MONITORING SA PERSONALIDAD SA MATRIX KINONTRA

matrix12

(NI BETH JULIAN) SA kabila ng paglabas ng matrix na nagdadawit sa mga mamamahayag sa umano’y planong pagpapabagsak sa pamahalaan at pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte, kinontra ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na isinasailalim sa monitoring at surveillance ng ibang bansa ang mga Filipino lalo na ang mga mamahayag at iba pang grupong kritikal sa administrasyong Duterte. Katwiran ni Panelo, palitan lamang ito ng intelligence information sa pagitan ng magkakaibigang bansa. Nang tanungin  kung walang problema ang ginagawang ito ng mga dayuhan, sinabi ni Panelo na hindi niya…

Read More

P1.8-B GRAFT ISINAMPA SA SANDIGAN VS LRTA OFFICIALS

sandigan12

(NI DAVE MEDINA) SINAMPAHAN ng kasong graft sa Sandiganbayan ang mga opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng Riles Network at United Filipino Consumers, Inc., dalawang samahan ng mga pro-rail commuters at anti-corruption advocates. Tinukoy sa pagsasampa ng kasong graft sina LRT Administrator ex-General Rey Berroya, LRT operations officer Butch Laigo, at apat na iba pang mga  LRT officers batay sa mga dokumentong nakuha  mula  sa Procurement Service ng DBM. Kinakitaan ng mga ebidensyang hindi sumunod  sa wastong bidding rules ang joint venture na pumabor sa supplier ng LRTA na si  Yollee…

Read More

‘OUST-DUTERTE PLOT MATRIX ‘DI GALING SA PALASYO’

panelo 200

(NI BETH JULIAN) MAKALIPAS lamang ang ilang minuto nang sabihing galing sa Office of the President ang impormayong inilabas ng isang pahayagan patungkol umano sa ‘oust-Duterte plot’, agad kumambyo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at kinontra ang unang pahayag. Ayon kay Panelo, blangko ito kung saan nakuha ng Manila Times at ng negosyanteng si Dante Ang ang sinasabing kopya ng matrix na nagpapakita ng umano’y sabwatan ng ilang mamamahayag para siraan at patalsikin sa puwesto ang Pangulo. Iginiit ni Panelo na siya dapat ang maglalabas ng matrix sa publiko pero…

Read More

ILANG BASO NG TUBIG NGAYONG TAG-INIT?

hot temperature1

(NI SIGFRED ADSUARA) DAGDAGAN ang pag-inom ng maraming tubig ngayong tag-init upang makaiwas sa anumang uri ng sakit. Ayon kay Department of Health (DoH)-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) Regional Director Eduardo c. Janairo,  kulang ang walong baso ng tubig na iniinom ngayong tag-init dahil madaling made-hydrate ang katawan. “Yung alam natin na 8 glassess of water, kulang yun dahil madali tayong pawisan at ang katawan natin madaling ma-dehydrate dahil sa sobrang init. Mas maraming iniinom na tubig, mas maganda dahil kailangan ito ng ating katawan para maka-replenish agad. Isa…

Read More

ARSOBISPO DISMAYADO SA ‘LENTEN BASURA’

lenten basura12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa naglipanang tambak ng basura na iniwan ng mga deboto sa taunang Alay-Lakad noong Semana Santa ay hindi maiwasan maglabas ng sama ng loob ang isang Arsobispo. Ayon sa pahayag ni Antipolo Bishop Francis De Leon, naging matagumpay ang naturang aktibidad ngunit hindi ang kalinisan sa kapaligiran, makaraan iwanan na lamang ang mga tambak ng basura sa iba’t ibang lugar bahagi ng simbahan. Dagdag pa nito na hindi maituturing na  isang uri ng pagsasakripisyo ng isang deboto ang pagkakalat sa ibat ibang lugar sa simbahan o…

Read More

CHINESE ESTABLISHMENTS SA BORA BINABANTAYAN

boracay1

(NI MINA DIAZ) MINOMONITOR ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga establisimyento na pagmamay-ari ng mga Chinese nationals sa Boracay kung prayoridad ang mga manggagawang Filipino, kasunod ng mga ulat na tinatanggap lamang ng mga ito ay mga dayuhan. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III taliwas sa mga ulat na dagsa ang mga manggagawang Tsinoy sa Boracay. Sa ulat na ipinarating ni Bureau of Local Employment Director Dominque Tutay sa kalihim, mayroon lamang 151 dayuhang manggagawa sa Boracay at 47 lamang dito ang Chinese. Ani Bello, pawang…

Read More

GASOLINA TAAS-PRESYO NA NAMAN

oil

(NI DAHLIA S. ANIN) BUBUNGAD na naman sa mga motorista pagkatapos ng mahabang bakasyon ang bagong dagdag-presyo sa gasolina. Halos sabay na inianunsyo ng Petro Gazz at Pilipinas Shell Petroleum Corp ang pagtaas ng P0.10 sa bawat litro ng gasolina habang mananatili naman sa dating presyo ang diesel at kerosene. Magsisimula ang dagdag-presyo sa Abril 23, ng ala 6 ng umaga. Hindi pa nagbibigay ng anunsiyo ang ibang kumpanya ng langis. Ayon sa pinakabagong tala ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng gasolina ay nasa P52.40 hanggang P58.51 kada litro. Ang diesel naman…

Read More

NO PERMIT, NO EXAM POLICY LAW PINAMAMADALI

exams12

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINAMAMADALI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay sa panukalang batas na nagpaparusa sa mga eskuwelahan na hindi pinapakuha ng eksaminasyon ang mga estudyante na kulang pa sa tuition. Ayon kay DIWA partylist Rep. Pepito Pico, kailangan na kailangan nang maipasa ang ‘no permit, no exam policy’ na patuloy na ipinatutupad, hindi lamang sa mga technical-vocation institution kundi sa mga higher education institution (HEIs). Dahil dito, ihinain ng mambabatas ang House Bill 8753 para ipagbawal ang polisiyang ito kung saan umiiral pa rin umano sa…

Read More

EMBAHADA NAKAMONITOR SA PINOY SA SRI LANKA

srilanka12

(NI ROSE PULGAR) NANATILING nakamonitor ang Philippine Embassy sa Sri Lanka sa sitwasyon ng mga Filipino doon kasunod ng mga naganap na pagsabog sa mga hotel at simbahan kung saan pumalo na umano sa 207 ang naitalang nasawi habang umabot sa 450 naman ang sugatan. Kaugnay nito, nitong Lunes ay nagpaabot na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa pambobomba sa mga simbahan at mga hotel sa Sri Lanka sa araw mismo ng Linggo ng Pagkabuhay. Ayon kay Ambassador to Bangladesh Vicente Vivencio…

Read More