(NI JG TUMBADO) HABANG papalapit ang national midterm elections sa May 13, lalo pang nadagdagan ang bilang ng itinuturing na election hotspot sa bansa. Ito ang binanggit ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular press conference sa Camp Crame, nitong Lunes. Sinabi ni Albayalde na nasa kabuaang 941 ang election hotspots sa buong bansa. Katumbas ito ng 57.60 percent sa 1,634 na lungsod at munisipalidad na tinututukan ngayon ng pulisya sa buong kapuluan. Ayon sa PNP Chief, nasa 131 na bayan ang nasa ilalim ng yellow category…
Read MoreMonth: March 2019
FIRE PREVENTION MONTH
MAGTATAPOS na ang buwan ng Marso kung kailan ginugunita ang Fire Prevention Month at gaya ng mga nakalipas na Marso ay parating tumataas ang insidente ng sunog sa pagsisimula ng nasabing buwan. Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit tuwing Marso ginaganap ang Fire Prevention Month at ang simpleng sagot dito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay ito ang simula ng buwan ng tag-init kung kailan marami ang gumagamit ng bentilador at iba pang appliances na nagbibigay ng lamig. Isinabatas ang Fire Prevention Month sa pamamagitan ng Proclamation Number 115-A…
Read MoreLUMALALA ANG ATAKE SA MGA PROGRESIBONG KANDIDATO NGAYONG HALALAN
NITONG nakaraang Huwebes ay nagpahayag si Pangulong Duterte ng ‘terminasyon’ sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Para sa mga progresibong kandidato sa halalan tulad ng Bayan Muna party-list, ito ay hudyat sa mas malalang mga atake. Kapaki-pakinabang ang terminasyon ng peace talks para sa mga kandidatong maka-Duterte. Higit silang makapagpalawak ng impluwensya sa Senado, Kongreso, at sa lokal na gobyerno, dahil pagbubuntunan ng atake ang oposisyon, kabilang ang mga progresibong kandidato. Halimbawa rito ang pagpatay sa coordinator ng Bayan Muna sa Samar na si James…
Read MoreVICE NAGING EMOSYONAL SA SORPRESA NI KRIS
Sa March 31 ang birthday ng Kapamilya star na si Vice Ganda. 43 years old na siya ngayong taon. Isa sa mga longtime friends niya sa showbiz ay si Kris Aquino at hindi inaasahan ng sikat na host na bibigyan pala siya ng Queen of All Media ng isang advance birthday surprise. Sa isang video na pinost ni Vice Ganda, makikitang nasorpresa siya nang makita ang malaking basketball-themed balloon bouquet sa ibabaw ng kama niya, at sangkatutak na balloons sa ceiling. Nang basahin niya ang card na nakakabit dito, tinawag…
Read MoreKAMPANYAHAN SA LOKALIDAD, DAPAT MAPAYAPA
Sa Marso 29, aarangkada na ang kampanyahan sa lokalidad para sa mga probinsiya, bayan at siyudad at sana maging payapa at hindi madiligan ng dugo ang Halalang 2019. Ibayong pag-iingat pa rin ang dapat gawin ng mga kandidato para sa kanilang sarili dahil sa napakaruming politika sa ating bansa. Mahalaga na bawat mamamayan ay bantayan ang kanyang boto para sa kanilang kandidato pero mahalaga rin ang buhay ng bawat isa. Ito ang hamon para sa Commission on Elections (Comelec) kung paano nito paganahin ang lahat ng kanyang puwersa kasama na…
Read More‘TOXIC FREE’ ANGELICA SA BORACAY
IPINAKITA ni Angelica Panganiban ang kanyang seksing-seksing “beach figure” sa sunud-sunod na Instagram posts kamakalawa. Kinunan ang mga larawan habang nasa Boracay ang aktres kasama ang cast ng “Banana Sundae.” Sa isang caption, sinabi niyang “Realizing you are now toxic-free.” May photo na naka-one piece maroon bikini siya, meron ding picture na nasa rock formation siya. Sa isang Instagram Story, sinabi niyang nag-e-enjoy siya sa kanyang bakasyon. Kailan lang, naging laman ng usapan si Angelica nang sabihin niyang hindi na sila magkaibigan ng ex-boyfriend na si Carlo Aquino. 678
Read MoreSUMMER JOB PARA SA MGA ESTUDYANTE BUBUKSAN NG DOLE
(NI JESSE KABEL) PARA maagang magkaroon ng work experience at maranasang kumita sa pagtatrabaho, hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga mag-aaral na mag apply ng summer job. Sa panawagan ng DOLE, hinihikayat ang libu-libong mag aaral mula sa senior high school at mga college levels na mag-apply para sa summer job ngayong bakasyon. Ayon sa impormasyong ibinabahagi ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, maaaring mag-apply ng trabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES), isang employment program para sa mga estudyante sa high school technical…
Read MorePALASYO DUDA SA KASO NG PINAS VS CHINA SA ICC
(NI BETH JULIAN) DUDA ang Malacanang kung makauusad sa International Criminial Court (ICC) ang kasong isinampa ng ilang dating opisyal ng gobyerno laban sa China. Kasong crimes against humanity ang inihabla sa ICC laban sa China nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na baka ibasura lamang ito ng ICC dahil environmental damage ang nilalaman ng reklamo bunsod ng reclamation activities ng China sa West Philippine Sea. Paliwanag ni Panelo, hindi kasama ang environmental damage sa…
Read MoreCAMPAIGN MOTORCADE BAWAL SA MAIN ROADS
(DAHLIA S. ANIN) IPINAGBABAWAL na sa mga pangunahing kalsada sa Metro Maynila ang mga campaign motorcade, ayon sa MMDA. Sa panayam kay MMDA EDSA traffic Chief Inspector Bong Nebrija, maaaring ireport sa Commission on Election (Comelec) ang mga kandidatong mahuhuling lalabag dito at sa batas trapiko. Nakiusap si Nebrija sa mga kandidato na kung maari ay iwasan ang mga pangunahing lansangan dahil malaking abala ito sa mga motorista lalo na sa mga papasok sa trabaho at sa mga taong bumibiyahe. Ayon pa sa opisyal na kung papayagan ang mga campaign…
Read More