ANGAT DAM KRITIKAL NA SA ABRIL; 96% NG TUBIG INAASAHAN SA MM

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES) ASAHAN na umanong papalo sa kritikal na antas ang tubig sa Angat Dam sa katapusan ng Abril. Ayon kay PAGASA hydrologist Danny Flores, kung pagbabatayan ang araw-araw na pagbaba ng water level sa Angat Dam at walang dumarating na pag-ulan, patuloy na mababawasan ang tubig. “Kinukwenta natin, aabutin siya ng mga halos katapusan pa ng Abril. Bababa siya doon sa kanyang critical level,” ani Flores. Simula nang ideklara ang panahon ng tag-init, patuloy na bumubulusok ang water level ng Angat dam. nitong Linggo, umaabot na sa…

Read More

JOROSS, NATAPOS DIN ANG COLLEGE AFTER 13 YEARS!

joross12

(NI RONALD M. RAFER) After 13 years, nakatapos rin ng college si Joross Gamboa. Struggle talaga ‘yung nakatapos siya kasi siya ang nagpaaral sa sarili at kasabay nun ang pag-aartista niya. Pagkatapos n’yang manalo as second runner-up sa Star Circle Quest nung 2004 (si Hero Angeles ang grand winner at si Sandara Park ang 1st runner-up), binalikan ni Joross ang pag-aaral habang nag-aartista siya. ‘Yun lang, pag busy s’ya, stop school o kaya minsan konti lang units niya. Happily married si Joross kay Kathy (non-showbiz) at mayroon silang dalawang anak…

Read More

PINOY CREW SA STRANDED NA NORWAY CRUISE SHIP PINURI

viking12

PINURI ang 163 Pinoy na nagtatrabaho sa stranded na cruise ship sa Norway dahil sa umano’y pagligtas ng mga ito sa pasahero sa kasagsagan ng sama ng panahon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Kasabay nito, iniulat na ligtas ang lahat ng Pinoy ayon sa Viking Cruises at Norweigan Rescue Center matapos tumulong sa pag-evacuate sa mga pasahero. Wala rin umanong Pinoy na pasahero sa cruise ship. Puring-puri umano ng mga pasahero ang mga trabahador na Pinoy dahil sa mabilis at maayos na pag-evacuate sa mga pasahero habang patuloy…

Read More

NAKUMPISKANG DROGA PINANGANGAMBAHANG BALIK-LANSANGAN

drugs12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY JACOB REYES) HINILING ng isang mambabatas sa Kamara sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na agad sirain ang mga nakukumpiskang droga upang hindi na ito bumalik sa lansangan. Ginawa ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ang mungkahi matapos masabat ng PDEA sa Manila North Harbor ang shabu na nagkakahalaga ng P1.8 Billion noong Sabado. “While we laud the Philippine Drug Enforcement Agency and other law enforcement agencies for the seizing almost 500 kilos of shabu, I strongly urge them to handle with outmost care the evidence…

Read More

ANG MAS MATINDING PASAKIT NG KABABAIHANG FILIPINO DAHIL SA KAHIRAPAN

Psychtalk

Sa paglipas ng mga taon, tila mas naramdaman ng mas marami pa ring bahagdan sa ating populasyon ang paghirap ng buhay. Kahit anuman ang iulat sa iba’t iba na numero sa iba’t ibang economic at social indices, mga karanasan pa rin ng ordinaryong mamamayan ang mas pinaniniwalaan ng karamihan. Parang may paligsahan sa pagtataas ng mga halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan: ang singil sa tubig, kuryente, pamasahe, mga presyo ng bilihin, mga buwis na patung-patong na. Nandiyan din ang taunang pagtaas ng bayarin sa paaralan ng mga anak.…

Read More

MGA DAGDAG-GASTOS NA HINDI NATIN ALAM

USAPANG KABUHAYAN

Madalas ‘pag may ginagawang solusyon sa mga problemang hinaharap ng taumbayan ang gobyerno ay iniisip ng marami na hindi na sila gagastos. Pero sa totoo lang ay lahat ng proyekto ng gobyerno ay nababayaran galing sa buwis na kinokolekta nito, at sa Pilipinas ay may buwis ang lahat ng bagay maliban sa paghinga. Inisip ng pamahalaan noong 1997 na gaganda ang serbisyo sa publiko sa pagbibigay ng kontrata para suplayan ng tubig ang Metro Manila at mga karatig na lugar ng dalawang kompanya na pag-aari ng mga pinakamayamang pamilya sa…

Read More

ANG KASIGURADUHAN NG SAPAT NA SUPPLY NG TUBIG AY KINAKAILANGAN

SA GANANG AKIN

Ang mga nakaraang linggo ay naging mahirap para sa mga konsyumer sa mga lugar na sakop ng Manila Water. Sa pagdinig na pinangunahan ng House of Representatives, humingi ng dispensa si Manila Water President Ferdinand de la Cruz para sa malaking abalang naidulot nila sa kanilang mga customer. Sa aking personal na pananaw, isang kapuri-puring bagay ang ginawa niya at isa rin itong magandang panimula sa pagbibigay ng solusyon sa krisis ng supply ng tubig. Habang ang mga customer ng Manila Water ay nakakaranas ng matinding kakulangan sa supply ng…

Read More

JUDAY BILIB SA MGA KAPWA ARTISTA NA GRADUATE SA SCHOOL

(NI ROMMEL GONZALES) TINANONG namin si Judy Ann Santos-Agoncillo kung ano ang number one advise niya sa panganay niyang anak na si Yohan ngayong teenager (14) na ito. “Basta mag-ingat lang siya. Sa panahon ngayon, napakahirap magbigay ng advice sa mga bata, kasi nagbabago eh, bawat kendeng, bawat ganito, iba, nag-iiba talaga siya, hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa school. “Ang palagi ko lang sinasabi,  if she has questions, do not keep things from us, para alam namin kung paano namin siya iga-guide. Kung may hindi niya alam kung…

Read More

POWER INTERRUPTION NG MERALCO NGAYONG LINGGO

meralco8

(NI KEVIN COLLANTES) MAKARARANAS ng panibagong serye ng power interruptions ang mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ngayong linggo dahil na rin sa nakahanay nilang maintenance work. Batay sa abiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Marso 25, Lunes, at magtatagal hanggang sa Marso 31, Linggo. Ayon sa Meralco, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Las Pinas City, Marikina City, Taguig City, at Malabon City, gayundin ang ilang…

Read More