NAGSIMULA na ng Sabado ang isang buwan na absentee voting para sa 1.8 milyong manggagawang Pinoy sa ibang bansa para pumili ng mga kandidato sa midterm elections. Halos lahat sa mga ito ay land-based workers habang higit sa 43,000 ang sea-based workers. Hinimok din ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Filipino sa ibang bansa na lumahok at kunin ang karapatang bumoto at makiisa sa isang buwan na absentee voting. Inaasahan ng poll body na tumaas ang laging napakababang turnout ng boto sa mga overseas voters gayong tumaas ang bilang…
Read MoreMonth: April 2019
PANGULO ‘DI NAKADALO SA MARAWI CAMPAIGN RALLY
HINDI nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa lungsod ng Marawi nitong Biyernes dahil sa masungit na panahon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang masungit na lagay ng panahon ang rason kaya hindi nakalipad ang Pangulo patungo sa Mindanao State University main campus na siyang pinagdausan ng event. “Hindi maganda ang panahon kaya minabuti na lang magpahinga ng Pangulo,” sabi ni Panelo. Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDP-Laban spokesperson Ronwald Munsayac na hindi raw binigyan ng clearance ang helicopter ni Pangulong Duterte na makaalis…
Read MoreMAYOR SARA PARA PRESIDENTE SA 2022; DU30 KONTRA
(NI BETH JULIAN) KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, mariing inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya payag na tumakbo sa presidential position ang kanyang anak. Pero hindi naman idinetalye ng Pangulo ang kanyang dahilan kung bakit hindi ito pabor na tumakbo sa pagkapangulo ang anak. Una nang sinabi ni Mayor Inday na masyado pang maaga para magdesisyon para rito at posibleng mapagpasyahan niya ito sa taong 2021. 639
Read MoreMALIBAN SA SURVEY, MAGSARILING PAGSALIKSIK DIN
Sa nalalapit na May 13 midterm elections ano nga bang klaseng paghahanda mayroon ang mga Filipino para rito? May mga listahan na ba tayo sa mga dapat na iupong mga kandidato para maglingkod sa bayan at sa mamamayan? Ilang araw na lamang ang ating bibilangin para tayo ay makaboto, kaya dapat ay maging handa tayo bago ang mismong halalan. Panay-panay na ngayon ang mga ulat tungkol sa mga survey kung sino ang mga nangungunang mga kandidato sa pagkasenador. At ayon sa mga pag-aaral ng mga political analysts ang survey ay…
Read MoreKANDIDATONG MANANAKOT SA HALALAN LAGOT KAY DU30
(NI BETH JULIAN) PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga kadidato para sa May 2019 elections. Sinabi ni Duterte na may kalayaan ang mga tao na mamili ng mga kandidatong sa tingin nila na mahusay at makatutulong sa kapakanan ng nakararami. Kandidato man ng administrasyon, oposisyon at independent political party, sinabi ng Pangulo na dapat lamang na makapamili ang mga botante ng kanilang iboboto. Ayon sa Pangulo, hindi uubra ang intimidation o pananakot upang mangibabaw ang diwa ng demokrasya. Kapag pinalitan ng karapatan ang sinuman na hindi sumang…
Read MoreISYU SA PAG-IISYU NG VISA
Kapansin-pansin na talaga ngayon ang pagdami ng mga Mainland Chinese sa ating bansa. Kapag napadpad ka sa Parañaque, tiyak na makakasalamuha mo ang napakaraming mga Chinese. Maging sa mga office buildings lalung-lalo na sa bandang Macapagal Avenue ay sangkaterba ang mga Chinese. Halos okupado rin ng mga Chinese ang mga condominium sa gawing ito ng Metro Manila at tila nasa bansang China ka na kapag nagagawi ka rito. Sa totoo lang, wala naman sanang isyu rito at bagkus ay dapat nga tayong magpasalamat dahil dinarayo tayo ng mga dayuhan. Ibig…
Read MoreKRIS INIURONG NA ANG KASO VS NICKO
MATAPOS ang mahabang sagutan nina Kris Aquino at ang magkapatid na Nicko at Jesus Falcis sa social media, inurong na nga ng actress-host ang kanyang demanda laban sa former business partner na si Nicko sa Mandaluyong City. Unang nireport ng PEP.ph ang ruling base sa kopya nila ng resolusyon na sumang-ayon sa motion ni Kris na may petsang March 25. Ang kaso ay para sa qualified theft na may halagang P1.2 million, na diumano’y ginamit ni Nicko gamit ang credit card na para sa mga transaksyon na may kinalaman sa…
Read MoreREPLEVIN, ISASAMPA SA PINAGTIWALAAN SA LUPA
Sagot kay Ginang Vic Munoz Muit sa nakaraang kolum na “Lupa na pinamana nawalang parang bula” noong April 6, sa Misyon Aksyon sa Saksi’. Nagsadya po ang Misyon Aksyon team para alamin sa bayan ng Ragay ang kalagayan ng kanilang lupang nabili sa kaniyang lola na si Claudia Ibasco. Una ay sinadya po natin ang tanggapan ng Municipal Assessor ng Ragay Camarines Sur para kumuha kung mayroon ngang pag-aari si Ibasco kaya kumuha tayo ng Certificate of Total Aggregate Land Holdings. Agad tayong gumawa ng sulat na mabigyan ng ating…
Read MorePANGULO UMAMING PAGOD NA PERO LABAN SA DROGA TULOY
(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T aminadong pagod na, ipinangakong muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy pa rin niyang lalabanan ang iligal na droga, kriminalidad at korapsyon sa nalalabing panahon ng kanyang termino. Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi nito na nakararamdam na siya ng pagod sa maraming taon na pagsisilbi at paghahatid ng serbisyo publiko. Gayunman, iginiit ng Pangulo na kakayanin nitong iparamdam sa publiko ang kanyang pagmamahal sa bayan at ang paglaban sa ilegal na droga, krimen at sa mga kurap na tauhan at opisyal…
Read More