, Indah Jehan sa  Lampinigan Island sa Basilan, nitong Biyernes.

Nabatid na walang maipakitang kaukulang mga dokumento ng importasyon ang 10 crew ng barko na galing sa Labuan, Sabah, Malaysia at patungo ng Zamboanga City, lulan ang 10,000 sako ng mga smuggled na bigas.

Iti-turnover ng Philippine Navy ang nahuling mga smuggled na bigas sa Bureau of Customs matapos dalhin ang M/V Indah Jehan sa pantalan ng Ensign Majini sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboang City para sa kaukulang dokumentasyon.

Ang pagkasakote sa  mga smuggled na bigas ay resulta umano ng pinaigting na focused maritime patrol ng Philippine Navy bilang suporta sa operasyon ng AFP-Western Mindanao Command.

Please follow and like us:
Read More

9 BIHAG WALANG PANG-RANSOM PINALAYA NG SAYYAF

abusayyaf

(NI JESSE KABEL)

DAHIL walang makukuhang ransom, pinawalan ng mga hinihinalang bandidong Abu Sayyaf ang siyam na mangingisdang   Badjao na kanilang dinukot sa karagatang sakop ng Sabah, Malaysia noong Hunyo 18.

Ito ang ulat na nakalap ng military at kapulisan nitong Sabado, kaugnay sa pagpapalaya  sa mga katutubong Badjao nitong Biyernes ng gabi sa isang lugar sa Talipao, Sulu .

Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Talipao police chief P/ Maj. Napoleon Lango, natiyempuhan ng kanyang mga tauhan ang siyam na kalalakihan sa Baragay Kahawa Village kung saan hinihinalang inabandona ng ASG ang mga bihag na mangingisda.

Nabatid na nilapitan ng grupo ang mga pulis at sinalaysay na sila ay mga mangingisda na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa karagatang sakop ng Lahad Datu at puwersahang isinakay sa dalawang motorized  pump boat.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, na pinawalan sila ng mga bumihag dahil wala silang pera na pambayad ng hinihinging ransom.

Agad ding isinailalim ang mga biktima sa medical examination at dagdag na pagsisiyasat sa Sulu Provincial Police Office.

Magugunitang matapos pumutok ang  balitang pagdukot sa siyam na mangingisda sa bahagi ng Malaysia ay inalarma na ni AFP chief of Staff Gen Benjamin Madrigal Jr ang puwersa military, partikular sa Tawi Tawi sa posibilidad na ipasa ng mga kidnappers sa mga bandidong ASG ang kanilang bihag para sila ang magpatubos.

Bagamant hindi pa batid kung mga Filipino  o Malaysian ang mga sinasabing binihag kaya patuloy na bineberipika ng military ang kanilang nationalities.

Please follow and like us:
Read More

PINOY ASG, 5 ISIS NA ASYANO NASAKOTE SA MALAYSIA

malaysia1

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang isang Filipino na pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Malaysia dahil sa suspetsa  na kasama ito sa planong pagpapasabog sa nasabing bansa.

Kasalukuyan ngayong nakadetine sa hindi binanggit na lugar ang hindi pinangalanang Pinoy terrorist na edad 21-anyos bilang bahagi ng security measures ng Malaysian Police.

Kasama ng Abu Sayyaf member ang limang iba pang dayuhan sa mga inaresto sa hinala nang planong pagpapasabog; dalawang Malaysian at tatlong banyaga mula sa Singapore, Bangladesh, at isang South Asian country.

Ang 21-anyos na terorista ay kasama sa  raid sa eastern state ng Sabah, kung saan nagtrabaho siyang laborer.

Pinaniniwalaang mayroon siyang koneksyon sa Abu Sayyaf leader na si Furuji Indama.

Ang Malaysia ay nasa estado ng high alert simula nang ilang mananandatang kaalyado ng  Islamic State (IS) ang nagsagawa  ng serye ng pag-atake sa Jakarta, Indonesia noong Enero 2016.

Sa isa namang pagpapasabog noong June 2016 sa capitol Kuala Lumpur, Malaysia kung saan walo tao ang nasugatan.

Please follow and like us:
Read More