(NI BETH JULIAN) PINAWI ng Malacanang ang pangamba ng publiko kaugnay sa isyu ng umano’y paggamit sa Read Bank bilang kolateral sa ginawang pag utang ng Pilipinas sa China para sa Chico River Dam project na aabot sa $62 milyon. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, walang nakikitang dapat na ikabalaha sa utang dahil sigurado naman itong mababayaran ng bansa. Ito ang reaksyon ng Palasyo matapos ang pagbubunyag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na nagsabing nakasaad sa Chico River Irrigation Loan Aggreement na maaaring kamkamin ng China ang…
Read MoreMonth: March 2019
SUNUD-SUNOD NA OIL PRICE HIKE PINALAGAN NA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) NAKASASAKIT na ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kaya nangalampag na ang mga militanteng grupo sa gobyerno dahil tiyak na magkakaroon na ito ng epekto sa mga pangunahing bilihin lalo na sa pagkain. Ginawa ng mga kinatawan ng Gabriela party-list group ang pangangalampag dahil sa ika-7 linggo ay magpapatupad ng panibagong oil price hikes ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes. “Masakit ito sa bulsa ng mga nanay at kanilang mga pamilya lalo pa’t tiyak na magdudulot ito…
Read MoreANOTHER MOVIE FOR EMPOY AND ALESSANDRA
MATAPOS ang 2017 movie na Kita Kita na tumabo nang husto sa takilya at itinuturing na “biggest box office independent film of all time,” magbabalik-tambalan muli ang dalawang bida rito na sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi. Ang bagong pelikula ng dalawa ay ididirek din ng Kita Kita director na si Sigrid Andrea Bernardo, under ulit sa Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at talent manager na si Erickson Raymundo. Last year, nagkaroon naman ng rom-com TV series ang dalawa, ang “Since I Found You” na tinampukan…
Read MoreDU30 ‘DI PAPAYAG MAGING MEXICO ANG ‘PINAS
(NI BETH JULIAN) IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga bilyong pisong halaga pa ng shabu ang inaasahang makukumpiska ng mga awtoridad sa mga susunod na araw. Aminado ang Pangulo na nangangamba ito na matulad ang Pilipinas sa Mexico na cartel na ang may kontrol sa gobyerno dahil nakapasok na rin sa bansa ang drug syndicate na Sinaloa kaya’t maraming cocaine na ang nakukumpiska na palutang-lutang sa dagat. Gayunman, hindi umano siya papayag sa ganitong sistema kaya’t mahigpit niyang pinaaalerto ang mga ahensiyang may sakop dito upang maharang at…
Read MoreNEGOSASYON SA 2019 BUDGET SINIMULAN NA
(NI BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN na ng mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang negosasyon sa 2019 national budget para maihabol umano ang mga proyektong nakaprograma ngayong taon habang panahon ng tag-init. Sa ambush interview, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya na umaasa ang mga ito na maliwanagan ang mga senador sa kanilang pag-itemized upang mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget. “Hopefully before the 29th of the monthy magkaron na ng budget. Hinahabol natin ang good weather (tag-init) window for infrastracture,” ani Andaya bago ang kanilang…
Read MoreKALIWA’T KANANG DROGA; PDEA HUMIHILING NG DEATH PENALTY
(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY JACOB REYES) MATAPOS makasakote ng umaabot sa P3 bilyong halaga ng droga at sa sunud-sunod na pagsamsam sa mga ito, hinihingi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang death penalty sa mga nasa likod ng drug smuggling sa bansa. Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na sa kawalan ng parusang kamatayan kaya malakas pa rin ang loob ng mga dayuhan na magpasok ng ilegal na droga sa bansa. “That is the stand of PDEA, the restoration of death penalty for drugs, particularly on drug trafficking,…
Read MoreGLORIA HANDS-OFF SA SPEAKERSHIP SA 18TH CONGRESS
(NI BERNARD TAGUINOD) AYAW makisawsaw ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pagpili kung sino ang magiging kapalit niya sa susunod na Kongreso o sa 18th Congress. Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa gitna ng pag-eendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte ng dalawang kandidato sa speakership na sina dating Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. “I don’t want to comment. I am not going to be in the next Congress,” ani Arroyo. Matatapos na ang termino ni Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang…
Read MoreSINIBAK NA GOV’T OFFICIAL ‘DI LUSOT SA OMBUDSMAN
(NI BETH JULIAN) KAHIT pa umano tinanggal na sa puwesto, hindi pa rin lusot sa pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos ihayag ng Pangulo na pinakakasuhan nito sa Office of the Ombudsman ang mga sinibak na opisyal dahil sa korapsyon. Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan de Oro, sinabi nito na personal itong nakipag ugnayan sa Ombudsman at ibinilin na pagkatapos ng imbestigasyon ay dapat nang sampahan ng kaso ang mga nararapat na kasuhan. Matatandaan na…
Read MoreMALAWAKANG OPENSIBA VS REBELDE INIUTOS NI DU30
(NI BETH JULIAN) INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang opensiba kontra rebelde matapos isuko na ang peace talks sa CPP NPA NDF dahil sa umano’y kawalan ng sinseridad sa usapin. “Kahit magkaubusan pa sila ng mga miyembro, kailangan maglunsad ng opensiba ang ating mga sundalo at pulis,” pahayag ng Pangulo. Kasunod ng pagbuwag sa peace panels, naniniwala ang Pangulo na higit na magkakaroon hidwaan sa pagita ng gobyerno at rebeldeng grupo. “Wala naman mararating ang negosasyon dahil walang sinseridad ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front…
Read More