KINUMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG) na nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang personnel.
Base sa tala ng PSG Task Force COVID-19, 15 personnel ang nagpositibo sa test.
“These personnel were those who came from holiday break. After undergoing the mandatory quarantine for 7 days, they were administered RT-PCR Tests, and, 15 personnel have yielded positive test results,” ayon sa kalatas na ipinalabas ni PSG Commander Col. Randolph G. Cabangbang.
Ang lahat aniya ng personnel ay fully vaccinated at asymptomatic.
“This Command, through PSG Task Force COVID-19 is attending to these personnel in accordance with IATF/DOH protocols,” aniya pa rin.
Tiniyak ni Cabangbang na hindi naitalaga kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 15 PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Siniguro rin ng PSG sa publiko na sila’y “fit” at may kakayahan na protektahan ang Pangulo upang maipagpatuloy nito ang kanyang mandato na makapagsilbi sa bayan.
Work-from-home
Nadagdagan na naman ang mga empleyadong nagwo-work-from-home.
Ito’y matapos iulat ni Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario na may apat hanggang lima silang empleyado na may closed contact kundi man nagpositibo sa COVID-19.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni del Rosario na nagbigay na siya ng otorisasyon sa bawat head ng departamento ng Kagawaran na ipatupad ang work-from-home arrangement para sa kanilang personnel.
Aniya pa, magdi-disinfect din sila sa kanilang tanggapan na sinimulan na ngayong araw at gagawin hanggang bukas.
Preparasyon na rin aniya ito para sa Lunes kung saan ay muli nilang paiiralin ang 30 percent allowed capacity sa kanilang tanggapan na siyang itinatakda sa ilalim ng Alert level 3.
(CHRISTIAN DALE)
244
