BELENISMO SA TARLAC

PINANGUNAHAN ni Dra. Isa Cojuangco-Suntay, isa sa mga nagtatag ng Tarlac Heritage Foundation, ang pagdiriwang ng ika-19 na Belenismo sa Tarlac, isang taunang aktibidad na nagbibigay-buhay sa tradisyon ng paggawa ng Belen bilang pagpapahayag ng pananampalataya, kultura, sining at pagkakaisa ng mga Tarlaqueño.

Muling tampok sa pagdiriwang ang mga kahanga-hangang likha ng Belen na sumasalamin sa pagkamalikhain, talento at dedikasyon ng mga kalahok. Layunin ng aktibidad na pangalagaan at maipamana sa susunod na henerasyon ang mahalagang tradisyong ito.

(DANNY BACOLOD)

18

Related posts

Leave a Comment