KULANG NA SUPORTA SA MGA GURO, UGAT NG PANGUNGULELAT NG PHL

guro33
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

AMINADO si Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao na ang kakulangan ng suporta sa mga guro ang posibleng isa sa dahilan kaya’t nangungulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa English, Math at Science.

Sinabi ni Pacquiao na dapat suportahan ang mga guro upang makapagbigay sila ng de kalidad na edukasyon sa mga estudyante.

“‘Yung teachers natin kailangan gastusan natin, suportahan natin para magkaroon sila ng seminar during bakasyon ng mga bata. Kaso lang may mga gagastusin yan so siguro gastusan ng gobyerno yan,” saad ni Pacquiao.

Kabilang din anIya sa posibleng gawin ay ang limitahan ang bilang ng mga estudyante sa bawat klase upang mas makapagpokus ang mga guro at estudyante sa kanilang aralin.

“Problema kasi dito sa atin, dapat sa classroom nasa 30-32 students lang, nangyayari ngayon nasa 60-100 hindi na kaya ng isang teacher na turuan lahat. Siguro the more na kokonti ang mga estudyante the more na matututo sila,” paliwanag pa ng senador.

Aminado naman ang mambabatas na malaki rin ang kakulangan ng bansa sa mga silid-aralan na dapat anyang solusyunan ng gobyerno.

 

Read More

LIBU-LIBONG TRABAHADOR, IKUNSIDERA SA ABS-CBN FRANCHISE — PACQUIAO

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MISTULANG hinikayat ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang pamahalaan na pag-aralang mabuti ang pagharang sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Sinabi ni Pacquiao na maraming dapat ikunsidera lalo na ang libu-libong manggagawa na mawawalan ng trabaho.

“Aaralin nating mabuti ‘yan kasi marami ring ikunsidera na mawawalan ng trabaho,” saad ni Pacquiao.

Kailangan aniya munang mapatunayan na may paglabag ang kumpanya bago ito ipasara pero kung hindi naman nararapat ay irerekomenda niya sa Pangulo na pag-isipang mabuti ang hakbangin.

“Pag-aralan nating mabuti kung kailangang ipasara, isara. Kung hindi naman nararapat, we can suggest to the President,” dagdag ni Pacman.

Aminado ang senador na kailangang timbangin ang lahat ng mga bagay lalo ang kapakanan ng mas nakararami.

“Kaya nga timbangin nating lahat. Ikunsidera rin na ilang libong tao ang mawawalan ng trabaho,”diin pa nito.

Read More

PACMAN KAY FAELDON: MAG-LEAVE KA MUNA!

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINAYUHAN ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na mag-leave muna sa gitna ng panibagong kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan, bilang pagrespeto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The President is unnecessarily dragged into this whole mess being the appointing authority. If Usec Faeldon truly respects the president, he must do the right thing. I’m pretty sure everything will work out for him in the end,” saad ni Pacquiao.

Nilinaw naman ng senador na naniniwala pa rin siya sa integridad at katapatan ni Faeldon dahil sa isyu ng muntik na pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, dapat anyang ibigay ng opisyal ang kanyang atensyon sa mga imbestigasyon ng Senado at Kamara.

Dapat umanong ipakita ni Faeldon na handa siyang makipagtulungan upang matukoy ang katotohanan sa isyu.

“He can spare the President and this administration from embarrassment by taking a leave of absence. It is temporary anyway and he can easily go back to the BuCor or in any other government position once this issue has been fully clarified,” diin ni Pacman.

Kasabay nito, tinawag ni Pacquiao na kwentong barbero pa lamang ang sinasabing GCTA for sale dahil wala pang malinaw na ebidensya hinggil dito.

“Sa ngayon, kwentong barbero lang yang GCTA-for-sale na sinasabi nila dahil wala pa naman silang maipakitang ebidensya,” diin ni Pacquiao.

“This GCTA Law should be reviewed and should only cover petty crimes. On the other hand, this controversy should already serve as a wake-up call for Congress to finally approved the re-imposition of death penalty on certain heinous crimes,” dagdag ng senador.

Read More

ROACH SA PACQUIAO VS SPENCE, CRAWFORD:  MABIGAT NA LABAN

pac77
0

(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LOS ANGELES – MATAPOS ang umaatikabong pakikipagsagupa kay Keith Thurman noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila) sa Las Vegas, kung saan nanaig si Manny Pacquiao ng split decision, bukod pa sa naagaw nito ang pagiging ‘super champion’ ng WBA welterweight division mula kay Thurman, wala pang plano hinggil sa susunod na laban.

At para kay training consultant at Hall of Fame trainer Freddie Roach, bagama’t nakikita niyang marami pang laman ang tangke ni Pacquiao, kinakailangan nitong maghinay-hinay  sa pagtanggap ng susunod na kalaban.

Ayon kay Roach, mabigat na laban para sa 40-anyos na si Pacquiao sakaling ikasa ito sinuman kina Errol Spence at Terrence Crawford.

“Yes, I feel he does but the thing is those are really, really hard fights…We have nobody in mind right now. We know those guys are out there, yes. And we know we want to be the best in this division, and we’re not just fighting for fun, you know? So if like Mayweather comes around, great. But if he doesn’t, Spence, ‘Bud’ Crawford, those guys, I mean young guys doing really well and very, very tough fights. But we have to really, really sit down, everything settles, and make a good decision of who’s next,” komento ni Roach.

Kaugnay ng naging performance ni Pacquiao kay Thurman, sinabi ni Roach na nasiyahan siya at ipinakita lamang umano ng Pambansang Kamao na kaya pa nitong makipagsabayan kahit sa mas batang kalaban.

“Overall I’m happy with the performance. He did very well. The thing is, I even said this could be a great happy ending because this was a great fight. The thing is right now I say that because we don’t know what’s next, who we’re gonna fight next and so forth — we just need to sit down, lay back a little while, and make a good decision with our minds on correctly,” pahayag ni Roach.

Dagdag pa niya: “I thought he did very well, I thought he fought a great fight, he showed a lot of heart in the fight but the thing is I don’t want to see Manny ever hurt in a fight either. And he got hit a little bit too much in this fight but the thing is his defense was just off a little bit and his opponent gave him some problems when he was turning southpaw and so forth. But overall it was a good fight.”

ELLERBE, ‘DI RIN PABOR

Maging si Leonard Ellerbe, CEO ng Mayweather Promotions, ay hindi pabor na pagharapin sina Pacquiao at Spence at hindi rin aniya ito irerekomenda sa Fighting Senator.

“I wouldn’t do it,” wika ni Ellerbe sa panayam ng boxingscene.com. “I’m just saying, if it was me – sometimes you can just push the envelope too far. Spence is a huge welterweight, who’s in his prime, different kind of skill set, can punch with either hand. But Manny Pacquiao’s the kind of dude, he want that work. You’ve got to reel him back. … I would say no, don’t do that. That’s me, because I care about the guy. That’s a rough fight.”

Ang kompanya ni Ellerbe, Premier Boxing Champions, ang co-promoter ng Pacquiao-Thurman fight.

Read More

PHL BOXING COMMISSION ACT, ISINUSULONG PARA KAY PACMAN

pacman88
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL naibigay na lahat ng parangal na dapat ibigay kay Sen. Manny Pacquiao, isinusulong ng kanyang mga supporters sa Kamara ang pagpapatibay sa isang batas na magbibigay magkilala sa Pambansang Kamao.

The best way Congress and the Executive Branch can now honor not just Manny Pacquiao, but all those boxers who honor him, is to enact into law and implement effectively the Philippine Boxing Commission Act,” ani 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero ukol sa kanyang House Bill 8883 na inakda Romero.

Ginawa ni Romero ang pahayag matapos manalo sa pamamagitan ng split decision si Pacquiao laban sa mas bata at matangkad na si American boxer Keith “One Time” Thurman sa kanilang laban kahapon sa Las Vegas.

“Long after the accolades and applause, this piece of legislation will honor what Manny represents: the indomitable spirit of the Filipino winning over adversities by sheer will and ability,” ani Romero.

Sinabi naman ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na muling napasaya ni Pacquiao ang sambayanang Filipino sa kanyang bagong tagumpay na nakamit dahil sa pagsisikap, disiplina at dedikasyon sa kanyang ginagawa.

“With Senator Manny’s win, our nation is definitely happy to see him more in the boxing arena. Win or lose, the Filipino people will always be behind him. Win or lose, he will always be an inspiration to all of us,” ani Nograles.

 

Read More

JIMUEL AT MICHAEL: DAD BY KNOCKOUT

jinkee44
0

(TEKSTO/PHOTO BY VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

KUMPLETO ang pamilya ni Pacquiao sa weigh-in. Naroon ang maybahay na si Jinkee at mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess at Queennie. Maging ang inang si Mommy Dionisia ay naroon din upang bigyang-suporta ang Fighting Senator.

Hindi nagbigay ng prediksyon sa laban si Jinkee.

“Hindi naman talaga ako nagbibigay ng prediksiyon,” nakangiting sabi ni Jinkee. “Nakita ko naman relax si Manny, kaya relax lang din ako.”

Habang si Jimuel ay: “Dad by late round stoppage.”

Knockout naman sa kalagitnaan ng 12-round bout ang nakikita ni Michael: “I think mid rounds.”

Tahimik naman si Mommy Dionisia sa kinauupuan habang mayhawak na rosario at nagdarasal.

Read More

EDAD 40 KONTRA EDAD 30

0

(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

SA pag-akyat ni Pacquiao (61-7-2, 39 knockouts) sa ring ngayon, ika-71 laban na niya ito. Muli ring lalabanan ng Pambansang Kamao ang kanyang edad na 40, upang ipakita sa lahat na may Natitira pa sa kanyang tangke.

Ito ang ikalawang pagsabak ni Pacquiao sa Amerika, matapos ang dalawang taon. Siya ay bumalik noong Enero at tinalo si Adrien Broner.

“Gusto kong ipakita sa lahat na kahit 40 na ako ay magagawa ko pa rin ang ginagawa ko dati,” lahad ni Pacquiao.

Ito rin ang ikalawang laban ng 30-anyos na si Thurman, makaraan ang dalawang taong pagliban sanhi ng injury.

Noong Enero ay tinalo ni Thurman si Josesito Lopez, kung saan nakitaan si Thurman ng pangangalawang, pero naitakbo pa rin ang panalo.

“This is a once in a lifetime opportunity to destroy a legend,” wika ni Thurman.

 

Read More

DEPENSA NI PACQUIAO PAPASUKIN NI THURMAN

pacman1
0

(Ni VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LAS VEGAS – May nakita si Keith ‘One Time’ Thurman na kahinaan ni eight division world champion Manny Pacquiao: depensa.Sa final press conference para sa kanilang 12-round WBA welterweight championship match sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena rito, muling iniyabang ni Thurman (29-0, 22KOs) na kaya niyang patulugin ang Pambansang Kamao, dahil hindi umano nito kaya ang kanyang lakas.

“When he fought (Adrien) Broner, man, he didn’t feel the pain, that’s because his opponent is didn’t throw any punch. But against me? Man, can he take my power punch? I doubt,” panimula ni Thurman.Ayon kay Thurman, pinag-aralan niyang mabuti ang galaw ni Pacquiao, at nakita niya ang kahinaan nito sa depensa, na siya niyang balak pasukin.

“He’s an easy target man, I tell you, this fight is going to be like hell, one thing that I don’t admire about him is his lacking in defense and that’s to my advantage,” komento pa ni Thurman.

You are not gonna want to miss this fight, especially because it’s about to be this man’s last fight. My prediction is I’m going for the knockout. I wanna hit him big, I wanna hit him hard,” litanya pa ni Thurman, na huling sumabak noong Enero at tinalo si Josesito Lopez.

“Saturday is gonna be one hell of a night, and don’t be surprised if Manny goes nite-nite,” dagdag pa ng 30-year old native ng Clearwater, Florida, na kumpiyansang patutulugin niya si Pacquiao.

 

Read More

PARA ‘DI MAWALA SA POKUS; PACQUIAO IWAS-GIGIL

0

 

(NI VIRGI ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY WENDELL ALINEA)

 

HOLLYWOOD — PABABA na ang ensayo ni Manny Pacquiao bilang preparasyon sa laban kay Kieth Thurman, isang linggo na lang mula ngayon na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ayon kay chief trainer at Polangui, Albay vice-mayor Buboy Fernandez, wala nang kulang sa kanilang preparasyon at tanging ang mismong araw na lang ng laban ang hihintayin.

Mayroon lamang paulit-ulit na ipinapaalala si Fernandez kay Pacquiao: Iwasang manggigil.

Sinabi ni Fernandez, na maraming sinasabi si Thurman na ikinaiirita ni Pacquiao at ayaw nilang dadalhin ng 40-anyos na Fighting Senator ang pagkainis sa ibabaw ng ring, dahil makaaapekto iyon sa pokus at fight plan.

“Lagi namin siya nireremind na i-maintain lang ‘yung ginagawa niya sa training, ‘wag intindihin ung mga sinasabi ni Thurman,” panimula ni Fernandez. “Sabi ko sa kanya, turuan mo kung paano rumespeto sa isang senador at sa isang legend.”

“Kasi kung ipasok niya sa isip niya ung mga sinasabi ni Thurman, may tendency na manggigil, mawawala ang pokus, mawawala sa game plan,” dagdag pa ni Fernandez. “Mind game lang ‘yun.”

“Ayaw na rin natin maulit ung mga nangyari sa nakaraan kapag nanggigigil siya, tapos biglang papasok ‘yung kalaban, baka masingitan,” komento pa ni Fernandez. “Mahirap kasi, baka pag tinamaan niya si Thurman, mawala na sa pokus at manggigil para tapusin ang laban, minsan doon nagkakaroon ng disgrasya.”

Ang tinutukoy ni Fernandez ay ang nangyari sa laban ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez (Part 4), kung saan matapos bugbugin ang Mexican, nanggigil ang Pambansang Kamao at inapurang patulugin si Marquez, subalit, nakasingit ng suntok si Marquez, resulta: bagsak si Pacquiao.

Ang gigil ni Pacqiao kay Marquez noon ay bunga ng mga sinabi ng Mexican legend, gaya ng dinaya siya sa ikatlo nilang laban.

Naniniwala rin si Fernandez, na kung lalaban ng pukpukan si Thurman ay maagang matatapos ang laban.

“Pag hindi tumakbo si Thurman, pag nakipagpukpukan siya kay Manny, maaga tayong uuwi,” lahad pa ni Fernandez.

May 6 rounds sparring pa si Pacquiao sa Sabado at apat sa Lunes, bago bumiyahe papuntang Las Vegas.

 

Read More