2 POLICE ESCORT NG DETAINEE NA TUMALON SA CITY HALL SINIBAK

INALIS sa pwesto ang dalawang pulis Maynila na escort ng detainee na tumalon mula sa ikatlong palapag ng Manila City Hall habang iniimbestigahan kung may kapabayaang nangyari.

Kitang-kita sa CCTV ang pagtalon sa bintana ni Lyle Adams Fernandez, ng Mangaldan, Pangasinan na nasa likuran ng kanyang mga escort.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, bandang 11:00 ng umaga nang maganap ang tangkang pagpapakamatay ni Fernandez.

Una rito, dinala ang suspek sa piskalya na nasa 3rd floor ng city hall, nina Police Staff Sergeant Rolando Capuz at Police Corporal Acnam dahil sa kasong paglabag sa R.A. 10591, Violation of Art. 155, Art. 285 of the RPC and Physical Injury.

(RENE CRISOSTOMO)

305

Related posts

Leave a Comment