120th anniversary ng BOC MGA SALTONG KAWANI TABLADO SA P3K BONUS

BILANG pagkilala sa husay, sigasig at katapatan ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC), isang kalatas ang nilagdaan at inilabas ng pamunuan ng kawanihan, kasabay ng ika-120 anibersaryo ng nasabing ahensya – isang anniversary bonus sa mga opisyal at kawani ng BOC.

Sa isang pahayag, inamin ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na hindi naging madali para sa kanilang ahensya ang nakalipas na dalawang taon. Gayunpaman, nagawa aniya ng BOC na tugunan ang hamon ng pandemya sa pagtatala ng higit pa sa kanilang itinakdang revenue collection target.

Bilang sukli aniya sa husay, sigasig, katapatan ng kanilang mga kawani, nilag­daan na niya ang Customs Office Order 01-2022 batay sa Administrative Order 263 at National Budget Circular 452. Sa ilalim ng COO 01-2022, makakatanggap ng maliit na pabuyang nagkakahalaga ng P3,000 ang kanilang mga empleyadong isang taon o

higit pa ang serbisyo sa kawanihang kanyang pinamumunuan.

Ayon kay Khristine Melencio na tumatayong hepe ng Human Resources Division ng kawanihan, hindi rin kwalipikadong tumanggap ng
anniversary bonus ang mga opisyal at empleyadong nasangkot at napatunayang lumabag sa mga alituntunin ng kanilang ahensya sa loob ng nakaraang limang taon.

“By sticking to our prior­ities and focusing on our mandates, we achieved milestones in revenue collection, operational upgrades, and customer service. Through opening channels of communication and interaction, we sustained the tempo of our work and provided services for our various stakeholders to keep businesses moving,” ani Guerrero.

“The foundation laid by the BOC in the past years makes the prospect of transformation not only a possibility but a natural outcome of efforts which are all to our utmost priority of serving the public with professionalism, integrity, and accountability,” dagdag pa niya.

“While the challenges we face may be tough and uphill, we recognize the significance of investing both time and resources to improve our services, regain our credibility, and accomplish our mission,” pagtatapos ni Guerrero.

226

Related posts

Leave a Comment