UMABOT sa 11 ang naitalang namatay sa Caloocan City at Malabon City noong Agosto 7 habang lumobo sa 1,317 ang active cases sa dalawang siyudad.
Mula 1,138 noong Agosto 3 ay nadagdagan ng anim at naging 1,144 ang total deaths sa Caloocan City. Umakyat naman sa 627 ang active cases sa dalawang lungsod matapos na 144 bagong kaso ang naitala.
Pumalo na sa 40,476 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 38,705 na ang gumaling.
Lima naman ang namatay sa Malabon at pumanhik na sa 481 ang COVID death toll sa siyudad.
Nakapagtala naman ng 93 na nadagdag sa confirmed cases at sa kabuuan ay 14,743 na ang positive cases sa lungsod, 690 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 63 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 13,572 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)
149 