5-DAY LEAVE SA GOV’T WORKERS

CSC-3

PINAPAYAGAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal na makakuha ng special 5-day emergeny leave. Sa CSC Memorandum Circular Nos. 2 at 16 na inisyu noong February 16, 2012 at October 17, 2012, na naglalaman ng guidelines para sa pagbibigay ng special emergency leave sa mga empleyado ng gobyerno, ng limang (5) araw na magkakasunod na hindi ibabawas sa employee’s leave credits. Ang nasabing pribilehiyo ay maaaring gamitin ng mga matinding naapektuhan ng kalamidad para magkaroon sila ng panahon na…

Read More

CHOOKS 3X3 PLAYERS INISNAB NG SBP 

Ronald Mascariñas

MASAMA ang loob ni Bounty Agro Ventures Inc. at Chooks-to-Go Pilipinas president Ronald Mascariñas sa Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa pag-etsapwera sa mga player ng una sa 2020 Fiba 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Marso sa New Delhi, India. Pakiramdam ni Mascariñas, binalewala ng SBP ang lahat ng mga pagsisikap ng Chooks-to-Go Pilipinas para mapaangat ang kalidad at makatuntong ang bansa sa pinakamataas na antas sa 3×3 basketball patungo sa Olympic Qualifying Tournament. “Balewala na parang batang kalye at ulilang-ulila noon ang 3×3 noong lumapit kami para matulungan na…

Read More

AYALA, PANGILINAN GANID — PDU30

DUTERTE-AYALA-PANGILINAN-2

Muling inupakan dahil mistulang walang kabusugan MULING nakatikim ng birada mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga negosyanteng sina Fernando Zobel de Ayala at Manny Pangilinan. Sa briefing ng Pangulo kaugnay ng sitwasyon sa Taal, Batangas, muli nitong ibinulalas sa publiko ang ngitngit sa Manila Water at Maynilad na aniya’y tila walang kabusugan dahil patuloy na pinagkakakitaan ang kanilang negosyong tubig. Gaya nang ipinangako sa publiko, inihatag ng Pangulo ang aniya’y mga big fish na nasa likod ng naranasang kawalan ng suplay ng tubig sa nagdaang mga buwan dahil…

Read More

GOODBYE ANGKAS

angkas44

Posibleng mabuwag dahil 99 porsiyentong pag-aari ng dayuhan- solon DELIKADO ang lagay ng Angkas kapag hindi nito inayos ang usapin sa ownership ng nasabing kumpanya. Ginawa ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ang nasabing pahayag dahil sa mga ulat na pag-aari ng isang Singaporean national ang 94% ng Angkas habang 6% lamang ang hawak ng Filipino. “Itong angkas na 99 percent foreign owned, medyo delikado yan, kuwestiyonable ‘yan. Either antayin nila na mahuhuli sila ng basta or they should start adjusting documentation,” ani Nograles. Base sa batas, ang majority owners…

Read More

DAGDAG NA AYUDA SA TAAL VICTIMS ; AYALA GROUP NANGUNA SA PRIVATE SECTOR RELIEF EFFORTS

AYALA-2

BUMUHOS pa ang tulong ng pribadong sektor sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pangunguna ng Ayala Corp. ‪May 30 water tankers na naglalaman ng kabuuang 248 cubic meters ng tubig ang naunang dinispatsa sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna at tatlong beses na itong pinalitan ng Laguna Water magmula noong Lunes. May kabuuang 10,000 evacuees ang tumanggap ng libreng maiinom na tubig mula sa nasabing mga  tanker. Sa pakikipagtulungan sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (Batangas PDRRMO), ang Manila Water ay patuloy…

Read More

ISLA NG TAAL ‘NO MAN’S LAND’

ISLA NG TAAL

Mga bitak sa Batangas dumami pa INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ideklarang “no man’s island” ang Taal Volcano Island kasunod ng pag-aalburuto nito at ang pinangangambahang mas mapanganib na pagsabog anomang oras. Nabatid ito mula kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa gitna ng nagpapatuloy na paglikas sa mga residente mula sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagsabog ng bulkan. “Yes, it was approved by PRRD [President Rodrigo Roa Duterte] but it would be gradual until relocation for settlers is prepared,” ayon kay…

Read More

LOAN PAYMENTS ITIGIL MUNA

Senador Nancy Binay-2

HINIKAYAT ni Senador Nancy Binay ang Government Security Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at Pag -Ibig Funds na pansamantalang itigil ang paniningil sa loan payments ng mga taong apektado ng pagsabog ng Taal Volcano. Sa pahayag, sinabi ni Binay na malaki ang maitutulong ng 6 to 12 months moratorium sa mga taong apektado ng pagsabog ng Taal Volcano upang makatayo sila sa dinanas na kalamidad. “We can help ease the burdens of our kababayans hit by natural calamities and a way for government agencies to show continuing concern…

Read More

PALASYO SA PAG-ATRAS NI SABIO SA ICC: OPOSISYON MABIBILAD SA KAHIHIYAN

panelo55

MABIBILAD sa kahihiyan dahil unti-unti nang nahuhubaran at ngayo’y umaalingasaw na tila ash fall ang baho ng  mga destabilizer ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na si dating Senador Antonio Trillanes. Reaksyon ito ng Malakanyang kasunod ng ulat ng pagwi- withdraw ni Atty. Camilo “Jude” Sabio sa inihain nitong reklamong crime against humanity kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na  aniya’y inuusig na ng konsensiya. Bukod kay Trillanes, binanatan din…

Read More

INDEPENDENT BIDDING IGINIIT SA ENERGY CONTRACTS

Rep Zarate - Colmenares

MULING hiniling nina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang pagsasagawa ng ‘independent bidding’ ng energy supply contracts upang hindi magdusa ang mga konsyumer sa mataas na bayarin sa kuryente. Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Colmenares na ‘welcome’ naman sa kanila ang anunsiyo ng power company na kanilang babaguhin ang ‘terms of reference’ (TOR) para sa bidding ng kanilang 1,200-megawatt supply requirement sa susunod na 20 taon, subalit, kailangan umanong tiyakin ng Department of Energy…

Read More