LIZQUEN HINDI HALATANG MAGKAAWAY SA MGA EKSENA NG BAGONG SERYE

0

(NI BOY ABUNDA)

NGAYON pa lamang ay mainit nang pinag-uusapan ang teaser ng teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kapansin-pansin ang bagong look at pagiging daring ng magkasintahan sa mga eksenang tiyak na kakikiligan ng mga tagahanga. “Hindi lang kiss, joke lang! It’s more mature and daring pero not to the point na it’s out of our brand. Yes, meron namang intimate pero not as much as we think. Kayo na lang po bahala intindihin kung ano nangyayari sa scenes,” nakangiting pahayag ni Liza.

May ilang pagkakataon na mayroong tampuhan o pinagtatalunan ang magkasintahan sa totoong buhay habang nagte-taping pero hindi naman daw ito nahahalata sa mga eksenang ginagawa. “I noticed about us when we fight before taking a scene, when we fight we don’t yell. Parang may konting away lang pero when we exit the tent, we’re not Enrique and Liza anymore. Kilig-kilig scene and then later, we were fighting pala. Diyan niya ako parati nakukuha eh,” kwento ng aktres.

Ayon naman kay Enrique ay mahalaga ang timing sa isang lalaki lalo na kapag gumagawa sila ni Liza ng kissing scenes. Aminado ang aktor na talagang may mga pagkakaton na kabado siya sa tuwing hahalikan ang kasintahan. “Kasi nga may timing ang lalake tapos ayun na. Kasi dapat maganda ang timing. Hindi naman basta-basta,” giit ni Enrique.

Sa Croatia pa kinunan ang ilan sa mahahalagang eksena para sa Make It With You na mapapanood na sa pagpasok ng 2020. With reports from J.C.C.     

 

Read More

BAGONG SERYE NG KATHNIEL, PINAGAGANDA PA

0

(NI BOY ABUNDA)

TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa isang bagong teleserye na pinaghahandaan ng dalawa. Mapapanood sa susunod na taon ang bagong proyekto ng KathNiel.

“May project na parating, siyempre very excited sa ihahandog naming next. Kami rin ay very excited, it’s been a long time. Excited din kami sa istorya nang gagawin namin. Ngayon pa lang siyempe happy rin kami para sa kanila (mga tagahanga ng KathNiel),” nakangiting pahayag ni Daniel.

Siniguro naman ni Kathryn na dapat pakaabangan ang kanilang bagong programa na magpapakilig at kapupulutan ng aral ng mga manonood. “Medyo matagal kasi naghintay din sila. Sabi nga namin hintay pa nang konti. ‘Yung hinahanda namin as in pinapaganda pa ng Dreamscape din para maganda nating simulan ‘yung 2020. We are very excited. So konting hintay na lang, babalik na kami sa TV,” pagbabahagi ni Kathryn.

Samantala, kamakailan ay nagbukas na ang negosyong barber shop ng magkasintahan sa isang mall. Para kina Daniel at Kathryn ay kailangang makapagpundar habang mga bata pa para sa kanilang kinabukasan. “Dream naman naming dalawa ‘yon ever since na magka-business kaming dalawa, kailangan eh for future investments,” giit ni Daniel.

May ilang branches na ang KathNails na pagmamay-ari ni Kathryn. Marami na ring branches sa bansa ang Queen Mother Salon na pagmamay-ari naman ng ina ni Daniel na si Karla Estrada. Para kay Kathryn ay personal na gusto talaga ni Daniel ang pagkakaroon ng sariling barber shop kaya naipundar ng magkasintahan ang Barbero Blues. “Si DJ expertise niya ang buhok. I think ‘yun ‘yung perfect business na si DJ din ang face ng Barbero Blues kasi very particular siya sa hair. Parang after ng KathNails, make-cater mo rin ‘yung mga lalaki this time,” pagtatapos ng dalaga. -Reports from JCC-

 

 

Read More

POSIBLENG ITO NA ANG HULI KONG TELESERYE – ANGEL

0

(NI LOURDES C. FABIAN)

BALITANG pinaghahandaan na ng Kapamilya star na si Angel Locsin who has been in the industry for several years now ang nalalapit nitong kasal sa nobyong si Neil Arce.

Iisa ang espekulasyon ng kanyang mga supporters nang magbigay ito ng hint about taking a break from doing television series.

At hindi naman itinanggi ng aktres na plano na nga nilang ayusin ang tungkol sa plano nilang kasal ng nobyo kapag natapos ang kanyang teleserye na isang linggo na lang eere. Noong Hunyo ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Bukod sa magaganap na wedding ay pagtutuunan din ni Angel ng pansin ang kanyang kalusugan.

She said, “Baka ito na ang huli kong teleserye. Hindi ko pa sure. Depende ‘yan sa mga tao, sa management, pag-uusapan din namin ni Neil kung ano ang plano namin. Ayoko magsalita nang tapos pero posible.”

Nilinaw ni Angel ang duda ng ilang fans na gumagamit siya ng double sa mga delikadong eksena na ginagawa niya lalo na ‘yung pagsabit sa likod ng umaandar na truck.

“Kami naman pong lahat sa ‘The General’s Daughter,’ ginagawa po namin ang stunts namin. Bihira ‘yung may stunt double talaga. May ipapalabas na humampas ako sa truck, tumalon, tapos marami pa na dahilan ng marami kong pasa sa katawan,” pagpapatunay ni Angel.

Read More

JANELLA SALVADOR MAY BAGONG BOYFRIEND?

janela44
0

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

BUSY na naman sa kanyang showbiz career si Janella Salvador. May bago siyang teleserye sa ABS-CBN na “The Killer Bride” kasama sina Maja Salvador at Joshua Garcia. Tapos, nagsu-shooting pa siya ng movie with Maricel Soriano, ang The Heiress na isang horror movie. Isasali raw ito ng Regal Entertainment, Inc. sa darating na MMFF.

Pagdating naman sa kanyang lovelife ay mukhang tuluyan nang nakapag-move on si Janella sa ‘di kagandahang break-up nila ni Elmo Magalona. And how true, na after maugnay ang young singer-actress kay Marco Gumabao ay may bagong someone na raw ang nagpapasaya sa kanyang puso. Ito raw ay walang iba kundi ang Filipino-British singer-actor na si Markus Peterson.

At malalaman mo raw kapag in love itong si Janella: Hindi na ito madalas makipag-bonding sa kanyang mommy na si Janine Desiderio.

Alam na!

###

Mayroong limited edition ang Little Miss Philippines sa 40th anniversary ng Eat Bulaga.

Bahagi pa rin ng selebrasyon ng “Eat Bulaga” para sa kanilang 40 years sa telebisyon ang ibinalik nilang Little Miss Philippines. Pero this time, limited lamang ito kaya hindi mapapanood nang matagal.

Isa sa original segments ng “EB” ang Little Miss Philippines kung saan ilan sa mga sumali at nanalo rito ay naging malalaking pangalan sa showbiz. Kabilang na rito sina Aiza Seguerra, Jessa Zaragosa, Julie Anne San Jose, Ryzza Mae Dizon, at marami pang iba.

Marami nga palang nagre-request na gawin nang worldwide ang Little Miss Philippines, at mabibigyan ito ng katuparan sa susunod na taon. Kapag nagkaroon na ito ng worldwide search, tiyak na dudumugin ang audition nito.

Read More

ENRIQUE NATUTULOG NA SA BAHAY NI LIZA?

liquen12
0

(NI RK VILLACORTA)

HABANG nagkakagulo ang mga named stars and wannabe stars  sa showbiz na harinawa’y mapili sila as replacement ni Liza Soberano para sa pelikulang Darna, ang young aktres ay naka-move on na sa desisyon niya na mag-back out sa naturang project.

Sa katunayan, ang Star Cinema ay nagpa-search na for the new Darna. Nagpatawag na mula Luzon, Visayas at Mindanao habang ang perfect sana para sa Darna role ay naghahanda naman sa bago niyang teleserye with her “honey love” na si Enrique Gil.

Last Tuesday, I bumped into an old friend, Ian Buenaventure, na personal manager ni Liza. He told us about the young actress’ new project for the Kapamilya Network.

Sa June ang simula ng taping. No details were given yet.

We just hope na sana, worth the wait ang naturang television project na sort of pamalit sa Darna.

Lately, may kumakalat na chismis sa mga chat rooms na nagtatanong kung sina LizQuen ay nagli-live in na. Sabi, there are nights na ang binata ay natutulog sa haybols ng dalaga pero I doubt na may katiting na katotohanan ang bali-balita.

Knowing Ogie Diaz, Liza’s manager, suntok sa buwan na hahayaan niya ang dalaga na lumampas sa hindi dapat.

Read More

BAGONG XIAN LIM-KIM CHIU TELESERYE ‘TINITIMPLA’ NA

0

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

MAY tinitimplang bagong teleserye for Xian Lim at Kim Chiu ang ABS-CBN na nahahawig ang kwento sa blockbuster Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Huling pagtatambal sa soap nina Xian at Kim ‘yung TV romantic drama series na “Story Of Us” na umere sa Kapamilya Network nu’ng 2016 pa. Kaya ganu’n na lang ang pagkatuwa ng loyal KimXi fans na magkakaroon uli ng bagong project together ang dalawa after three years.

Siyempre pa, worried o malungkot ang kanilang mga tagahanga sa posibilidad na mabuwag ang pinakatatangi nilang loveteam dahil nga lumipat si Xian sa Viva Artists Agency noong January 2018.

However, pinakalma naman ni Xian ang avid KimXi followers dahil sa kanyang assurance na kahit magkaiba na ang mga talent management agency na namamahala sa career nila ni Kim, mananatili at hindi mawawala ang kanilang KimXi tandem.

By the way, kabilang si Kim sa mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 na nag-joint forces para palaganapin ang world peace (and goodwill among men) sa pamamagitan ng pagdarasal at ng “A World at Prayer is A World at Peace” project nina Archbishop Soc Villegas at Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda.

Devotee pala kay Padre Pio itong si Kim kaya madalas siyang nagsisimba sa Saint Pio Chapel sa Libis, Quezon City.

“When I pray, alam ko kausap ko ang Panginoon dahil kay God, walang imposible, walang masama, walang tama, walang mali,” ang humo-Holy Week na pahayag ni Kim.

“Huwag nating kalilimutan ang magdasal at ialay ang lahat sa Kanya,” mataimtim pang dagdag ni Kim patungkol sa kanyang malakas na pananampalataya sa Diyos.

# # #

Must-see ang controversial movie na Jino To Mari (directed by Joselito Altarejos), official entry to the 5th Sinag Maynila Film Festival (last day na today, April 9)! Nagwaging Best Actress ang bidang babae nitong si Angela Cortez, pero olats (talo!) sa Best Actor ca­tegory ang male lead na si Oliver Aquino.

Talaga namang talk of the town ang mga sex scenes sa nasabing pelikula at talagang sobrang challenging ang role na ginampanan dito ni Oliver.

“Masakit, masakit talaga siya, eh,” emphatic na sambit ni Oliver, in reference to the uncomfortable-and-difficult-to-shoot 3rd sex scene nilang dalawa ni Angela sa movie.

“Naiyak po talaga ako. Iyak po talaga ako nang iyak… Nasuka po ako talaga. Totoo po ‘yon!

“Ang daming et*ts sa harap ko! Oh, shit! Oh, shit!” Sa kabila ng for-the-sake-of-arts na todo-effort ni Oliver, inisnab pa rin siya ng filmfest awards jury at bagkus ay ibinigay ang Best Actor award kay Nar Cabico for Akin ang Korona (directed by Zig Dulay).

 

Read More