NAMFREL TINANGGIHAN SA ‘ACCESS’: KALITUHAN INIIWASAN – POLL BODY

namfredl12

(NI HARVEY PEREZ) AYAW lamang umano ng Commission on Elections (Comelec) na malito ang publiko kung kaya hindi nila binigyan ng access sa key election data ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ito ang naging reaksiyon ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang pagkalas ng Namfrel bilang accredited watchdog ng Comelec  sa halalan. Bukod dito, sinabi ni Jimenez na wala sa posisyon ang nasabing usapin dahil maging sila ay walang access sa sinasabing key election data. Una nang sinabi ni…

Read More

OIL PRICE ROLLBACK

oilprice12

(NI ROSE PULGAR) MAY aasahan na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Subalit nitonog Biyernes, pinangunahan ng kumpanyang Phoenix Petroleum ang pagbawas na nasa P1 kada litro sa gasolina habang P0.80 kada litro naman sa diesel na epektibo ng alas-12:00 ng tanghali (May 4). Inaasahan naman ang pagsunod ng iba pang kompanya ng langis kabilang ang tinaguiang “Big 3” tulad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation  at Chevron, Flying V at PTT Philippines sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo sa Martes (Mayo 7). Ang bagong price rollback…

Read More

PAGSARA NG PROV’L BUS TERMINALS, TULOY! — MMDA

mmda

(NI NELSON S. BADILLA) LUMILITAW na walang pakialam ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa libu-libong pasahero ng mga provincial bus araw-araw, sapagkat itutuloy nito ang pagpapasara sa mga terminal ng 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagsasara ng mga bus terminal na nakapuwesto sa EDSA ay malaking tulong upang mabawasan ang trapik sa EDSA. Sa datos ng MMDA, umaabot 8,000 yunit ang kabuuang bilang ng mga bus na byaheng lalawigan, samatalang 4,000 naman…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PLASTIC BALLOON

fda12

(NI ROSE PULGAR) INABISUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko lalo na ang mga magulang na mag-ingat sa pagbili ng unnotified Toy and Child Care Article products, para sa kanilang mga anak. Ayon sa FDA, kabilang dito ang mga sumusunod na pawang plastic balloons  J.H. Toy Lasting Friend Space Balloon, Magic Balloon, Zestar Plastic Balloon size 11 at  Zestar Plastic Balloon size 7. Base sa isinagawang post-marketing surveillance activity ng FDA, lumabas na ang mga nabanggit na plastic balloons ay hindi dumaan sa tinatawag na notification process at…

Read More

DUGYOT NA BARANGAY PINALILINIS NG DILG

POINT OF VIEW

Pinaglilinis ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay opisyal sa kanilang kinasasakupan at binalaan na mahaharap sa parusa ang mga ito kung hindi sila maglilinis ng kanilang nasasakupan. Ang direktiba ay inilabas ng DILG nitong Abril 30, 2019 dahil napapansin na nila ang maraming ‘dugyot’ na barangay na hindi nakikipagtulungan sa paglilinis sa kanilang lugar na nakakaapekto sa pangkalahatan. Ang mga nakakalat kasing mga basura na ito ay napupunta sa mga daluyang tubig gaya ng kanal, ilog at napupunta rin sa ating karagatan na nakakaapekto sa…

Read More

LIBRENG OFW HOSPITAL PASISIMULAN NA

BANTAY OFW

Nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Mangagawa o Labor Day, ay naging araw ng pagdiriwang ng maraming mga OFW sa kadahilanang ito rin ang araw kung saan ay pormal na pinasimulan ang pagpaplano ng OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga. Magugunita na isa ang AKOOFW sa ilang organisasyon at indibiduwal na nagsusulong ng pagkakaroon ng OFW HOSPITAL o kaya ay OFW Hospital Ward sa lahat ng Regional Hospital sa buong Pilipinas. Kung kaya, isa ang inyong lingkod bilang Chairman ng AKOOFW at si Marcia Gonzalez-Sadicon bilang National President ang naimbitahan…

Read More

PAGIGING INA BILANG SUKATAN NG SAYSAY NG ISANG BABAE

Psychtalk

Naalala ko pa nang ginanap ang Miss Universe Beauty Pageant dito sa Pilipinas noong 1994. Nanalo si Bb. Sushmita Sen ng India hindi lang dahil sa taglay niyang kagandahan kundi sa palagay ko ay dahil sa ipinakita niyang katalinuhan. Ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot na may saysay sa mga katanungan at sinabayan na rin ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Maaaring inaasahan o pangkaraniwan ang sagot niya sa huling katanungan na siyang nagbigay sa kanya ng korona. Noong tinanong siya sa kung ano sa palagay niya…

Read More

‘AREAS OF CONCERN’ SA ELEKSIYON DARAMI PA — COMELEC

comelec132

(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang posibilidad  na  madaragdagan pa ang bilang ng mga lugar na  maidedeklarang “areas of concern” sa buong bansa. Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez,  habang papalapit ang araw ng halalan sa Mayo 13. Sinabi ni  Jimenez na nagsasagawa na ng validation ang Philippine  National Police (PNP) sa mga lugar na posibleng maisama sa idedeklarang “areas of concern”. Ito  ay sa mga lugar kung saan mainit ang tunggalian sa politika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng…

Read More

DALAWANG ANTI-SUBMARINE CHOPPERS PARATING NA SA ‘PINAS

choppers12

(NI JESSE KABEL) PARATING na ang  dalawang bagong anti-submarine helicopters ng Philippine Navy mula sa United Kingdom ngayong susunod na linggo. Ayon kay Navy spokesperson Capt. Jonathan Zata, ang dalawang helicopters na AW-159 “Wildcats” ay kasalukuyang ibinabiyahe na papuntang Pilipinas. Ang dalawang brand new at state-of-the-art helicopters na ito ay binili ng P5.4 bilyon sa Leonardo, UK bilang bahagi ng modernization program ng Department of National Defense para sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Kamakailan lamang  ay nagtungo sa UK sina Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad at iba…

Read More