TARGET ng Pilipinas na makapagturok ng isang milyong COVID-19 shots sa isang araw.
Tugon ito ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at testing czar Vince Dizon sa panawagan ni Vice President Leni Robredo na bilisan ang vaccination drive habang ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim ng lockdown.
“Mawalang-galang na po kay Vice President Leni, pero in fact, hintayin po natin sa vaccine cluster… ang tatargetin po natin ay aabot na ng isang milyon,” ayon kay Dizon.
“Iyon ang target natin, it is more than the 750,000,” dagdag na pahayag nito.
Nito lamang nakaraang Huwebes, sinabi ng mga awtoridad na nakapagturok sila ng 710,000 COVID-19 shots, itinuturing na pinakamataas sa isang araw simula nang sumipa ang immunization campaign noong Marso.
Sa huling datos, mahigit 24 milyon na ang naiturok na COVID vaccine dose sa bansa.
146 