NAGPAHAYAG ng suporta ang Northern Luzon Command (NOLCOM) sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Aquino, Tarlac City noong Nobyembre 9, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad ni BGen. Dean Mark Mamaril PA, Deputy Commander ng NOLCOM, na kinabibilangan ng Panunumpa ng Komitment para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at pagbasa ng mensahe ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa NOLCOM, pinagtibay ng aktibidad ang kanilang paninindigan na protektahan ang karapatan ng kababaihan, labanan ang karahasan at isulong ang ligtas at inklusibong kapaligiran.
Kasabay nito, isinagawa rin ang pagkilala sa promosyon ni AW2C Mariecon Earl Honrade PAF bilang bahagi ng programa.
(JESSE RUIZ)
13 