PANELO SA AMNESTY INT’L: WAG PURO DADA, KASUHAN N’YO!

panelo 32

(NI BETH JULIAN)

HINAMON ng Malacanang ang Amnesty International na magsampa ng kaso laban sa alegasyon nito na pang-aabuso umano ng ilang pulis sa anti-drug operation.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pahayag matapos sabihin ng Amnesty International na patuloy na nilalabag ng mga pulis ang karapatan pantao.

Ayon kay Panelo, ang problema sa grupong ito ay panay lang ang pagpuna sa mga opisyal at tauhan ng PNP pero wala naman nagsasampa ng kaso.

Katwiran ni Panelo, walang mailabas na tamang basehan ang mga ito at ebidensya kaya puro puna lang ang ginagawa.

Giit pa ni Panelo na naghahanap lamang ng ibubutas sa kasalukuyang administrasyon ang nasabing grupo subalit hindi naman nagtatagumpay.

Please follow and like us:
Read More

NEW INTERNAL CLEANSING PROGRAM NG PNP IPINATUPAD

pnp55

(NI NICK ECHEVARRIA)

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang “New Internal Cleansing Progam” nito  sa isang restorative approach na magpapatino sa mga pasaway na pulis , Martes ng umaga.

Nakatuon ito sa mahigit 13,000 mga pulis na nakasuhan na ng PNP simula 2016 na pwede pang mabago ang buhay, partikular yaong mga nag-viral sa social media na hahatiin sa isang “squad concept” na may 6-8 miyembro na kabibilangan ng mga religious sector, stakeholder at  pamilya ng mga ito.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, kakaiba ito sa values formation na nauna nang ginawa dahil mas intimate at personal ang gagamitin nilang atake para baguhin ang pag-uugali ng isang pasaway na pulis sa pamamagitan ng kanilang squad leader mula sa religios sector.

Ayon kay Albayalde, masyadong malaki ang organisasyon ng PNP, kaya hahatiin nila ang mga ito sa mas maliit na konsepto ng grupo para maging mas magaan ang supervision ng  mga tatayong squad leader sa kanilang mga miyembro.

Idinagdag pa ni Albayalde na kung dating inililipat lamang sa Mindanao ang mga  pasaway na pulis pagkatapos kastiguhin, ngayon kahit mga minor at misdemeanor ay hindi na sila palalampasin ng PNP at tutuluyan na silang kasuhan kahit ipinatapon na.

Binigyang diin naman ni Albayalde na para lamang ito sa mga pulis na may pag-asa pang magbago habang ang mga na-dismiss na sa serbisyo ay wala na sa kanilang jurisdiction.

 

Please follow and like us:
Read More

CHR PROBE SA BATANG ‘HUMAN SHIELD’, OK SA PNP

chr33

(NI NICK ECHEVARRIA)

BUKAS ang Philippine National Police (PNP) sa panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) na masusing imbestigahan ang naging ‘collateral damage’ nang madugong anti-drug operations sa Rodriguez, Rizal kamakailan.

Ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, makatutulong sa kanila ang anumang imbestigasyon para matukoy ang tunay na pangyayari sa operasyon na nauwi sa engkwentro at kumitil sa buhay ng apat katao kasama ang isang 3 taong gulang na bata.

Nilinaw ni Banac na hindi binabalewala ng PNP ang ganitong mga isidente sa ilang operasyon ng mga pulis, patunay ang agarang pagsibak sa mga pulis ng Rodriguez na sangkot sa naturang operasyon para hindi maimpluwensyahan ang ginagawang imbestigasyon.

Ito ay bunsod ng pagkasawi ni Myka Ulpina nitong June 29.

Ginawa umano itong human shield ni  Renato Dolorfina  na target ng isinagawang buy bust operation sa mismong bahay nila kasama ang isa pang biktima at si P/Sr. Master Sgt. Conrad Cabigao na nagpanggap na poseur buyer.

Nasibak din sa puwesto si P/Col. Resty Damaso, hepe ng Rodriguez Police at 19 na iba pa dahil sa naturang insidente na ngayon ay pawang mga pansamantala munang inilagay sa holding unit ng Police Provincial Office ng Rizal.

Please follow and like us:
Read More

REPORT NG COA KINONTRA: ‘DI KAMI KAPOS SA TARGET — PNP

albayalde121

(NI AMIHAN SABILLO)

IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila kinapos sa kanilang target sa pag-aresto sa mga most wanted person.

Ito ay makaraang iulat ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang linggo na 19.37 percent lang ng most wanted persons ang naaresto ng PNP. Ito ay malayo sa orihinal nilang target na 51.57 percent.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, ang tinutukoy ng COA sa kanilang ulat ay ang mga naarestong pasok sa top 10 most wanted persons noong 2018, at hindi ang kabuuang bilang ng mga naarestong wanted person, kabilang na ang mga ordinaryong suspek sa buong bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Albaylde na magpapaliwanag sila sa COA at magpiprisinta ng datos para patunayan na hindi sila nagkulang.

Dagdag pa ng hepe ng PNP na sa katunayan ay triple ang bilang ng mga naaresto nilang ordinary wanted person dahil na rin sa mga pinaigting na anti-criminality campaign.

Samantala, iniulat naman ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP na tumaas din ang bilang ng mga naaresto ng PNP na may mga patong sa ulo.

Base sa datos, 35 ang mga naarestong mga suspek na may reward noong 2017 habang 48 naman ang mga suspek na may reward ang naaresto noong 2018.

Please follow and like us:
Read More

PNP HANDA VS MAGHAHAIN NG IMPEACHMENT NI DU30

albayalde12

(NI JG TUMBADO)

ANUMANG oras ay handa ang elemento ng Philippine National Police (PNP)  na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kaugnay ng banta ni Pangulong Duterte na ipaaaresto ang sinumang magsasampa ng kaso upang mapatalsik siya sa puwesto.

Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi basta-basta aarestuhin ang mga  kritiko ng administrasyon dahilan lamang na itinuro ito ng Punong Ehekutibo.

“It’s up to the President. If the President would order it and we would see violations, why not,” pahayag ng PNP Chief.

“There should be an investigation. Hindi mo naman puwede basta kunin yung tao dahil tinuro tapos kunin mo. There will always be an investigation before you can make any arrest,” paliwanag pa ni Albayalde.

Kailangan muna aniyang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ang PNP kung may basehan para arestuhin ang sinumang mga personalidad.

Inihayag ni Albayalde na  posibleng sedisyon  o libelo ang kasong kakaharapin ng mga ito, na may kaugnayan sa tangkang pabagsakin ang pamahalaan na depende pa rin sa desisyon ni Duterte.

Nabatid na ang pahayag ni Duterte ay kaugnay ng pagpabor nito sa China sa halip na ipagtanggol ang isinasaad sa Saligang Batas na ipagtanggol ang integridad ng soberenya ng bansa .

Please follow and like us:
Read More

5,121 PASADO SA PNP ENTRANCE EXAM; 5,481 SA PROMOTIONAL EXAM

pnp120

(NI NICK ECHEVARIA)

UMABOT lamang sa 5,121 na mga nangangarap na maging pulis ang nakapasa sa PNP entrance exam, samantalang 5, 481 naman ang pinalad na pumasa sa PNP promotional exam batay sa inanunsyo ni Napolcom Vice Chair and Executive Officer Atty. Rogelio T. Casurao nitong  Biyernes.

Mula ito sa kabuuang bilang na 46,419 na kumuha ng exams na isinagawa ng Napolcom sa iba’t ibang designated testing centers sa buong bansa noong April 28, 2019.

Sa bilang na ito, 32,972 ang kumuha ng PNP entrance exam, kung saan 15.53 porsyento lang ang pumasa na eligible maging Patrolman o Patrolwoman.

Umaabot sa 13,447 pulis naman ang kumuha ng promotional exam, kung saan 40.76 porsyento ang nakapasa, na binubuo ng 3,363 sa Police Officer Exam, 1,735 sa Senior Police Officer Exam, 347 sa Inspector Exam at 36 sa Superintendent Exam.

Ang mga pulis naman na nakapasa sa promotional exam ay eligible na umangat sa susunod na ranggo.

 

Please follow and like us:
Read More

PNP BINIGYAN NG BAGSAK NA GRADO NG COA

coapnp12

(NI NICK ECHEVARRIA)

GAGAWING batayan ng Phiippine National Police (PNP) ang bagsak na grado na ibinigay sa kanila ng Commission on Audit (COA) sa pagkabigo na matamo ang performance targets nitong nakaraang taon.

Paliwanag ni P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP,  masyado umano silang naging abala sa paghahanda at pagbabantay sa idinaos na 2019 midterm election at ang sobrang pagkakatutok sa war on drugs ng pamahalaan, dahilan para bumaba ang kanilang output sa anti-criminality campaign.

Sa ipinalabas na ulat ng COA, umabot lamang sa 19.37 percent na mga most wanted person ang naaresto ng PNP kung ikukumpara sa sa target nilang   51.57 percent.

Habang sa loob ng 30 araw, 34.70 percent lamang sa 60 percent target ng PNP ang  kanilang naarestong indibidwal na may mga oustanding warrants.

Nasa 464, 661  na mga kaso naman sa crime investigation ang kanilang naresolba kontra sa tinatarget sana na 544,301 target na maresolbang mga krimen.

Ang naitalang mababang output ng PNP sa report ng COA ay nangyari sa harap nang  pag-doble sa suweldo ng mga pulis noong isang taon na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Please follow and like us:
Read More

DIFFERENTIAL PENSION NG MGA PULIS NGAYONG HUNYO NA

pnp12

(NI AMIHAN SABILLO)

MAPASASAKAMAY na ng mga retiradong pulis ang P86,876 na kanilang pension differential sa Hunyo 29.

Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac kung saa ang halaga umano ay katumbas ng kakulangan sa dating tinatanggap na pensiyon ng mga retiradong pulis para pumantay sa bagong monthly basic pay scale ng mga pulis epektibo mula Enero 1, 2019.

Sinabi pa ni Banac na ang bagong “adjusted” na pensiyon ng mga retirado ay kanila namang matatanggap epektibo sa darating Hulyo 16.

Alinsunod umano ito sa Congress Joint Resolution No.1 series of 2018, na nag-awtorisa sa pagtaas ng pensiyon ng mga retiradong pulis.

Ang P21.679-billion ang ni-release ng Department of Budget and Management (DBM) para dito mula sa P28.053-billion ay ni-request ng PNP at ngayon ay inihahanda na ang computerized payroll para ma-credit ang kaukulang halaga sa mga ATM accounts ng mga pensiyonado.

Please follow and like us:
Read More

PNP ALERTO SA MALAWAKANG PAGKILOS NG KAPA SUPPORTERS

kapa33

(NI AMIHAN SABILLO)

SAPAT na pwersa ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa ikinasang malawakang kilos-protesta ng Kapa Community Ministry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ma isasagawa ngayong Biyernes.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, nakaalerto ang kanilang hanay at nakahanda para bantayan ang prayer rally at noise barrage ng grupo.

Sinabi pa nito na sisikapin ng PNP na maging mapayapa ang aktibidad at sakali mang magkaroon ng tensyon ay paiiralin ang maximum tolerance.

Kasabay nito, hinikayat ng PNP ang mga miyembro ng KAPA  na kumuha ng permit at makipag-ugnayan din sa kanilang local police.

Magugunita na base sa anunsiyo ni Danny Mangahas, convenor ng Ahon sa Kahirapan movement, gagawin ang pagkilos ng Kapa sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil target nilang ipakita ang kanilang pwersa.

Nananawagan din sila kay Pangulong Duterte na magsagawa ng reinvestigation at huwag ipasara nang tuluyan ang Kapa.

Please follow and like us:
Read More