HAMON SA MANILA WATER, MAYNILAD AT MWSS: BAGONG DEAL ILANTAD KUNG PATAS

Rep Arlene Brosas-3
0

KAILANGANG isapubliko ng Malacañang ang bagong water concession contract na binuo ng mga legal adviser at economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito ilatag sa Maynilad at Manila Water.

Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Aniya, kailangang mabusisi muna ng publiko kung patas ang bagong water concession contract bago ito ilarga upang masiguro na hindi muling maiisahan ng mga water concessionaire ang mga consumer.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil nabuo na umano ang bagong kontrata subalit hindi pa ito isinasapubliko ng Palasyo hanggang ngayon kaya walang ideya ang publiko kung ano ang nilalaman nito.

“Why is the President keeping the details of the alleged new water deals out of public’s sight? And more importantly, why is Duterte so compromising in his stand this time instead of fully renationalizing the water services, which is first and foremost a public utility?,” tanong ni Brosas.

“Hindi pwedeng bago ang kontrata pero pribatisado pa rin at ginagawang negosyo ang serbisyo sa tubig,” dagdag pa ng mambabatas kaya umapela ito sa Office of the Solicitor General (OSG) na isapubliko na ang bagong kontrata.

Kailangang isali na aniya ang publiko sa pagbusisi sa bagong kontrata sa tubig upang maproteksyunan ang kanilang interes at hindi na umano maulit na pinagkakakitaan lamang sila ng mga water concessionaire.

Ayon sa Malacañang, inalis ang mga “onerous privision” sa bagong water concession contract na kailangang tanggapin umano ng Manila Water at Maynilad dahil kung hindi ay babawiin ng gobyerno ang water distribution services sa kanila.

Ang grupo ni Brosas ay nais maibalik na sa kontrol ng gobyerno ang water service dahil pinagkakitaan lamang umano ito ng mga water concessionaire sa mahabang panahon. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

BANTA NG WATER CONCESSIONAIRES, TOTAL BLACKMAIL — SOLON

MANILA WATER-6.jpg
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

“TOTAL blackmail.”

Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang banta na posibleng magkaroon ng 100% water price hikes kasunod ng pagbawi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa extension ng kanilang concessionaire agreement.

“Again this is another total blackmail. Panawagan natin sa pamahalan na huwag hayaang parang hinohostage ng mga water concessionaires ang gobyerno at mga consumers,” ani Zarate.

Unang sinabi ni Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez sa joint hearing ng House committee on public accountability at committee on good government na  malaki ang epekto ng pagbawi  ng MWSS sa  15 years extension sa kanilang concession agreement.

“Maraming factors ang kailangan i-compute… It’s definitely more than 100%,” ani Fernandez na sinusugan naman ni Manila Water board member Antonio Aquino.

Subalit, ayon kay Zarate, hindi dapat magpadala ang gobyerno sa pamba-blackmail ng mga water concesionaires na ito at ituloy ang pagbawi sa concession agreement.

Unang ‘namblackmail” umano ang mga ito nang magbanta ang mga ito na magtataas ng singil sa tubig kapag hindi binawi ng Korte Suprema ang P2 billion na  multang ipinataw sa mga ito dahil sa paglabag ng mga ito sa environmental law.

2 YRS TANSITION PERIOD SIMULAN NA

Samantala, dahil hanggang 2022 na lamang ang concession agreement matapos bawiin ng MWSS ang 15 yrs, extension ng Maynilad at Manila Water, sinabi ni Zarate na dapat simulan na ang transition period.

Sinabi ng mambabatas na kung seryoso talaga ang gobyerno sa pagbawi sa concession agreement ay dapat simulan na ang paghahanda upang maibalik na sa kontrol ng  MWSS ang water service.

Ginawa ni Zarate ang nasabing pahayag dahil unang inamin ng MWSS na hindi nila kayang patakbuhin ang water service na wala ang Manila Water at Maynilad dahil kung ang mga ito ng tauhan.

“Kung gusto marami paraan pero kung ayaw marami silang dahilan, ika  nga nila,” ani Zarate kaya ngayon pa lamang aniya ay dapat kumuha ng mga tao ang MWSS.

Read More

PROBLEMA SA TUBIG, POSIBLENG LUMALA  

water12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NABABAHALA si Senador Grace Poe sa posibilidad na tumindi pa ang problema sa suplay ng tubig kasunod ng pagrevoke sa extension ng kontrata ng mga water concessionaires na Maynilad at Manila Water Co.

Ayon kay Poe, kung tuluyan nang makakansela ang kontrata ng mga concessionaire, posibleng matigil ang lahat ng mga proyekto nito o isara rin ang kanilang mga pasilidad.

“Ako pinakanababahala ako ngayon ay ang pag-revoke ng extension contract dahil kung ‘yun ang mangyayari, alam mo kahit magpatayo tayo ng Wawa Dam, ‘yung treatment facilities n’yan, at saka ‘yung conveyance, ‘yung pagdi-distribute ng tubig sa mga household, sa mga businesses, kapag hindi itinuloy ang pagpapagawa ng mga ‘yan kahit na may Wawa Dam ka na, kapag itinigil ngayon ‘yung distribution process, mawawalan tayo ng tubig, ngayon na ire-revoke ‘yan,” saad ni Poe.

Dahil dito, ang mahalaga anya ngayon ay linawin kung kailangan ng renegosasyon para sa kontrata o dapat na itong ipa-bid at kung sakali ay dapat alamin kailan ito matatapos.

“Ang sabi kasi ng MWSS ni-revoke na nila, ‘yung extension. So wala na hanggang 2022 na lang. So pagdating ng 2022 kung hindi sila ma-extend beyond 2022, lahat ng project nila in the pipeline matitigil. So dapat malaman natin for sure kelan matatapos ang either renegotiation which I don’t think it is because they say it’s been revoked,” dagdag ni Poe.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Services, lumitaw na ngayon (December 11) lamang din natanggap ng dalawang kumpamya ang notice of revocation.

“And by the way, ngayong araw lang natanggap ng dalawang concessionaire ang notice. So they are not necessary agreed yet with the revocation order. They would like to have the time to be able to present also their side,” kumpirmasyon ni Poe.

Kinumpirma naman sa pagdinig ni MWSS Administrator Emmanuel Salamat na nagsasagawa na rin sila ng muling negosasyon upang hindi maputol ang serbisyo ng tubig.

“With that Ma’am, consistent to the instruction of the President, that will pave the way for renegotiation with the concessionaires,” saad ni Salamat.

Ang kontrata ng dalawang kumpanya ay dapat na hanggang 2022 lamang subalit inextend ito hanggang 2037 ng Arroyo Administration.

Read More

MWSS UMAMIN NA ‘DI KAYANG PATAKBUHIN ANG WATER SERVICE

mwss55
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAMIN ng Metropolitan Waterways Sewerage System (MWSS) na  hindi nila kayang patakbuhin ang water service kapag tuluyan inatsapuwera ng gobyerno ang Manila Water at Maynilad sa industriya ng tubig.

Kasabay nito, nitong Miyerkules lamang pormal na nalaman  ng Manila Water at Maynilad na kinansela na ng MWSS ang extension ng kanilang concession agreement.

“The new board, based on the directive of the President and the Cabinet meeting, this was discussed, they are now revoking (ang concession agreement),” ani MWSS Deputy Administrator for Engineering Leonor Cleofas sa pagharap nito sa nasabing committee hearing.

Nangangalugah na hanggang 2022 na lamang ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad sa MWSS tulad ng orihinal na kasunduan simula noong 1997 na isapribado ng gobyerno ang water service.

“It is not proper to unilaterally revoke the agreement, ” ani Maynilad president at ceo Ramoncito Fernandez na umamin kasama si Tiny Aquino ng Manila Water na hindi nila ito nalaman agad bagama’t noong Disyembre 5 pa binawi ng MWSS ang kanilang concession agreement.

Inamin din ni Cleofas na hindi kaya ng MWSS patakbuhin ang water service kapag tuluyang nawala ang dalawang nabanggit na water concessionaires sa industriya.

“Sa ngayon po, napakaliit ng aming empleyado. Mahigit 100 lang po. Sa ngayon, kung existing resources, di kaya,” pag-amin ni Cleofas sa mga kongresista partikular na kay Defensor.

Subalit ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, hindi ito naniniwala na hindi kakayanin ng MWSS ang pagpapatakbo sa water service kung ang problema lang naman ng mga ito ay mga kakulangan ng mga tauhan.

Ayon kay Zarate, maaaring kumuha ng mga bagong empleyado ang MWSS  na eksperto sa nasabing serbisyo dahil hindi maaaring matigil ang nasabing serbisyo kahit mawala na ang Maynilad at Manila Water.

 

Read More

MANILA WATER KUMITA NG P6.5 BILLION NOONG 2017 – SOLON

manila12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI nalugi bagkus ay kumita pa ang Manila Water ng P6.5 bilyon noong 2017.

Ito ang nabatid kay  Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr., kaya nais nitong paimbestigahan ang concession agreement sa pagitan ng Manila Water at Maynilad sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Magugunita noong Nobyembre 29, ay nagbaba ng desisyon ang Singapore Arbitration Tribunal na nag-aatas sa MWSS na bayaran ng P7.4 Billion ang Manila Water dahil nalugi umano ang nasabing concessionaire nang hindi sila payagan na magtaas ng singil sa tubig noong 2015 hanggang 2017.

“Manila Water is claiming P7.39 billion in supposed losses suffered by Manila Water despite the fact that according to them, it posed a gross income of P6.5 billion, (or) a net income increase of six percent from the previous year,” ani Barzaga sa kanyang House Resolution (HR) 572.

Maging ang Maynilad ay kumita umano at nagreport ng net income na  P7.3 billion  noong 2018 na mas mataas sa P6.8 billion na kinita nito noong 2017 kaya hindi matanggap ni Barzaga na nalugi ang mga ito dahil hindi sila pinayagang magtaas ng singil.

Ganito rin ang posisyon ng mga kinatawan ng Bayan Muna party-list na naghain ng hiwala ng resolusyon para muling busisiin ang concecession agreement dahil dehadong dehado aniya dito ang mga consumers.

Ayon kina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, panahon na umano para tuluyang bawiin ang concession agreement dahil mula noong makuha ng dalawang kumpanya ang water service noong 1997 ay pawang tubo umano ang kanilang inatupag at hindi inayos ang kanilang serbisyo.

Patunay dito ang water interruption na nakarasan ng mamamayan noong Marso 2019 na ayon kay Gaite ay hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ang mga ito sa Pasig City ng kakulangan ng supply.

Maliban sa bilyones na kita ng Manila Water at Maynilad ay dapat din umanong matigil na ang kalakaran ng mga kumpanyang ito na ipinapasa sa taumbayan ang kanilang obligasyon sa buwis.

Read More

ATRASO NG MANILA WATER PAPASANIN NG CONSUMERS?

manila water
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

LALONG tataas ang bayarin sa tubig ng mga customer ng Manila Water kapag naipatupad ang P7.4 Billion na naipanalong kaso ng nasabing water concessionaires sa Singapore Arbitration Panel.

Dahil dito, lalong gigil sina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Bayan Muna chair Neri Colmenares na muling rebyuhin ang concession agreement sa gobyerno ng mga water concessionaire.

Ayon sa dalawa, nagdemanda ang Manila Water sa Singapore Artibration Panel matapos hindi payagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga ito na magtaas ng singil noong 2015.

Nanalo umano ang Manila Water sa kaso at inaatasan ang MWSS na bayaran ang mga ito ng P7.4 billion bilang “guaranteed profit” na nakapaloob sa kanilang concession agreement.

“This decision is a mockery  and an insult to  Filipino consumers. It nonetheless exposes the tragedy and lunacy of privatization that  then, but more so now is being aggressively pushed by the capitalist-controlled government,” ani Zarate.

Walang ibang magdurusa umano sa naipanalong kaso ng Manila Water kundi ang kanilang mga customers dahil sa kanila babawiin ang nasabing halaga kaya dapat anilang rebyuhin ang concession agreement.

“The concession agreement guaranteed the rate of return of the concessionaires and if their profit target is not achieved because MWSS will not allow unjust rate increases, consumers will still have to pay for it as the recent Singaporean panel decided,” ani Zarate.

Sinabi naman ni Colmenares na hindi ito makatarungan dahil kapag ang Manila Water ang nagkakaatraso sa kanilang mga customer ay hirap na hirap silang pagbayarin.

Magugunita na nagdusa ang mga customer ng Manila Water noong Marso 2019 matapos magbawas ang mga ito ng supply ng tubig na naging dahilan para pagmultahin ang mga ito.

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam22
0

(NI KIKO CUETO)

PATULOY ang pagbagsak ng lebel ng tubig sa mga pinagkukuhanan ng mga water concessionaires sa Metro Manila.

Ang Angat Dam, pangunahing pinagkukunan ng Manila Water at Maynilad, ay muling nabawasan ng supply matapos bumaba ang lebel nito.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, naitala ang water level sa Angat dam sa 186.77 meters. Mas mababa ito ng 0.08 meters kumpara noong Linggo, October 20, na nasa 186.85 meters.

Bumaba rin ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na nakapagtala ng 77.60 meters, mula sa 77.67 meters noong Linggo. Nabawasan ito ng 0.07 meters.

Nauna nang naghayag ang Manila Water at Maynilad sa kanilang mga customer na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mabilis na bumababa ang water level ng dam.

Sinabi rin ng water concessionaires na napipilitan silang magpatupad ng rotating water service interruptions dahil sa nababawasang water supply.

 

Read More

TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA MULI

angatdam12
0

(NI DAHLIA S. ANIN)

PATULOY sa pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam, kaya namimintong magpatupad na naman ng water service interruptions sa Metro Manila, ayon sa Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Mula 191 meters noong Setyembre ay bumaba na naman ito sa 187.28 meters, ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr.

Sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig ay ibinaba sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila na dati ay nasa 46 cubic meters per second.

“Kailangan po nating paghandaan kung sakaling magkakaroon ng kabawasan sa pag-ulan. May posibilidad pong magkaroon ng kabawasan sa serbisyo ng mga konsesyonaryo kasi nga po hindi normal ang alokasyon,” ani Sevillo sa isang panayam sa radyo.

Naglabas na ng skedyul ng water interruption sa kanilang mga nasasakupan ang Maynilad Water Services Inc. at Manila Water sa kanilang mga official facebook account.

Read More

MWSS, MANILA WATER KINASTIGO SA SENADO

MANILA WATER-6.jpg
0

(NI NOEL ABUEL)

BINATIKOS ni Senador Koko Pimentel ang banta ng Manila Water Co. na ipapasa nito sa kanilang consumers ang ipinataw na multa ng Korte Suprema.

Sinabi ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel lll na hindi makatwiran na ipataw ng nasabing water concessionaire ang 780 percent increase sa water rates.

“Passing on to consumers the fines is not only unfair but also utterly baseless. Napakalaking halaga para sa ating mga kababayan ang dagdag na P26.70 per cubic meter sa kanilang water bill. Hirap na nga, papahirapan pa nila,” giit ni Pimentel.

Magugunitang noong nakalipas na Sabado nang maglabas ng pahayag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na naayon sa pinasok nitong Manila Water’s concession agreement na ipapasa sa consumers nito ang anumang multa.

“Hindi naman pwede na ang publiko ang magbayad sa kanilang environmental violations. It must be noted that consumers already suffered from the month-long water interruption last June,” sabi ng senador.

Aniya, dapat na batid ng naturang private stock owners na ang pagnenegosyo nito sa bansa ay may kaakibat na suliranin.

“Less or no profit for them this time. Their profits are not guaranteed by their customers. They must run their businesses professionally, ethically, and lawfully,” ayon pa kay Pimentel.

Read More