10 PA TUMBA SA COVID SA CAMANAVA

SAMPU katao ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hunyo 24, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, walo ang binawian ng buhay sa Caloocan City at 584 ang active cases matapos na 33 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 37,847 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, kung saan 36,195 na ang gumaling at 1,068 na namatay.

Isa naman ang namatay sa Navotas City at 46 ang active cases matapos na 14 ang gumaling at lima ang nahawaan. Sumampa na sa 10,993 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 10,578 na ang gumaling at 369 ang namatay.

Isang COVID patient din sa Valenzuela City ang binawian ng buhay at 193 ang active cases sa lungsod matapos na 41 ang nagpositibo sa virus at 44 naman ang gumaling. Umakyat na sa 20,571 ang confirmed cases, 19,848 ang nakarekober at 530 ang namatay.

Walang iniulat na namatay sa Malabon City at nanatiling 443 ang COVID death toll ng lungsod habang pito ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 13,429 ang positive cases sa lungsod, 104 dito ang active cases.

Habang apat na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 12,882 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)

129

Related posts

Leave a Comment