2 TUMBA SA COVID SA VALENZUELA

DALAWA ang naitalang namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19 noong Hulyo 12.

Bunsod nito, umakyat na sa 542 ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa pandemya habang 144 ang active cases makaraang 68 ang bagong naging positibo at 61 naman ang gumaling.

Pumalo na sa 20,922 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,236 na ang gumaling.

Samantala, umakyat na sa 148 ang active cases sa Navotas matapos na walo ang nagpositibo sa virus habang dalawa lamang ang gumaling.

Umakyat na sa 11,164 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, kung saan 10,642 na ang gumaling at mapalad na hindi nadagdagan ang 374 COVID casualties.

Sampu naman ang nadagdag na confirmed cases sa Malabon City at sa kabuuan ay nasa 13,638 na ang positive cases sa siyudad, 125 dito ang active cases.

Habang 48 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 13,070 ang recovered patients ng Malabon. Hindi rin nadagdagan ng 453 nitong pandemic fatalities. (ALAIN AJERO)

122

Related posts

Leave a Comment