Ang pormal na paglulunsad ng Galaxy Card na isang Loyalty Card ng Astrotel. Ang okasyon na ginanap noong September 29 ay pinangunahan ng mga opisyal ng Astrotel na sina (mula sa kaliwa) Maricar Cunanan, Senior Manager; Sue Geminiano, Corporate Marketing Head; Anna Mariel Quinto, Advertising and Promotions Manager; at Danifer Calma, Senior Manager.
Dinisenyo upang pagandahin ang experience ng hotel guests, ang Astrotel Galaxy Card ay nag-o-offer ng benefits sa pangangailangan ng mga miyembro nito.
Upang mas maging makabuluhan ito, nagkaroon ang Astrotel ng pormal na paglulunsad ng kanilang Galaxy Card noong September 29 na ginanap sa Quezon City.
Ang Galaxy Card ng Astrotel ay isang new chapter ng rewards para sa kanilang valued guests. Kabilang pa rito, ang cardholders ay makatatanggap ng personalized notifications tungkol sa mga eksklusibong deal na maaasahan.
“Welcome and thank you for joining us as we officially launch the Astrotel Galaxy Card. This is our wayof thanking our valued guests and giving you more exciting rewards, exclusive benefits, and surprises everytime you choose AstroTel,” ayon kay Danifer Calma, Senior Manager ng Astrotel.
GALAXY CARD: BENEFITS, MECHANICS
Ang Astrotel Galaxy Card ay isang loyalty program para sa valued guests ng Astrotel para mas comfortable, enjoyable at maging matagal ang pag-stay nila rito.
Bilang loyalty card member, mae-enjoy ang 20% discount sa room rates ng Astrotel habang nag-e-earn ng Galaxy Points.
“For every 20 pesos spent, you will earn 1 Galaxy Point which is equivalent to P1 upon redemption. So, the more you stay, the more you earn, and the more rewards you can use for your next transaction. For example, if you already have 500 Galaxy Points, that’s already equivalent to P500 that you can claim or re deem on your next stay at Astrotel,” paliwanag ni Anna Mariel Quinto, Advertising and Promotions Manager ng Astrotel.
Ang na-convert nang pera ay puwedeng gamitin sa susunod na pag-stay ng hotel guests at magagamit ito bilang pambayad sa room rates, at ipambili ng mga pagkain o merchandise items sa kahit saang Astrotel branch.
“To register and earn points on our Galaxy Card, you have to go to any astronaut branch para mag-register sa Galaxy Program natin. You just have to type in your mobile number kasi ito ang gagamitin natin sa registration. On screen of your phone, you just have to click the ‘Accept the Terms and Conditions and Privacy Policy.’ Guests will receive an OTP (one time PIN) for account security doon sa registered mobile number nila,” dagdag pa ni Quinto.
Astrotel Galaxy Card
Kapag na-input na ang OTP, maire-register na ang required information gaya ng pangalan, email address, at location at i-click ang “Submit” button.
Sa next page, optional na lamang ang paglalagay ng birthday at gender, pero mas maganda kung kumpleto ang detalye ng guests. Susundan ito ng paglalagay ng ka nilang PIN.
Kapag na-register na ang Galaxy Card, kailangan nang ma-link ito sa registered information. Ilagay lamang ang Galaxy Card number at ang card PIN.
Sa paglulunsad na ito, maraming partners ng Astrotel ang nakibahagi at nagbigay suporta kabilang ang kilalang tinapay na Mister Pullman, Anghel Kape, at iba pa.
“On behalf of Mister Pullman, we would like to congratulate Astrotel on this exciting milestone. We are happy and proud to support an event that celebrates loyalty, partnership, giving customers and even better experience. As one of the sponsors, Mister Pullman, it is a grateful opportunity to be part of this wonder ful gathering,” ayon kay Jonathan Chico, Sales Market ing Officer ng Mister Pulllman bread.
Samantala, nakahanda ang Astrotel na alamin ang iba pang magpapaganda ng kanilang serbisyo para sa kanilang loyal guests.
Para sa mga katanungan at reservations hinggil sa Astrotel, tumawag sa 0998-510-1000 o magsadya sa kanilang website sa www.astrotel.ph.
ALAGANG ASTROTEL, ISANG NATIONWIDE CSR INITIATIVE
Kasabay ng paglulunsad ng Galaxy Card, ikinararangal din ng pamunuan ng Astrotel ang pagtatag nila ng isang kahanga-hangang inisyatibong corporate social esponsibility (CSR) na kilala bilang Alagang Astrotel.
Ang CSR na ito ay sumasalamin sa pangako ng kompanya na maibalik sa komunidad ang agapay na nararapat at magtaguyod ng positibong epekto sa lipunan.
“The plan of implementation ng Alagang Astrotel is nationwide. It’s not necessary na dapat malapit sa branch o within the community na may Astrotel branch. It is really a help to underserved communities and it started before the COVID-19 pandemic,” paliwanag ni Sue Geminiano, Corporate Marketing Head ng Global Comfort Group Corporation (GCGC).
Ang GCGC ay isang kilalang hotel management company sa Pilipinas. Pinamamahalaan nito ang kilalang brands tulad ng Hotel Sogo, Eurotel, Apo View Hotel, Hotel DreamWorld, at Astrotel.
Aminado si Geminiano na bagamat wala pa ang pormal na Alagang Astrotel noong bago magpandemya, nakaagapay na sila sa iba’t ibang komunidad lalo na sa mga direktang lumalapit sa kanila.
“Hindi masyadong na-promote noong time na ‘yon dahil wala pa talaga ‘yong programa. It’s just someone would ask for help from the Astrotel branch, and we give help. Now, pormal na, we have this Alagang Astrotel,” dagdag pa ni Geminiano.
Kabilang sa tulong na ipinaaabot ng Astrotel noon hanggang nga yon ay para sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad.
Sa pormal ding pagpapakilala ng Alagang Astrotel, ibinahagi nito na wnagsimula ang tulong nila kay nanay Marissa, 59, isang balo na may siyam na anak at nakatira sa Barangay Payatas, Quezon City. Ito ay bahagi ng transformational activities ng programang Alagang Astrotel bilang tulong sa mga kababayan.
“Kung mayroon po kayong nino-nominate na kakilala na kailangan ng tulong, mag-send lamang kayo ng message sa Astrotel Facebook page and we will do some paperwork to see how in need this person is,” paanyaya ni Geminiano.
Layunin ng Astrotel na makatulong at magbigay-pag-asa sa kapwa na humaharap sa mga pagsubok. Ang inisyatiba ay hindi lamang nagpapahusay sa imahe ng kompanya kundi iniaayon din ang mga kasanayan sa Astrotel sa mga prinsipyong etikal at responsibilidad sa lipunan.
109 


