JEEPNEY DRIVERS GAGAWING ISKOLAR

(NI BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng transport strike na ikinasa ng transport group ngayong Lunes, inirekomenda ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gawing iskolar ang mga Public Utility Jeep  (PUJ) drivers lalo na ang mga bata. Ginawa ni  Laguna Rep. Marylyn Alonte ang panukala upang matulungan ang mga jeepney drivers na magkaroon ng alternatibong hanapbuhay bukod sa pagmamaneho. “Gawing scholars iyong mga mas batang drivers. The younger drivers can be included in any of the appropriate college education scholarship and assistance programs so they can continue their studies in…

Read More

JOGGING PANTS SA STUDENTS VS DENGUE, HINILING SA DEPED

deped65

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng isang senador ang Department of Education (DepEd) na pag-aralang mabuti na pansamantalang ipagbawal ang pagsusuot ng school uniform ng mga estudyante para maiwasan ang sakit na dengue. Sa sulat na ipinadala ni Senador Nancy Binay DepEd Sec. Leonor Briones, nananawagan ito na payagang makapagsuot ng jogging pants o pantalon ang mga mag-aaral hangga’t hindi nakokontrol ang epekto ng dengue virus. “I am respectfully requesting that your office study the possibility of allowing students to forgo the wearing of uniforms in school in favor of clothing like long…

Read More

90-DAY OIL RESERVES IGINIIT  SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na panahon na upang pag-aralan ng pamahalaan ang pagdaragdag ng oil reserves ng bansa kasunod ng nangyaring kaguluhan sa Saudi Aramco. Sinabi ni Gatchalian na isa sa solusyon sa problema ng bansa sa suplay ng langis ay gawing 60 o hanggang 90 days ang reserbang langis ng mga kumpanya na ngayon ay 30 days lamang. “Yan ang isang pag-aaralan namin at ng DOE dahil sa ibang bansa 90 days. Yung iba nga mas matagal pa at ‘di nila ginagalaw yan, meron silang…

Read More

2 US SENATORS, I-BAN DIN SA PINAS — GO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPINABA-BAN din sa Pilipinas ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang dalawang senador ng Estados Unidos na nagsulong ng resolusyon na ipagbawal ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa sinasabing ‘politically-motivated imprisonment’ ni Senador Leila de Lima. “Yang dalawang senador na ‘yan nakakaloko kayo. Wag kayo makialam dito. Mind you own business. Respetuhin n’yo ang aming judicial system,” saad ni Go. Nanindigan ang senador na nasunod ang proseso ng batas sa kasong droga ni de Lima. “Ako may tiwala ako sa ating judiciary. Yung kaso po…

Read More

P400M MODERNISASYON NG BUCOR TINATRABAHO NA  

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANGAKO si Senate Finance Committee Chair Senador Sonny Angara na mahahanapan ng pondo ang kinakailangang P300 hanggang P400 milyon para sa modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor). Ang kailangan lamang anya ay makapagsumite ang Department of Justice (DOJ) ng pag-aaral kung paano gagawin ang computerization at automation ng talaan ng mga preso. “Yes, sana mapag-aralan na nila para 2020 ma-implement na yun kasi kailangan na talagng i-modernize,” diin ni Angara. Isa anyang posibleng pagkunan ng pondo ay ang inilalaan dapat na budget sa Barangay at SK elections…

Read More

DAVAO OCC NILINDOL

(NI DAHLIA S. ANIN) NIYANIG ng isang 6.1 magnitude na lindol ang Davao Occidental, bandang alas 10 ng Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVoLcS). Ang sentro ng lindol ay naitala sa 05.62°N, 126.73°E-126 km S, 77° E ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Ang tectonic earthquake na ito ay may lalim na 14 kilometro. Naramdaman din ang Intensity III sa Kidapawan at Davao City. Wala naman naitalang nasaktan sa nasabing lindol.   520

Read More

LALAHOK SA TRANSPORT STRIKE TATANGGALAN NG PRANGKISA

dotr

(NI KIKO CUETO) NAGBANTA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga sasali sa transport strike ngayong Lunes na posibleng suspendihin o kanselahin ang operators at drivers franchises kung itutuloy ang protesta. Giit ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, lalabag ito sa LTFRB Memorandum Circular #2011-004, na nagsasabing ang anumang protesta na makakasama o hindi magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero ay posibleng alisan ng prangkisa na ibinigay ng pamahalaan. Sinabi ni Delgra na sakop ito ng LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004 na basehan ng kanilang pagkakansela sa…

Read More

TIGRESSES, LADY SPIKERS WALA PANG DUNGIS

(NI JOSEPH BONIFACIO) NAGTALA ng magkaibang panalo ang four-peat seeking University of Santo Tomas at De La Salle para manatiling unbeaten sa UAAP Season 82 women’s beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM by the Bay sa Pasay City. Sina Golden Tigresses’ Babylove Barbon at Gen Eslapor ay magaang na tinalo sina Kring Uy at Chen Ave, 21-10, 21-9 at pahabain pa ang kanilang winning run sa apat at 22 sunod na panalo sapol noong 2016. Ang Lady Spikers ay umangat din sa 4-0, pero nangailangan sina Tin Tiamzon at…

Read More

SOTTO KAY DEFENSOR: ‘DI KAMI MAGPAPA-BULLY

titosotto

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINAMON ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Cong. Mike Defensor na ituloy lamang ang pagsusulong nito ng pagtapyas ng budget ng Senado sa gitna ng pakikipagbangayan kay Senador Panfilo “Ping” Lacson sa isyu ng pork barrel. Kasabay nito, mistulang binantaan naman ni Sotto si Defensor ng posibilidad ng reenacted budget sa 2020. “Kung may plano sila tulad ng iniyayabang ng isang partylist na congressman na bawasan daw ang budget ng Senate, sabi ko eh di subukan nyo. Sanay ako sa reenacted budget. Ako pa, kami…

Read More