NOGRALES PARARANGALAN SA KAMARA

nograles

(NI BERNARD TAGUINOD) PARARANGALAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa Martes si dating House speaker Prospero Nograles Jr., na pumanaw noong Sabado. Sa advisory sa tanggapan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, dadalhin ang mga labi ni Nograles sa Batasan Pambansa Martes ng umaga para sa isang Requiem Mass at Necrological Services. Matapos ito ay ililipad na sa Davao City ang mga labi ni Nograles para doon ihimlay ang 71-anyos na dating speaker. Noong Sabado ng gabi ay pinangunahan ni Arroyo at House Secretary General Dante Roberto Maling ang ‘Philippine…

Read More

BALOTANG DUMATING SA MLA CITY HALL SIRA ANG SELY0

ballotboxes12

(NI MINA DIAZ) ILANG kandidato sa Maynila ang umalma at kinuwestiyon sa mga sirang selyo o sticker seal ng mahigit 1,000 kahon ng balota na gagamitin sa national at local elections sa Lunes. Nasa 1,502 ballot box ang dumating sa Manila City Hall, na ipamamahagi sa mga polling precinct sa lungsod, pasado alas- 12:00  ng madaling araw ng Linggo. Sinabi ni Josephine Daza, officer-in-charge ng Manila City Treasurer’s Office, itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang opisina para tanggapin ang mga ballot box bago ipamahagi ang mga ito. Naglalaman…

Read More

P1.5-M CALAMITY FUND NAIBIGAY NA NG PCSO SA ZAMBALES

pcso12

(NI ABBY MENDOZA) PERSONAL na iniabot ni Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) Director Sandra Cam kay Zambales Governor Amor Deloso ang P1.5M tulong ng ahensya para sa mga nasalantala ng 6.1 magnitude quake sa lalawigan noong Abril 22. Ayon kay Deloso lubos silang nagpapasalamat kay Cam sa mabilis na aksyon ng PCSO,  sa loob umano ng 10 araw matapos ang earthquake ay kanila agad natanggap  ang tulong pinansyal na maituturing umano na pinakamabilis na tulong lalo pa at ang calamity fund na nagkakahalaga ng P500,000 para sa mga biktima ng Bagyong…

Read More

PAALALA NG COMELEC: IWASAN ANG OVER VOTING

over123

(NI HARVEY PEREZ) IWASAN ang  ‘over voting’. Ito ang muling ibinabala ng Commission in Elections (Comelec) sa mga botante para hindi masayang ang kanilang boto  sa Mayo 13. Sinabi ni Atty. Frances Arabe, director ng Comelec-Education and Information Division (EID), dapat na 12 ang senador lamang ang iboboto at hindi 13. Kung mayroon naman,  isa lang ang dapat na i-shade at hindi dapat dalawa ang isi-shade sa balota. Ipinaliwanag ni  Arabe na kung  magkakaroon ng over voting ay mangangahulugan ito ng pagkabalewala ng boto ng isang botante dahil hindi na…

Read More

MANDATORY DRUG TEST SA MGA GURO

guro2

(NI BERNARD TAGUINOD) IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “mandatory drug test” sa lahat ng mga guro, hindi lamang sa mga public school kundi sa mga private school. Ginawa ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang hiling dahil parami nang parami umano ang mga guro ang nasasangkot sa illegal drug gayong dapat sila ang maging huwaran sa mga kabataan na kanilang tinuturuan. “This is very, very alarming. Even our schools are not being spared by these drug peddlers. Even worse is the fact that some of our teachers…

Read More

BIR MAY ATRASO PA SA TEACHERS NA ELECTION INSPECTORS

bir22

(NI BERNARD TAGUINOD) ISANG taon na ang atraso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga public school teachers na nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEI) noong barangay election 2018 dahil hindi pa naire-refund ng ahensya sa mga ito ang kinaltas na buwis sa kanilang kompensasyon sa pagsisilbi sa nasabing halalan. Ito ang isiniwalat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinatawan ni Rep. Antonio Tinio at France Castro sa Kongreso, na nangangambang muling bubuwisan ang matatanggap na compensation ng mga public school teachers na magsisilbi sa halalan sa…

Read More

POWER PLANT NA LAGING NASISIRA PAGBAYARIN NA

powerplant12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGKASUNDO sa Kamara na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mapanagot ang mga planta ng kuryente na laging nasisira tuwing panahon ng tag-init na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente. Sa Joint Congressional Power Commission (JCPC) hearing na pinangunahan ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco, napagkasunduan din na maglagay ng scorecard sa mga planta ng kuryente at magkaroon na ng Standardization ng Power Supply Agreement (PSA). Kailangan din aniyang magkaroon ng direktang benepisyo ang mga consumers sa mga lugar…

Read More

CONSUMERS HINIMOK GUMAMIT NG SOLAR POWER

solar12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINIKAYAT ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga consumers, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa lahat ng panig ng bansa na maglagay na ng solar panel sa kanilang mga bahay upang makatipid sa kuryente. Ginawa ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco ang panghihikayat sa publiko dahil taun-taon na lamang nagkakaroon ng power shortage lalo na sa panahon ng tag-init. Upang maenganyo ang mga consumers na maglagay ng solar panel sa kanilang mga bahay, kailangang sabayan ito ng Department of Energy (DOE) ng information…

Read More

MILLENNIALS MALAKING TULONG SA PAGLAGO NG EKONOMIYA

millennials12

(NI MAC CABREROS) MALAKAS ang potensyal na umarangkada ang ekonomiya ng Pilipinas, ayon economic expert. Ayon Yasuyuki Sawada, chief economist ng Asian Development Bank, malakas na puwersa ang young workforce kung saan bihasa ang mga ito sa pagsasalita  ng English. “The Philippines’ work pool is English-proficient and among the youngest in Asian region, with an average age of 28. This would serve the needs of technology and business process outsourcing  companies,” wika Sawada. Binanggit Sawada na malaki rin ang potensyal o indikasyon na magiging mabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng…

Read More