NAKATANGGAP na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 ang may labinlimang milyong Filipino.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., mahigit 14,650,065 na ang fully vaccinated o nasa 19% ng target population ng pamahalaan.
Ang mga nakatanggap naman ng kanilang first dose ay nasa 20,450,849 na ang kabuuang bilang.
Umaasa naman si Galvez na mababakunahan ang 70% na populasyon ng bansa bago sumapit ang Pasko.
Nauna nang sinabi ng kalihim na ang Kalakhang Maynila ay posibleng maabot ang population protection sa Oktubre o Nobyembre.
Giit ni Galvez na ito ang nais din nilang mangyari sa iba pang lugar gaya ng Region 4-A, Region 3, Region 11, Region 6 and Region 10 at Region 12.
“So nakikita natin continuing iyan, kaya ang ginagawa namin geographic ang approach natin. And we can see na iyong NCR, they can achieve iyong people’s protection, more or less baka October or November. And then the other regions na nakikita namin iyong Region IV-A, Region III, Region XI, Region VI and Region X, even region VII, we are trying to push for more accelerated vaccination para maka-catch up siya sa NCR,” ayon kay Galvez.
“So we can see na iyong tinatawag nating mga surge areas at saka iyong mga tinatawag na critical and vulnerable areas will be fully protected.
Nakikita namin by November, and then iyong December, we will follow on the other areas. So, iyong vaccine delivery will follow hanggang December po,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)
369 