(Ni ANN ESTERNON) Hilig nating mga Pinoy ang mamamasyal sa kung saan-saan. Isa sa puntahang destinasyon sa bansa ay ang isla ng Siargao. Natatangi rin ang isla na ito na animo’y hugis ng luha, malinaw na tubig at maaliwalas na kapaligiran dahil na rin sa palms trees kaya naman hindi ito nawawalan ng mga turista lokal man o mga dayuhan. Ang Siargao Island ay matatagpuan sa lalawigan ng Surigao del Norte. Ito ay nasa northeastern coast ng Mindanao. Isa sa mga katangian ng islang ito ay ang mga alon mula…
Read MoreMonth: September 2019
BAKIT PAPALITAN PA ANG PANGALAN NG PDEA NG PDEA RIN?
Naghain si Senate President Vicente Sotto III ng Senate Bill No. 3, isang panukalang batas na ang layunin ay bumuo ng panibagong ahensiyang tututok sa lahat ng aspeto ng paglaban sa ilegal na droga sa bansa. Sakaling maaprubahan at maging batas, bubuwagin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drug Board (DDB) at papalitan ng ahensiyang tatawaging Presidential Drug Enforcement Authority (PDEA). PDEA pa rin ang acronym. Sana kung magbabago, ibahin naman ang acronym upang maalis, makalimutan, at mabura na ang mga negatibong imahe ng una o kung baga…
Read MoreGAMOT SA CANCER, DIABETES ISASAMA SA MAXIMUM RETAIL PRICE
(NI HARVEY PEREZ) PLANO ng Department of Health (DOH) na isama ang mga gamot sa cancer at diabetes sa maximum retail price. Lumalabas na ang Pilipinas ang may pinakamahal na gamot kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia. Ito umano ay sa kabila ng umiiral na Cheaper Medicines Act of 2009 sa bansa pero napakataas pa rin ng presyo ng mga gamot sa Pilipinas. Ang maximum retail price ay huling naipatupad noong 2009 sa limang gamot lamang sa Pilipinas. Nalaman sa DOH na ang gamot para sa cancer na nagkakahalaga…
Read MoreAKOOFW TELERADYO, INILUNSAD PARA SA MGA OFW
Pormal nang inilunsad ang AKOOFW Teleradyo na mapapanood at maririnig sa pamamagitan ng livestream sa Facebook page na AkoOFW Inc. at pati na rin sa YouTube channel na AKOOFW Teleradyo. Araw-araw na itong mapapanood simula ika-6 ng gabi upang magkaroon ng pagkakataon ang mga OFW na makasali sa mga programang inihahatid ng mga batikan sa online broadcasting. Layunin ng AKOOFW Teleradyo na mas lalong makinig sa himpapawid ang lahat ng mga OFW at maging ang mga pamilya nito saan mang sulpok ng mundo. Sa unang sultada ng programa ay mapapanood…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(HULING BAHAGI) Masalimuot nga marahil pero baka naman pwedeng pasimplehin ang pananaw sa walang kamatayang usapin sa bigas. Una, alam natin na ito ang staple food ng karamihang Filipino. Hindi man gaanong mahalaga ito para sa ilang sector na may kakayahang pumili kung ano ang mas karapat-dapat na ilaman sa sikmura nilang ‘di naman kumakalam, para sa walang gaanong karapatang pumili, ang bigas ay buhay na nila. At alam natin na ang mas nakararami na ito na kadalasan ay nasa laylayan ng lipunan ay sila rin ang mas nangangailangan ng…
Read MoreTIGERS PINANA NG ARCHERS
(NI JOSEPH BONIFACIO/PHOTO BY LYLE MARQUEZ) LARO BUKAS : (SMART ARANETA COLISEUM) 12:00 P.M. – NU VS UE 4:00 P.M. – ATENEO VS UP PINANA ng La Salle ang UST, 92-77 para sa maugong na pagtatapos ng kampanya nila sa 82nd UAAP men’s basketball tournament first round kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kumamada ng career-high na 29 puntos sa 13-of-22 shooting sahog pa ang limang rebounds at dalawang assists si Encho Serrano upang giyahan ang balanseng atake ng Green Archers. Sumuporta naman sa kanya si…
Read MorePAGBUO NG SMALL COMMITTEE 2020 BUDGET IDINEPENSA
(NI ABBY MENDOZA) IPINAGTANGGOL ni Albay Rep. Joey Salceda ang desisyon ng House Plenary sa pagbuo ng small committee para salain ang mga ipapasok na institutional at individual amendments sa 2020 General Appropriations Bill. Ayon kay Salceda, hindi na dapat bigyang kulay pa ang nasabing hakbang dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na ginawa ang ganitong sistema kundi noon pang 18th Congress, aniya, desisyon ito ng plenaryo para maging praktikal ang pagsusumite ng amendments ng mga kongresista lalo at hindi naman maaaring silang lahat na 299 miyembro ng House of…
Read MoreALBAYALDE NAGING EMOSYUNAL: I DID MY BEST
(NI NICK ECHEVARRIA) NAGING emotional si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde, nang tanungin ng media sa kanyang Testimonial Parade sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, nitong Sabado kung anong legacy ang iiwan nito sa sa panahon ng kanyang panunungkulan. “I really do not know. Let the people judge me. Hindi ko alam kung ano sasabihin ng mga tao, whatever they will say I will accept. For myself I did everything, I gave my best.” pahayag ni Albayalde. Si Albayalde, na ika- 22 PNP chief ay…
Read MoreAKSYON NG US SENATE SAMPAL SA KASARINLAN NG PILIPINAS
(NI ABBY MENDOZA) MALINAW na panghihimasok sa internal affairs ng Pilipinas at pag-atake sa judicial independence ang ipinasang amendment ng United States Senate na nagbabawal sa Philippine government officials na pumasok sa Estados Unidos, partikular ang mga may kinalaman sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima. Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, nababahala ito sa magiging implikasyon ng ipinasang amendment dahil maaaring maapektuhan nito ang desisyon ng dalawang hukom sa Muntinlupa Regional Trial Court Branches 205 at 256 na may hawak ng kaso ni De Lima, aniya, tila sinasabi ng…
Read More